October 24. 2019
7: 40 AM
ThursdayPara kong binuhusan ng malamig na tubig kaya napabangon agad ako matapos mabasa ang reply ni Zach sa akin. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na gusto ako ng crush ko. Hindi ako makapaniwala na gusto din pala niya ko.
Tinignan ko ang profile niya at napanguso nung makitang Active 4 hours ago. Mukang puyat pa siya dahil madaling araw nung nagtapat siya sa akin na gusto niya ko. Hindi talaga ko mapaniwala. Na sa isang simpleng kwentuhan...mauuwi sa kagustuhan.
Napangiti pa ko sa kilig nung makitang iniba niya ang nickname ko at ang emoji ng convo namin. Para kong nakaramdam mg mga paru-paru sa tiyan dahil sa kilig at tuwa.
Gusto ko talaga siya.
Gusto ko si Zach, gustong gusto.
BINABASA MO ANG
Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)
RomanceCOMPLETED✅ "I want to help you move on." Seryoso?! Tutulungan ako ng lalaki na to na mag-move on mula sa EX ko?! Bakit?! Sino ba siya sa buhay ko?! Anong gagawin niya sa buhay ko kung hindi namin kilala ang isa't isa dahil sa mundo naming magkaiba...