68 : She tried

18 5 15
                                    

January. 15. 2020.
Wednesday
2:16 PM

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."

Malalim na buntong-hininga ang nagawa ko matapos kong tawagan ang contact number niya. Halos hindi na ko makatulog. Hindi ko na alam ang gagawin. Nababaliw ako sa kakaisip at wala akong ideya kung ano na ba ang tunay na nangyayari. Ayos pa naman kami. Bakit nagkamali? Bakit nagkaganito?

"May problema ba?" Tanong ni Andie na s'yang kaibigan ko.

"Ayaw niya sumagot." I answered. Ti-next ko naman siya at hindi ko namamalayan na unti-unti na palang bumabagsak ang mga luha ko sa mata.

Nagagalit ako. Nagagalit ako kay Zach sa ginagawa niya. Bakit bigla-bigla na lang siya nawala? Bakit hindi na siya nagparamdam?

Nang-iwan? Akala ko ba mahal niya ko? Akala ko ba iba siya sa mga lalaking naka-relasyon ko? Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko ay malas palagi ako sa pag-ibig.

Keniah Shane
Zach. Anong nangyari? Reply ka naman oh. Nag-aalala ko ng sobra sayo. Please, Zach. Nakikiusap ako sayo.

"Tumahan ka, Shane. Magpaparamdam din yun." Alo sa akin ni Andie pero nagpatuloy ako sa pag-iyak. Pagod na kong masaktan. Bakit ganun? Yung taong inasahan ko at taong minahal ko ng sobra iiwanan din pala ko?

"A-andie hindi eh," Umiling ako. "Mahal ko si Zach. Mahal na mahal ko. Pero bakit ganun?" Mapait akong natawa bago napahagulgol sa bisig niya.

"A-andie bakit palagi na lang ganito? Hindi ba ko deserving na mahalin? Bakit palagi akong naiiwanan? Bakit pakiramdam ko palagi akong talunan? Nagmahal lang naman ako di'ba? Bakit masakit? Kailangan ba hwag na lang ako mag-mahal? Dapat ba tumigil na lang ako sa pag-mamahal?"

"S-shane hindi. Hindi kasalanan ang magmahal. Kaya nga tayo nabuhay ay dahil sa pagmamahal, hindi ba? B-baka hindi lang siya ang tao na makakasama mo, Shane. Baka hindi siya ang para sayo." Parang natanggalan ako ng tinik sa sinabi ni Shane.

Hindi para sa akin? Pero bakit? Paano ko ba malalaman kung para sa akin o hindi? Bakit kailangan magmukha muna kong tanga? Masakit kasi eh. Halos wala na kong masabi. Gusto ko na lang magmukmok sa isang silid at magkulong hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Bigla akong nabuhayan at pareho kaming napatingin ni Andie sa cellphone kong tumunog.

Kinuha ko ito bago sagutin. "H-hello?"

"S-shane," I heard his voice—breaking. "I'm sorry Shane. I'm so sorry." Paulit-ulit na bulong niya sa linya at wala naman akong magawa kundi umiyak lamang.

"Z-zach, mahal kita." Nahihirapan 'man ay nasambit ko sa wakas ang gusto kong sabihin sa kanya.

"I don't deserve it, Shane." He whispered. Umiling ako. "Shane, I'm sorry. I'm so sorry. S-sorry, Jei. Sorry sa nagawa ko. S-sorry." I heard him cried. May lalo akong naluha.

"Z-zach anong nangyari?" Tanong ko at pinunasan ang luha ko. Napakagat ako sa ibabang labi bago sulyapan sandali si Andie na tinanguan ako na para bang sinasabing 'kaya ko 'to.'

"S-shane, papunta na ko diyan. Magpapaliwanag ako. A-ayoko 'nang masaktan ka. I'm sorry, Shane. Alam kong hindi mo agad ako mapapatawad, but please let me—"

"Zach ano bang sinasabi mo?" I try not to stuttered.

"S-shane umiiyak ka ba? P-please, d-don't. I don't deserve your tears. Shane, sorry. I—"

"Zach anong nangyari?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahiyaw. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Nasasaktan ako. Ano ba ang nangyayari?

"Shane..." I heard him sobbed. "S-shane I don't deserve you. Sorry. S-sorry sa nagawa ko. S-sorry kung hindi ako nagparamdam. N-natakot ako."

"Z-zach...h-hindi—" I was about to speak-up and stopped him when he hang-up the phone. Pero bago niya pa maibaba ang linya ay malinaw kong nadinig ang huling sinabi niya na mas lalong nagpaluha sa akin.

"S-shane, I cheated on you."

No.

Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon