ONE WEEK had passed at palagi na kaming nagkwekwentuhan ni Simba. Or lets say—ni Zach. Behind Zacharie Liwrokins. Sa bawat araw na kwentuhan namin...nalilibang ako. Madami na kaming napag-usapan. Nalaman ko na ang tunay niyang pangalan at ganun na rin siya. Binigay at pinaalam ko din kung saan ako nakatira. He's from Bulacan. While I'm in Nueva Ecija.
Nalilibang.
Napapangiti.
Napapatawa.
Naaaliw.
Magaan palagi ang loob ko tuwing kausap si Zach. At mukang...ganun na rin siya sa akin. Walang araw at oras na hindi kami nag usap. Kahit na madami akong activities ay naglalaan ako ng oras para makausap siya. Parang ginawa ko na siyang inspirasyon kumbaga.
Hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Mas matanda sa akin si Zach ng isang taon. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko...minsan, hindi ko gustong hindi ko siya nakakausap. Sinubukan kong huwag siyang kausapin ng isang araw para makapag-focus sa pagaaral...pero tuwing naiisip ko siya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-type at ichat siya.
At kahit sa simpleng banat at joke niya ay halos mamula na ang buong pisnge ko kakatawa. Madaming nagbago. Naka-move on na din ako sa EX ko ng dahil sa kanya.
Ano na ba ang nararamdaman ko?
May gusto na ba ko sa kanya?
Aamin na ba ko sa kung anong meron akong nararamdaman sa kanya?
Siya? Wala ba siyang nararamdaman para sa akin?
BINABASA MO ANG
Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)
RomanceCOMPLETED✅ "I want to help you move on." Seryoso?! Tutulungan ako ng lalaki na to na mag-move on mula sa EX ko?! Bakit?! Sino ba siya sa buhay ko?! Anong gagawin niya sa buhay ko kung hindi namin kilala ang isa't isa dahil sa mundo naming magkaiba...