[A/N:This is my way of saying thank you po. So I hope you would like it. This is dedicated to you.^^]
*********************
"OHMAYGASH! JADE!" Sabi ni Lyka sabay yakap ng mahigpit sakin.
Hindi ako makahinga!
"L-lyka o-ok na...h-indi a-ko maka-hi-nga"Utal utal kong sabi. Eh sa hindi talaga ako makapag salita ng maayos dahil ang higpit ng pagkakayakap nya ehh hindi ako makahinga.
"Ay sorry hehe! Na carried away lang ako! ^____^v"Sabi niya nung bumitaw siya sa pagkakayakap niya sakin tapos biglang nag v-sign.
Haaaay...wala pa ring pinagbago.
"Ayos lang yun! Oh asan na yung iba?"tanong ko. Gusto ko kasi kumpleto kami ngayon ehh.
"Ay parating na yung mga yun! Upo ka na bili!"Sabi naman ni Trish.
Umupo na ako. By the way, Sila nga palang dalawa ay mga kaibigan ko. At kaya ganto sila maka react ay dahil simula nung naging alalay ako ni Franco ehh hindi ko na sila nakakasama. Pag nasa classroom naman kasi kami, hindi naman kami makapag kwentuhan. Kaya miss na miss ko na sila.
"Grabeh Jade! Biruin mo yon, nakakamiss din pala presensya mo. Medyo hindi na naging maingay tong table na to nung nawala ka ehh"Sabi ni Trish.
"Hoy Grabe ka! Anung nawala? Hindi lang sumasabay sa pagkain nawala na agad!?"Sabi ko naman. Ganyan kami kapag nagsama-sama. Nasan na kaya yung iba?
"Ui nasan na ba yung tatlo? Sila na lang kulang dito ehh."Tanong ko.
Hindi naman sumagot yung dalawa at tinignan lang ako. Teka, ako nga ba o yung nasa likod ko? Ka curious ahh.
"Oh anung tinitingin-tingin nyo dyan?"tinanung ko sila. Hindi na nman sumagot at ngumuso lang sa may likod ko.
"Anung meron dyan?" Tanung ko ulit. Ayoko nga tumingin, mamaya multo pa yan ehh.
"Nasa likod mo lang naman kasi kami."May bumulong sa tenga ko mula sa likod. Teka, parang kilala ko yung boses na yun ahh.
Tumingin ako sa likod ko at hindi nga ako nagkamali. Sila na nga!
T____T<---Tears of joy yan!
"Ethan!"Sabi ko tapos biglang tayo at hug kay Ethan. Miss ko na ehh.
"Ui namiss niya ako!"Biro naman ni Ethan.
"Syempre naman! Grabeh ka ang misteryoso mo talaga!"Sabi ko tapos humiwalay na sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Oi ako di mo na miss?"Sabi naman ni Jed tapos nag pout. Haaay kahit kailan talaga ang cute nitong isip batang to.
"Syempre naman na miss din kita!"Sabi ko tapos hug din kay Jed.
"Hehehe! Miss ka na namin dito Jade"Sabi niya tapos hiwalay din sa yakap.
"Oo nga miss ka na namin dito Jade."Sabi niya habang naka ngiti. ang gwapo talaga niya! Kaya like kita ehh. Sino pa ba edi si Brian.XD
"Ako din miss ko na kayo guys!"Sabi ko naman.
"Hug ko? Ang daya silang lahat hinug mo ako lang hindi"Sabi ni Brian.
"Hehe..O sige na nga!"sabi ko tapos hug din kay Brian. Ehhh Kakilig naman! Pag mga ganitong bagay hindi na inaayawan.
"Kelan ka ba babalik Jade?"Tanong niya tapos hiwalay sa yakap. Ako naman nag smile na lang . Ayy! Dapat forever na kaming ganun!XD