10 : Response

58 19 31
                                    

October 16.2019
6:30 AM
Wednesday

Simba
Ay hala! Sorry! Sorry!

Simba
Naubusan ako ng load, Nala! Hindi ako niloadan ni Fafa Mufasa!

Simba
Kamusta ka na? Ayos ka na ba?

Simba
Ngayon ko lang nabasa yung message mo. Wait lang ha? Binabasa ko pa siya. Ang haba kasi eh. Parang isang update ng author sa wattpad.

Simba
Hoy sobra ka ha! Hindi lahat ng lalaki nangiiwan! Meron pa diyang iba na loyal! Like me!

Simba
Anong sabi mo? Dapat kang mawala?
Hwag ganun. Wag kang mawawala...hindi yan ang sagot sa sakit na nararamdaman mo, Jei. Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko pero nakikiusap ako sayo na hwag.

Simba
May darating diyan na mamahalin ka ng lubos. Yung taong para sayo talaga, Jei. Hindi mo kailangan sayangin yang luha mo para sa taong tulad ng ex mo. Nandito lang ako kapag gusto mo ng may makausap.

Simba
Mukang...kakailanganin mo nga ako dahil broken ka. Hayaan mo, itong load ko ay hanggang bukas. Unli-text tayo ngayon!

Simba
Tanong ka...sasagutin ko agad. Aalisin natin yang sakit na nararamdaman mo! Hindi man mabilis katulad ng takbo ni Kid Flash pero sisiguraduhin natin na mawawala yan!

Simba
Bubuuin natin ang nawasak na puso mo! Parang puzzle lang yan. Kahit bobo ako bumuo ng puzzle, sisikapin natin, ha!

Simba
Kung ako sayo? Kalimutan mo na siya. Kasi sa tuwing aalalahanin mo siya, mas lalo kang masasaktan. Isipin mo isa siyang jebs na kailangan ng i-flush para mawala.

Simba
Tandaan mong wala ka ng mababalikan pa kapag hindi ka na niya mahal. Talo ka, mahal mo siya pero ikaw ba? Mahal ka ba? Hwag ka ma-offend ha?

Simba
Ayos lang yan, Nala. Makakahanap ka ng para sayo. Hindi kasi talafa siya para sayo.

Simba
*talaga

Simba
Kaya mo yannn!! Fighting tayo ha! ❤ I'll help you.

_______________________________________
END OF CHAPTER 10.
THANK YOU!

MysteriousInfinite

Author's Note: Okay. I'll stop adding "End of Chapter Blabla" nitatamad na ako.

Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon