( A/N: Dedicated po sa second fan ko po dito sa wattpad! ^^ This is my way of thanking you po!
**********
Introduction:
"Ano Ba! Hindi mo pa ba makuha ha!?"bigla niya na lang sigaw sakin.
Nakakagulat naman!
"Ano!? Ano bang hindi ko makuha!?"tanong ko na medyo may kalakasan din ng boses.
Hindi naman ako pwedeng mas magtaas ng boses sa kanya ehh.
"ARRRGGGHH! KAHIT KELAN NAPAKA SLOW MO TALAGA! HINDI MO TALAGA MAINTINDIHAN!"sigaw niya ulit.
Nakakainis na toh ah!
"EHH ALAM MO PALANG SLOW AKO EHH.NA HINDI KO MAINTINDIHAN! EDI IPAINTINDI MO KAYA SAKIN PARA MAINTINDIHAN KO!"pagbabalik ko ng sigaw sa kanya. Hindi ko na kaya. Naiinis na talaga ako.
Huminga siya ng malalim at pinapakalma niya muna ang sarili niya. Katahimikan. Walang nagsasalita samin ng mga ilang minuto. Pero matapos ang ilang minuto na yon ay nagsalia ulit siya.
"Bakit ka ba ganyan? Lahat ng pinapakuha ko nakukuha mo naman. Lahat ng inuutos ko nasusundan mo naman. Pero bakit itong nararamdaman ko, hindi mo talaga makuha?"sabi niya.
Ano daw? Di ko gets? Bakit kukunin ko ang nararamdaman niya? Edi mamamanhind siya non.XD
"Ehh---
"Sandali..."
Magsasalita na sana ako ng pigilan niya ako.
"Patapusin mo muna ako bago ka magsalita."utos niya.
"O-opo"mabilis kong sagot. Ano pa bang magagawa ko edi sundin siya.
"Sorry kung palagi kitang pinagbubuhat ng mga mabibigat na bagay. Yun lang kasi ang alam kong paraan para makasabay kita sa pag labas ng school. Sorry kung palagi kitang pinakukuha ng mga kung anong bagay kahit kaya ko naman. Yun lang kasi ang naisip kong paraan para mapansin moko. At sorry kung inuutusan kita kapag may mga tao kang kausap. Ayaw kasi kitang makitang may kasamang iba."Dire-diretso niyang sabi.
"Hindi mo pa rin ba nakukuha?"
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko kayang magsalita o gumalaw ehh. Parang na paralyzed ako.
"Haaay...Lahat ng utos ko sinusunod mo. Lahat ng ipinapakuha kong mga bagay kinukuha mo. Pero hindi naman talaga yun ang gusto kong makuha mo ehh"sabi niya.
Parang unti-unti ko ng nagegets kung san papunta to.
Ay mali...gets ko na pala..
Pero sa mga sumunod na salitang sinabi niya, hindi na ako nakapag salita at nakapag isip pa.
"Ang gusto ko kasing makuha mo, ay ang puso ko."sabi niya habang tinitignan ako ng diresto sa mga mata.
O.O
Nawala ang inis ko sa mga sinasabi niya and I know na dito nga papunta to. At ngayon ay hindi na talaga ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko. Promise maririnig nyo na. Siya nga baka rinig niya na ehh.XD
"Mahal kita!"sabi niya.
Bigla naman nag-init ang mukha ko at alam ko ring namumula na talaga ito.
"Ngayon pwede ka nang magsalita."sabi niya.
"H-hindi ko alam ang sasabihin ko. P-pero---
Naputol na naman ang sasabihin ko...
TEKA!? AKALA KO PWEDE NAKO MAGSALITA!?
Pero pano nga naman ako makakapag salita kung ang mga sumunod niyang sinabi ang makakapagpatigil sa utak ko sa pag-iisip kung ano ang sasabihin at ang magiging dahilan ng pagtigil din ng paggalaw ng buo kong katawan?
"Sa lahat ng bagay na pwedeng iutos, ito lang ang hindi ko magawang iutos sayo. Kaya magpapaalam muna ako..."sabi niya ng seryoso. Pero matapos ang ilang segundo ay nagsmile na siya.
His smile that causes my heart to melt...
"Pwede bang iutos ko sayo na kunin mo ang puso ko at wag ng pakawalan pa?"
*********
(A/N: As promised ito na po yung short story na sinabi kong ipopost ko po. Hehe!XD Alam kong puro ka cornihan ito pero wala naman pong masama kung babasahin nyo di ba? Anyways...Enjoy!)