67 : Her POV

12 4 4
                                    

JEI
***

January. 12. 2020. Sunday. 5: 40 PM

It's been a week since the last day he replied. Nag-aalala ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo na't magkalayo kaming dalawa. Hindi ako mapakali. Gustong-gusto ko siyang puntahan. Gustong gusto ko siyang hanapin.

Ang huling reply niya sa akin ay 'I'm sorry' bakit? Bakit sorry? Anong nangyari? Anong mayroon? Bakit ganun?

Ang daming katanungan ang pumapasok sa isip ko. Alam kong hindi ko masasagot dahil siya ang kasagutan.

Ano na nga bang nangyayari sa ating dalawa Zach? Bumitaw ka na din ba tulad ng iba?

Mahal pa kaya niya ko?

Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon