65 : Strange

18 7 5
                                    

December. 31. 2019
Tuesday
11: 57 PM

"Countdown tayo Zach!" Masayang ani ko habang nakangiti sa harap ng camera at ka-video call siya.

Ang haba na ng panahon since naging kami. Ang saya lang dahil sa lahat ng mga naging ka-relasyon ko, kami ang tumagal. And I wish Zach will be the last. Sana siya na. Sana kami pa din hanggang dulo. Dahil hindi ko 'ata kakayanin kung mawawala pa siya sa akin.

"Ang saya mo love ah?" Sagot niya sa kabilang linya habang ang pinapakita sa camera ay ang mga fireworks na nagsisiputukan sa kanila. "Wooooo! Bagong taon, pero ikaw pa din Looove!!" Sigaw niya at natawa naman ako.

"Sure ka?!" Biro ko at sumilip din sa labas namin para panoorin ang makukulay na fireworks.

Ang saya! Siguro sa lahat ng bagong taon na naranasan ko, ito ang pinaka masaya! Masaya ko dahil kasama ko s'ya. Masaya ko dahil sa bagong taon na makakasama siya.


Muli akong napatingin kay Zach sa cellphone at pasimpleng napangiti. Masaya din s'ya habang humihiyaw habang nakatingin sa kalangitan.


"1 minute na lang, Zach!" Sigaw ko at tatawa-tawa s'yang pinanood na inaasar ng mga kaibigan niya.


"Si Lara ba yan?" Dinig kong tanong ng isa na ikinunot ng noo ko.


Lara? Sino 'yun?


"Hindi, si Jei 'to." Dinig kong sagot ni Zach at sandaling nawala ang camera at audio. Inintay ko siya sandali bago napatingin sa oras.


30 seconds left na lang at bagong taon na. Saktong paglingon ko sa cellphone ay nakabukas na muli ang camera niya ngunit nasa ibang lugar na siya.

"Nasaan ka na? Bakit nag-iba na lugar mo?" Biro ko habang pinapanood siya.


"Ang ingay kasi doon. Inaasar din ako ng mga pinsan ko, badtrip sila." Bulong niya at bahagyang natawa.


Sandaling segundo kami natahimik 'nang mapansin ang oras. "Zach, 10 seconds."

"Countdown na tayo?"

"Yes, yes!" Sigaw ko sa camera at sumabay.

"10," Sabay na sigaw namin habang nakatingin sa isa't isa at malawak ang ngiti sa labi.

"9"

"8"

"7"

"6"

"5"

"4"

"3"

"2"

"1"

"Happy New year Jei!!!"
"Happy New year Zach!!!"

Sabay kaming natawa at tuwang tuwa na pinagmasdan ang isa't isa. Bagong taon, ngunit kami pa din. Walang nagbabago.

Pero. . . wala nga ba?

Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon