56 : First call

19 5 11
                                    

December 03. 2019
Tuesday
7: 30 AM

"Jei, mahal talaga kita." Halos hindi na din ako makapaniwala na nakakausap ko na siya. Kung dati ay puro voicemail, ngayon naman ay totohanan at live na.

"Jei?" Muling tawag niya nang hindi ako nakasagot.

"Z-zach," sa unang pagkakataon ay natawag ko ang pangalan niya habang kausap ko siya sa cellphone. "Thank you for loving a girl like me."

"Dang, ang sweet. Hahahahaha!" Tawa niya at napangiti naman ako. Para pa kong kiniliti dahil sa gwapo niyang boses sa kabilang linya.

"I love you, Jei. I'll never get tired of saying 'I love you.'"

"I l-love you too, Zacharie Liwrokins. AKA Simba." Tawa ko sa huli na sinabayan niya pa.

"Te amo, Shane, Jeimek, AKA Nala ni Simba." Aniya.

"Kailan mo ko minahal, Shane?" Tanong niya at napaisip naman ako.

"Kailangan pa ba yun?"

"Hindi naman. Parang...di lang ata ako makapaniwala."

"Tsh, maniwala ka na. Nakakausap mo na nga ako e.'" Ani ko at tumawa naman siya. Parang ayoko ng matapos at tapusin pa ang pag-uusap namin.

"Wanna see you so bad, Jei."

"Ako din." Ngiti ko at napakagat sa ibabang labi. Mahal ko na nga siya. Mahal na mahal.

"After we graduate, pwede na ba tayong mag-kita?" Tanong niya na ikinagulat ko.

3 years. . .Tatlong taon pa bago ako gru-maduate.

"Tatlong taon pa bago ko gru-maduate." Ngiti ko pero nagtaka nang bigla s'yang matahimik. "Zach?"

"A-ahh, yeah. Mas matanda nga pala ko sayo ng isang taon. Hindi ka ba p'wedeng umalis sa bahay niyo? Saan ka ba sa Nueva Ecija? Malapit lang ang alam ko sa Bulacan ang Nueva." Aniya at napanguso naman ako. Kahit kasi nasa tamang edad na ko ay hindi pa ko napapayagang lumabas ng magulang ko. Delikado na kasi ang mundo ngayon.

"Hmm, hindi kasi ako p'wede. Dapat may kasama."

"I see, don't worry. Mag-iintay ako." Napangiti ako ng marinig ang sinabi niya. "I love you, Jei. Hope we could see each other someday."

"I love you too, Zach! Ingat ka palagi ha?"

"For you," aniya at yun lang ay binaba ko na ang linya. Natawa pa ko nang makitang nag-text siya saken at nagtanong kung baket binaba ko daw agad ang linya.

Napabuntong-hininga ko at napatingin sa nag-iisang larawan niya. Kayumanggi ang kulay ni Zach. Halatang Pilipino ang mukha, at gwapo. Napangiti ako sa mga imaginations na umiikot sa utak ko.

Tatagal nga ba kami?
Paano kung magkita na kaming dalawa?
Mamahalin pa din kaya niya ko?
Matutupad ba ang mga pangarap naming dalawa sa isa't isa?
Mamahalin pa din niya kaya ako?

Hindi ko alam. Ni' wala akong kasiguraduhan kung tatagal ba kami.

Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon