October 25. 2019
8:40 PM
FridayNakailang selfie muna ko bago ko naisipang magsend ng dalawang litrato kay Zacharie. Halos mahilo na ko kakapili sa kung ano ang isesend ko. Nagpalit pa ko ng damit para magpaganda at naglagay ng kaunting make up sa muka para gumanda. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nakita niya ang muka ko.
Paano kung mapangitan siya? Edi iiwanan niya ko. At paano naman kung hindi ako ang tipo niya? Papaasahin niya ba ko at iiwanan? Hindi naman kasi ako kagandahan. Gumaganda lang kapag may make up. Gumaganda lang kapag may filter. Eh anong laban ko?
Napabuntong hininga ako ng ilang beses bago i-click ang send sa kanya. Active 3 hours ago siya. Iniintay ko na bumaba muli ang litrato niya bilang pasabi na nakita na niya ang muka ko.
BINABASA MO ANG
Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)
RomanceCOMPLETED✅ "I want to help you move on." Seryoso?! Tutulungan ako ng lalaki na to na mag-move on mula sa EX ko?! Bakit?! Sino ba siya sa buhay ko?! Anong gagawin niya sa buhay ko kung hindi namin kilala ang isa't isa dahil sa mundo naming magkaiba...