November, 29. 2019
Friday
3: 00 PMNakaraan ang isang buwan at nilagawan nga ako ni Zach. Palagi niya kong sinesendan ng voice mail na kumakanta siya ng iba't ibang love songs. Minsan tagalog, minsan English, at nakakatawa dahil noong minsan na kumanta siya ng korean song ay parang alien siya na nabubuang. Hahahahahaha!
Palagi niya rin ako sinasabihan na kumain sa tamang oras at matulog ng maaga para hindi ako napupuyat. Nag-papaalam din siya tuwing aalis sila. Minsan, nagpapadala pa siya ng litrato kung nasaan man siya. Sinabi rin niya sa akin na kapag raw grumaduate na siya sa kurso niya ay kikitain na raw niya ko. Madami din siyang pinangako. At ako naman ay hindi napigilang umasa.
Matagal na ang panahon na nililigawan ako ni Zach. Ang akala ko at susuko siya. Pero mas lalo akong nagkagusto sa kanya nung maramdaman kung gaano siya ka-determinado sa akin. Kung paano niya ipakita ang tunay na nararamdaman niya para sa akin.
Month of November na at malapit na ang birthday ko. DECEMBER 01. Balak kong...sagutin na si Zach at maging kami na. Yun na siguro ang pinaka masayang birthday ko. Hindi ko mapigilan ang sarili at mapangiti. Nakakaramdam na ko ng exitement ngayon at kung ano ang magiging reaksyon niya. Pero hindi ko mapigilan na kabahan...kabahan sa mga katanungan sa isip ko. Kung...
Magiging masaya ba ang relasyon namin?
Hanggang saan kami mag-tatagal?
Magiging....masaya ba ko hanggang dulo?
Hindi ko alam...hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa susunod na kabanata naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)
RomanceCOMPLETED✅ "I want to help you move on." Seryoso?! Tutulungan ako ng lalaki na to na mag-move on mula sa EX ko?! Bakit?! Sino ba siya sa buhay ko?! Anong gagawin niya sa buhay ko kung hindi namin kilala ang isa't isa dahil sa mundo naming magkaiba...