SHANE
***It's been a year since I last met him. No connection with each other. No updates. No long-talks.
No fake feelings.
Nung una ay mahirap. Inaamin ko. Wala atang araw na hindi ko inalala ang nangyari sa amin. The end was a disaster. Hindi ko inaasahan na magiging ganun ang katapusan ng relasyon namin. Natatawa ko minsan sa sarili ko kung bakit ang tanga ko. Kung bakit masyado akong mabilis mahulog. Kung bakit mabilis akong magpatalo. Kung bakit masyado kong ibinuhos ang sarili ko sa kanya.
Nagulo ang buhay ko sa lahat ng nakarelasyon ko. Ilang beses akong naging tanga. Ilang beses akong iniwanan at pinabayaan. Niloko at pinaikot. Masakit. Sobra. Halos hindi ko na maipaliwanag pa ang nararamdaman ko dahil gulong-gulo ang buhay ko. Muntikan pa kong bumagsak sa exam ko dahil hindi gumagana ng maayos ang isip ko. Madalas akong umiiyak lalo na tuwing gabi. Mabuti na lamang at nandyan ang sila Andie at Jinmay na s'yang sumasalo sa akin sa mga drama ko sa buhay.
That day, parang gusto kong bumigay. Masyado na kong napagod. But thanked God because He found me—and I found Him. I let myself to rest in Him. Thanked to my friends who introduced God to me and stay with me. Dahil kay Lord ay pinahalagahan ko lalo ang sarili ko.
Palagi akong naghahanap ng pagmamahal na hindi ako iniiwan. Sa sobrang paghahanap ko. . . hindi ko napansin na may pagmamahal na palang nasa simula pa lang ng buhay ako. And it was God. If you're looking for a love that would never fail you? Then I'm pretty sure that you're looking for the Love of God.
I heard a message notification on my cellphone. Agad ko itong kinuha at tinignan. It's from unfamiliar person.
Hello, I'm Edmar! What's up?
Can we be friends?I smirked. I immediately liked the message before viewing his profile and blocked him. It's enough. I can't trust people that easily. Hindi na ko magpapadala sa mga sinasabi nila. Nadurog na ang puso ko ng ilang beses. At ngayong nabuo ko na ulit ito, tama na.
I deactivated my rp account since 'that' day. Hindi ko na lang alam bakit hanggang sa Real Account ko ay may nagme-message sa akin ng hindi ko kilala. Pero tama na. Mapunta 'man ako sa pekeng mundo o sa katotohanan ay hindi na ko maloloko pa.
A year ago, I built a strong and big wall around myself. And no one could ever break that easily. Ayoko na. Ayoko ng maging mahinang babae at talunan pagdating sa pag-ibig. Pinangako ko na sa sarili ko na uunahin ko muna ang sarili ko at ibang bagay. I do believe that Love can wait. I will wait.
I won't ever fall inlove again in a fake world. Internet love, 'ika nga.
I smiled. Hinding-hindi na.
— THE END —
BINABASA MO ANG
Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)
RomanceCOMPLETED✅ "I want to help you move on." Seryoso?! Tutulungan ako ng lalaki na to na mag-move on mula sa EX ko?! Bakit?! Sino ba siya sa buhay ko?! Anong gagawin niya sa buhay ko kung hindi namin kilala ang isa't isa dahil sa mundo naming magkaiba...