Hi BOSS! Dedicate ko sayo!^^Hihi!XD Happy New Year!^^
A/N: Pic nga pala ni Matt sa gilid! ^^
------------------------------------
"Oh Jade! Namimiss mo siguro ako kaya balik ka ng balik dito noh?"Sabi ni Matt ng makapasok ako sa Student Council ofiice.
Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking to! -____-
"Matt, isa na lang talaga tatangayin na ako. Ang hangin ehh."Sabi ko naman sakanya in a sarcastic tone.
"Hahahaha! Ikaw talaga. Chill lang, alam ko naman kung bakit ka talaga nandito ehh."sabiniya ng nakangiti.
"Buti naman. So ano? Alam mo na ba? Meron na ba?"Tanong ko sa kanya. Ang palagi kong tanong sa kanya kapag nagkikita kami ngayong mga nakaraang araw.
"Hindi pa din ehh. Wala pa rin akong nakukuhang info."Sabi niya. At iyan naman ang palagi niyang nagiging sagot.
Haaay...As usual, wala pa din.
"Ahh...ganun ba, sige thank you Matt ha."Matamlay na sagot ko sa kanya tpos lumabas na ako ng SC office.
"Wala na naman."Bulong ko sa sarili ko habang nakayukong naglalakad lang ng diretso at hindi alam kung saan ako pupunta. Basta kung saan lang ako dalhin ng mga paa ko.
Nakakawalang gana na kasi pumasok ngayon. Hindi sa tinatamad ako o ano, nawalan na ako ng energy ehh...at hindi ko alam kung bakit.
"Pangatlong araw...Pangalong araw na!"Naiinis kong bulong sa sarili ko habang naglalakad pa rin ng nakayuko.
Alam kong nagtataka kayo sa kung saan ba patungkol yung sinasabi ko. Well, Pangatlong araw. Pangatlong araw na akong pabalik balik sa SC office para magtanong. Magtanong kung pumasok na ba si Franco. Pero sa tatlong araw na yon, palagi nalang akong nawawala sa mood at naiinis dahil sa tatlong araw na pabalik balik ako dun at sa tatlong araw na pagtatanong ko, puro wala lang ang nakukuha kong sagot mula kay Matt.
Hindi naman ako naiinis at hindi ko naman sinisisi si Matt na hindi niya alam kung kelan ba papasok si Franco o wala siyang nakukuhang info kung kelan. Naiinis lang ako dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit pabalik balik ba dun tuwing umaga kung alam ko naman na ang sagot ay palaging 'wala'.
Si Franco naman kasi ehh! Walang pasabi. Hindi sa concerned ako o ano ha, natatakot lang talaga ako na baka pag balik niya dito pagalitan niya ako ng katakot-takot although isang linggo nalang pala ang itatagal ng contract namin na pagiging alalay ko sakanya.
"Aray!"At dahil nga sa nakayuko ako at hindi tumitingin sa dinadaanan ko, nabunggo ako ng isang tao at ako po ay napaupo sa sahig.
"Oww..Sorry"Sabi nung nakabunggo ko. Teka parang kilala ko yung boses na yun ahh.
Inabot nung tao na nakabunggo ko yung kamay niya sakin para tulungan akong tumayo. Inangat ko nama ang ulo ko at nakita ko na nakangiti siya sakin. Hindi nga ako nagkakamali, siya nga yun. Ang taong palaging nagpapangiti sakin sa loob ng tatlong araw na nababadtrip ako, ang savior ko..si Brian.
"Ui Brian, ikaw pala. Thank you ahh."Sabi ko ng nakangiti ng makatayo ako.
"Ano ka ba, bakit ka nag tha-thank you? Nabunggo kaya kita."Sabi niya ng nakangiti. Gwapo talaga!
"Bakit masama na ba mag thank you ngayon? Tsaka hindi mo naman talaga kasalanan ehh, ako pa yata ang nakabunggo sayo. Kaya sorry ahh."Sabi ko ng nakangiti din sa kanya.
"Hmm..Ganto nalang, wala nalang may kasalanan."Sabi niya ng nakangiti tapos tumawa kami pareho.
Pinapagaan niya talaga ang pakiramdam ko ngayon!>.<
"Bakit nga pala naglalakad ka ng nakayuko diyan? Mukha ka tulyo zombie."Sabi niya. Bakit nga ba?
"Ahh..Ehh...K-kasi...hindi ko din alam ehh."Sabi ko. Hindi ko naman talaga alam.
"Ahh...Tara! Kain tayo!"sabi niya ng nakangiti.
Teka seryoso ba siya? Ang alam ko may klase pa siya ahh.
"S-sandali, may klase ka pa di ba?"Takang tanong ko sa kanya.
"Ayos lang! Tinatamad ako eh."sabi niya pa rin ng nakangiti.
Totoo ba to? Si Brian hindi aattend ng klase niya? Ayoko mag feeling pero kasi kinikilig ako ngayon ehh. >//<
"So ano? Tara na!"Sabi niya ng nakangiti sabay hila sakin.
---------------
"Tapos alam mo ba, bigla bigla nalang nauntog yung lalaki dahil tumatakbo siya tapos hindi tumitingin sa dinadaanan niya!"sabi ni Brian tapos tawanan kaming dalawa.
Nandito kami ngayon sa may canteen ng school. Kumakain at nagtatawanan dahil sa mga jokes ni Brian. Grabeh! Hindi lang pala siya mabait at gwapo, may sense of humor pa! OHMAYGASH!
"Ui wait Jade wag kang gagalaw."Bigla niyang sabi. Huh? Anu meron?
"B-bakit?"
"Basta."sabi niya tapos dahan dahang lumapit yung mukha niya sa mukha ko.
*Lub dub!* *Lub dub!* *Lub dub!*
OMG! Ano bang ginagawa niya?
Dahan dahan niyang inangat ang kamay niya at hinawakan ang mukha ko sa may bandang labi. Tapos ay pinunasan ang gilid ng labi ko. At lumayo na ulit ang mukha niya dahil umayos na siya ng upo.
"May dumi kasi ^^."Sabi nya ng nakangiti.
"Ewan ko sayo! Dapat sinabi mo na lang para ako na lang nagtanggal"Sabi ko ng nakangiti.
Ano ka ba okay lang yun noh! Sa trip kong punasan yang gilid ng labi mo ehh"Sabi niya tapos tumawa kaming dalawa.
Pero habang tumatawa kami ay bigla nalang akong nakaramdam na may humawak sa kamay ko at bigla nalang akong hinila palabas ng canteen.
"Brian!"Tawag ko kay Brian.
"Ui! Jade!"Tawag din niya sakin.
Panira ng moment tong taong to ahh! Basta basta nalang nanghihila! Sino ba to!? Aba makiki--
O.O
"F-franco?"Bigla kong nasabi habang hinihila niya ako.
Hindi nga ako nagkakamali. Siya nga!
**********
A/N: Late Update. I know. Anyways! Enjoy Po Kayo! And don't forget to vote or comment!
~SS836
