Jade's POV:
"J-jade..." Tahimik lang ako habang nililibot ko ang mga mata ko sa buong kwarto kasi iniiwasan kong mapatingin sa mga mata niya.
Feeling ko kasi...matutunaw ako pag ginawa ko yun.
Ano ba kasing ginagawa niya!? Ganito ba ang greeting niya sakin mula nung huli naming pagkikita!? Pwede namang hi o hello nalang ehh, mas ok pa ako dun. O baka naman nagagalit siya dahil---
Ay hindi! Hindi pwede yon no! Imposible!
Pero bakit nga ba ganito siya!? Naiilang pa ako sa posisyon namin ngayon.
At bakit parang may something sa tiyan ko na parang gumagalaw? Halaa! Baka naman may bulate ako sa tiyan? Malilinis naman ang mga kinakain ko ahh! At alam ko pinurga narin ako. Ano rin ba itong nangyayari sakin!?
"Jade."Napatingin naman ako bigla sa kanya. Waaahhh! Matutunaw na ako! Nakatingin na ako sa mga mata niya!
*Lub dub**Lub dub**Lub dub*
Ano to!? Bakit pati puso ko nagmamalfunction na din!? Ang bilis ng tibok ehh! Parang buong katawan ko na ata ang nagmamalfunction nito!
"B-bakit..?"Kahit papaano, I managed to say that to him. Pero, bakit ayan lang ang nasabi ko!? Dapat diba tinutulak ko na siya tapos nagsisisigaw na ako dahil sa mga pinaggagawa niya!? Bakit di ko naman magawa!?
Nanghihina ako! Grabeh!>.<
"Why do I always tend to lose control because of you..?"A-ano daw!? lose control?siya?dahil..sakin? Ano ibig sabihin niya dun!? MHAYGHASH! Baka kung anu-ano na naiisip niya ah! Bata pa po ako!T.T
"A-ahhm...k-kasi..a-ano..F-franco.."Ayy naku! Ano ba ito hindi ako makapag salit ng ayos eh! Haaay! Bakit ba kasi siya ganyan! Wala naman akong ginawang masama ahh! Wala rin akong nialalbag na rules niya! Pero..bakit?
"Now..I'm mad"Halaa! Galit siya? Dahil sakin? Ano bang ginawa ko!? Nakakatakot pa man din to pag galit. Pero..bakit iba ang nararamdaman ko? Parang hindi talaga siya gali ehh..Dati kasi pag galit siya iba ang pinapakita niya...hindi niya sinasabi na galit siya pero alam ko dahil pinapakita niya..pero bakit ngayon nung sinabi niya na galit siya hindi ko naman maramdaman na galit siya?
"A-ano..S--sorry..k-kung a-ano man y-yung nagawa k-ko" Mas maganda na magsorry na ako ngayon pa lang noh! Kahit hindi ko alam kunga no nagawa ko..Mas safe na gawin to!
"Now be ready for your punishments"
Processing...
Processing...
Processing...
Processing...
Waaaaahhh! I'm Dead! Ano na gagawin ko nito!? Anong klaseng punishments kaya yung sinasabi niya!? Take note..punsihments! Waaahh! Dapat pala hindi na ako pumayag sa arrangement na to! Nakakainis! Mukha ka talagang ewan Jade! Sa simula pa lang ikaw na pumili nito ehh! Sabi na nga ni Franco na ok lang daw kahit wala ka ng gawin pinag-pumilit mo pa rin ang arrangement na to! Ayan tuloy ang nangyari sayo!Waaaahh!T.T
.
.
.
.
.
"Huy! Ano pang ginagawa mo dyan!?" Huh? Ano daw?
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita kong nakaupo na si Franco sa upuan niya sa SC office samantalang ako ay nakasandal pa rin dito. OHMAYGHASH! Nakakahiya! Ano ba kasi itong nangyayari sa akin! Imagination ko lang pala lahat.
"HOY! ANO BA!? NAKIKINIG KA BA SA MGA SINASABI KO!?" Halaa, galit na siya! Ikaw kasi Jade ehh! Kung anu-ano pinag-ii-isip mo!? Yan tuloy nasisigawan ka nanaman ng menauposal mong boss!
"A-ano nga p-pala yung s-sinasabi m-mo?" Ayan! Nauutal ka na naman! Bakit ba palagi ka nalang nauutal pag kaharap mo siya!? Kasi natatakot ka?
Pwede!
"May bara ba ung utak mo dahil sa kinain mo kanina!? Ang bagal mo makapick-up ah! Ang sabi ko paki arrange nitong mga student athlete profiles in alphabetical order! O ngayon nakuha mo na ba!?" Haaay! Siya naman palaging nakasigaw pag ako kasama.
"O-oo. Kuha k-ko na"
"O kuha mo na pala eh! Eh bakit di ka pa pumunta dito ng makapag simula ka na!"Sabi niya ng naka kunot ang noo.
"Y-Yes Boss!" Sabi ko tapos pumunta na ako sa may table niya at kinuha ko na ang mga student athlete profiles at inarrange na ito.
Katahimikan.
Ano ba yan!? Ang tahimik naman dito! Pero sabagay, kami lang naman dalawa dito ni Fracno ehh. Tsaka di naman pala salita tong kasama ko ngayon. At pagnagsalita naman ako siguradong maiirita lang siya tapos sisigawan nanaman ako..
Pero ang tahimik kasi talaga!
.
.
.
.
.
.
inch by inch were moving closer,
feels like a fairytale ending
take my heart this is the moment
I'm moving closer to you
I'm moving closer to y---
"Hello?" Napatingin naman ako sa direction kung nasan si Franco na ngayo'y may kausap sa phone niya.
"Pfft..moving closer?"mahinang mahinang sabi ko sa sarili ko at yumuko na lang. Di ko mapigilan ang matawa ehh..Hindi ko rin alam kung ano magiging reaksyon ko. Biruin nyo ang isang tulad ni Franco na seryoso at palaging galit magiging ringtone yung moving closer ng Never the Strangers?XDD
Parang sobrang romantic naman yun para sa kanya. XD
"Hey! Bakit ka tumatawa ng mag-isa!?" Napatingin naman ulit ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang hawak pa rin niya ang cellphone at nakatapat sa tenga niya. Uh-oh! Narinig niya yung tawa mo Jade! Ano na gagawin mo ngayon?
Inalis ko ang pagkakatingin sa kanya at binalik na lang ulit ako sa ginagawa ko kanina. Tama! Act normal. Kunyari di ka nalang natawa.XD
Naramdaman ko namang tumayo si Franco at naglakad papunta sa pinto na yung cellphone ay nakatapat pa din sa may tenga niya.
"I can't, I have lots of things to do."Sabi niya ng mahina sa kausap niya. Halata mong inis siya sa kausap niya ngayon pero di lang niya pinapahalata. Hinawakan niya ang doorknob at pinihit ito at nagbukas ang pinto saka siya lumabas.
Phew! nakaligtas ako dun ah! Akala ko pahamak na naman ako eh! Salamat sa kausap niya. Hmm..sino nga ba ang kausap niya? Parang gusto ko makipag meet dun at pasalamatan siya personally na may kasamang maraming chocolates!^^
----------------------------------------------------
A/N: Thanks for reading! Haaay! Nakapag-update na din!^^ Sorry for the long delay...Anyway, sino nga kaya ang kausap ni Franco? Haha!XD Enjoy na lang po!^^
~SS836