I dedicate this to you! I'm really glad that you liked my one shot story!^^ Soo This would be my way of showing my gratitude...Thank you!XD
***************
"A--ahm...F-Franco u-uwi n-nako ha"paputol putol kong sabi kay Franco habang dinudutdut ko yung braso nya.
Natatakot kasi ako na kapag hinawakan ko talaga siya baka magwala na naman siya. Nandito nga pala kami sa bar ngayon at kasalukuyang sinasamahan ko si franco na umiinom. Pero hindi ko na talaga kaya magtagal sa lugar na toh! Baka hinahanap nako samin.Y.Y
"Shandali!...shabi ko shamahan mo muna ako eh!"Sabi ni Franco na may pagkalakas ang boses. Anu ba yan..halatang lasing na siya ehh.
Nakakainis! Naiinis ako sa kanya! pati sa sarili ko! Bakit pa kasi ako pumayag na sumama sa kanya dito ehh hindi na toh kasama sa trabaho ko. Hanggang sa school lang ako magtatrabaho sa kanya noh!
Pano nga ba ako napasama sa kanya dito....
*Flashback*
Hinawakan niya ako sa may braso ko na dahilan para hindi ako makagalaw..
"S-sandali"sabi niya.
"A-ano po yun?"tanong ko sa kanya.
"Sumama ka sakin" maikling sabi niya tapos binitawan na niya ako at pumasok sa loob ng kotse niya.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kaya naman nagulat ako nang biglang bumusina ang sasakyan niya pagkatapos ay sumigaw pa siya. Kaya naman dali-dali na akong pumasok sa kotse niya at hindi na nakapag-isip.
*End of Flashback*
Waaahhhhh! Ano ba nangyari sakin dun? Bakit bigla akong kinabahan at di makapag isip ng maayos nung hinawakan niya braso ko? Bakit?
"Franco hindi ko na talaga kaya magtagal dito...uuwi nako"sabi ko tapos tumayo na sa inuupuan namin na malapit sa may counter ng bar kung saan umiinom si Franco. Pero napatigil na naman ako ng hawakan niya ulit ang braso ko.
"Sandali lang"mahinahon niyang sabi.
T-teka..Akala ko lasing siya? Di ba dapat pag lasing iba magsalita? Bakit nung nagsalita siya parang normal lang? Oh baka hindi na naman ako nakakapag isip ng matino dito?
Waaaaaahhhhhh!! Ano Nangyayari Sakin! Y.Y
"B-bakit ba? Hindi na kasama dito ang pagtatrabaho ko sayo. Ang usapan di ba hanggang sa school lang ako magtatrabaho? Kaya aalis na ako. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako ngayon ehh.":Phew! I'm glad I said that. Hindi ko alam kung pano ko nasabi yun pero masaya ako na nasabi ko yun.
Pero bakit di niya pa din binibitawan ang braso ko?
"Dito ka muna. Hindi ka na naman nagtatrabaho ehh. Pinapakiusapan na kitang samahan muna ako dito."sabi niya. Hindi talaga siya lasing pag nagsalita. Pero ang dami na niyang nainom!
Pero ano daw? Pinapakiusapan? Nakikiusap siya? Wow! First Time!XD
Wala akong nagawa. Bumalik ako sa pagkakaupo at umayos din naman siya. Pagbibigyan ko siya ngaun. First time na nakiusap ehh.XD
Ano naman kaya ang gagawin ko dito? Papanuorin siyang uminom? Alam ko na! Nilabas ko ang i pod ko sa bag ko at naglaro ng ames dun. Since wala naman akong magawa ehh maglalaro na lang ako sa i pod.
Nagtataka kayo kung bakit may i pod ako samantalang utusan ako nitong si Franco noh? Di ba sabi ko sa inyo na hindi naman kami nangangailangan sa pera. Iba ang binabayaran ko kay Franco. Yung sinasabi ng iba na mas mahirap daw bayaran sa pera..pero ang pagiging utusan ko ay malapit na matapos na nangangahulugang matatapos ko nang bayaran ang utang ko sa kanya.