Chapter 12
"Jade... tara!" Nakangiting aya sakin ni Brian. "Kwentuhan tayo" Sabi niya tapos inilagay niya ang braso niya sa balikat ko na para bang inaakbayan niya ako pero hinayaan ko nalang kasi alam kong inaalalayan niya lang ako.. tsaka...
hindi ko alam kung bakit...pero...
parang nanghihina ako...
Nagsimula na kaming maglakad ni Brian ng may humawak sa kamay ko at hinila ako mula kay Brian...
"Anong ginagawa mo!?" Lumingon ako ng may gulat na expresyon sa galit na galit na si Franco..
Paglingon ko naman sa likod ay nakita ko din si Cheska pero ang weird... bakit gulat din ang reaksyon niya at nakatingin siya kay..
Brian?... at ganun din ang reaksyon ni Brian ng makita sina Franco at Cheska..
"A-anong nangyayari?" Bigla ko nalang naitanong... Gulung-gulo na rin kasi ako ehh..
Lumingon sakin si Franco pero hindi galit yung expression na pinapakita niya sakin ngayon..
"Jade sorry ah.. dapat pala di na kita dinala dito" Sabi sakin ni Franco na may pag-aalala sa boses niya..
Hindi ako makapag-salita.. hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko eh..pati gagawin di ko na din alam.. Ang alam ko lang maraming bumabagabag na mga katanungan sa isip ko ngayon..
Bakit galit si Franco kay Brian? Sino ba talaga si Cheska? At bakit ganun ang naging reaction nilang tatlo ng magkita-kita sila ngayon?..
Nang walang matanggap na sagot si Franco mula sakin ay nagsalita ulit siya..
"Jade, tara na.. alis na tayo dito"pagkatapos niya sabihin yon ay tumingin siya kay Cheska at tumango naman ito..siguro sinasabi niya na aalis na kami..ganun din ang ginawa ni Cheska.. Pagkatapos ay tumingin siya ng masama kay Brian tapos tuluyan na niya ako hinila paalis sa lugar na yon..
Franco's POV:
Kainis!
Kasalanan ko itong lahat eh!
Bakit ko ba kasi dinala-dala si Jade dito!?
Madamay pa siya sa gulo ng buhay ko niyan eh! Tsk!
Pumunta na kami ni Jade sa carpark ng hotel para makaalis na ng tuluyan dito.. Hindi ko alam kung saan kami pupunta..Ang alam ko lang, kailangan kong maialis si Jade dito bago pa siya madamay sa gulo..
Nang makasakay na kami ng sasakyan agad-agad kong pinaandar ang sasakyan para pumunta sa...kung saan man...
Di ko talaga alam eh..
"F-franco..a-anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ni Jade..
*sigh*
Sasabihin ko na ba? Eto na ba ang tamang oras para sabihin sa kanya ang lahat? Pano kung pagkatapos nito layuan niya ako?
Ayoko naman mangyari yun.. :(
"Jade.. may mga bagay na hindi mo pa kailangan malaman ngayon" Yan na lang ang nasabi ko sa kanya..
"P-pero Franco.. maraming mga tanong.. bumabagabag sakin eh! Kaya pwede bang sabihin mo na?" Pangungulit niya..
"P-pero--"
"Franco naman.. hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?" Tumigil siya sandali sa pagsasalita. "Oo nga pala pano mo nga pala ako pagkakatiwalaan eh hindi naman tayo magkaibigan, ni hindi nga tayo close ehh.. sige na ok lang ka--"
"No!" Medyo napataas ang boses ko kaya naman nagulat siya.. pati na rin ako. "H-hindi naman sa ganun Jade. A-ano.. n-natatakot lang kasi ako na kapag sinabi ko sayo lahat.. lahat-lahat.. ay layuan mo ako.. baka pati yung pag-asa ko na mapalapit sayo mawala na rin.." Sabi ko sakanya..
Hindi ko na mapigilan ang sabihin ang mga ganitong bagay sa kanya.. Pakiramdam ko kasi na kapag hindi ko sinabi ang mga ito mawawala nalang siya basta-basta sakin ehh..
Pero..
Kung sasabihin ko din ba sakanya lahat..
Mawawala din ba siya dahil baka totoo lahat ng iniisip ko na lalayuan niya ako once na malaman niya kung ano ang nararamdaman ko at kung sino talaga ang mga tao na involved sa buhay ko?
Ang gulo! Tsk!
Hinawakan niya ang kamay ko na dahilan ng pagtingin ko sa kanya.. pati na rin dahil sa gulat..
"Franco..sabihin mo sakin please? Subukan mo sabihin sakin.. gulung-gulo na kasi talaga ako ehh.. ang dami kong tanong na gustong masagaot at lahat ng iyon ay konektado sayo" Sabi niya sakin ng diretso..
I stopped the car only to realize kung nasan kami ngayon..
Sa park..
*sigh*
Mukhang ito na talaga.. Kailangan ko na sabihin sa kanya ang lahat... kailangan ko na sagutin ang mga tanong niya na bumabagabag sa kanya.. kung ano man ang mga tanong na iyon, hindi ko alam.. ang alam ko lang ay ang sinabi niya saakin na lahat ng tanong niya ay kunektado saakin.. At isa pa nga pala..
Nang sinabi ko na sasabihin ko na sa kanya lahat, ibig sabihin ko ay lahat-lahat..
Tama..
Pati ang nararamdaman ko ay sasabihin ko na rin sa kanya..
Bumaba ako ng sasakyan tapos ay umikot ako papunta sa pintuan sa kabilang side para mapagbuksan ko si Jade ng pinto.. ng mabuksan ko na ay inilahad ko ang kamay ko sa harap niya..
"Tara.."
***********
Thanks for reading!^^ Enjoy and God Bless!^^