69 : Last one

31 5 25
                                    

SHANE
***

"N-nandito ako. N-nandito na ko sa may kanto niyo. Nasaan ka? I-I want to talk to you." Dinig kong sambit niya sa kabilang linya at napapikit naman muna ako bago huminga ng malalim. Malalim na ang gabi at inintay ko muli ang tawag niya. Inintay ko siya.

Whatever happens, be strong self. You can do it! Be strong self. Kaya mo 'yan.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at natanaw sa malayo ang isang matangkad na lalaki na may hawak na cellphone at palinga-linga sa paligid. Zach... bulong ko sa isip habang unti-unti namumuo ang luha ko sa mata.

Lakas loob akong nag-lakad palapit sa kanya bago tumungo. "Z-zach nandito na ko." I answered. Mabilis siyang lumingon sa akin at pagkagulat ang rumehistro sa mukha niya. Agad niya akong niyakap at parang nadurog naman ang puso ko 'nang bigla siyang humikbi sa balikat ko.

"Z-zach," Bulong ko bago siya niyakap pabalik. Kahit sa sandaling panahon lang kami nagkakilala ay alam ko sa sarili ko na totoong minahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.

Humiwalay siya sa yakap bago hawakan ang magkabila kong balikat. "S-shane. . . I'm sorry." Bulong niya habang nakatungo at patuloy na lumuluha. Bigla ko naman naalala ang sinabi niya. 'I cheated on you.'

"Z-zach bakit?" Tanong ko at pinunasan ang luhang bumagsak mula sa mata ko. "Zach bakit ka nagsinungaling?"

"S-shane I lied. I'm sorry. I'm sorry." Napailing ako 'nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.  "S-shane sorry. I-I have a girlfriend. M-may iba akong minahal." Halos matumba ako sa sinabi niya. Girlfriend...hindi ba ako 'yun? Bakit mayroong iba?

"Z-zach," Pagtawag ko bago umiling-iling. Ayokong tanggapin ang sinabi niyang meron siyang iba. "M-mahal mo ko diba?"

"I love you, Shane." He nodded, but then shaked his head. "But I should stop now." He added. Still kneeling down while crying. "Nakonsensya ako. S-shane I want to confess. Please makinig ka. I'm sorry." I just stared at him. Namanhid ata ako at nakatulala lamang ako sa kanya. Sa mga sinasabi niya.

Tumayo siya at deretso akong tinignan. "Minahal kita Shane. Diba sabi ko sayo noon pormal kong hihingin ang kamay mo sa mga magulang mo?" He asked and I nodded. "I'm sorry kung hindi ko na magagawa 'yun. I'm sorry kung nandito ako—hindi para hingin ang kamay mo, kundi pormal na humingi ng tawad sayo. I'm really sorry, Shane. I cheated. I lied. M-may totoo akong girlfriend. I-I can't leave her." Pero ako kaya mong iwanan?


"S-shane, I'm sorry. Minahal kita. Totoo 'yun. Napagod ako sa girlfriend ko dahil wala na siyang oras para sa akin. Saktong dumating ka sa buhay ko. Just like when I met you. . . I was broke. Akala ko 'nang mga oras na 'yon ako na ang may miserableng buhay. Masyado akong naapektuhan, Shane. At 'nung dumating ka nga sa buhay ko bigla akong nagbago. Natuwa ako. Bigla akong nabuhayan dahil sayo." He explained.







Wala akong ibang magawa kundi ang tumungo at umiyak. Hindi ko din alam ang sasabihin ko sa totoo lang. Wala na kong pakielam kung may nakarinig pa ba sa amin o nakakita.



"Days pass by and my feelings for you become deeper. Totoong minahal kita, Shane. Pero 'nang maramdaman ko ulit ang presensya ng babaeng una kong mahal ay nagbago ang lahat. I'm so sorry for lying. I'm sorry for not telling you the truth. I'm sorry Jei..." He sobbed. Umiyak siya ng umiyak at ganun lamang din ako.


"N-nakonsensya ko. I wasn't able to talk to you for a week. Alam kong nag-aalala ka sa akin. I'm sorry. Sorry sa lahat, Jei. Inaayos ko lahat 'nang oras na 'yun. One of my friends find-out about our relationship. Kinausap niya ko at tinanong kung sino sa inyong dalawa ang totoong mahal ko. Ikaw ang nasa isip ko, Jei. But not because I chose you. It's because I realize na minahal lang kita because I was so lost that time. I was a mess." He added. I was just stupidly crying in front of him.



"You don't deserve to suffer, Jei. You're too precious. Pero ang gago ko lang dahil ako ang dahilan kung bakit ka nasasaktan. Kung bakit ka umiiyak. I'm a jerk. Asshole. Gago ako, Shane. You don't deserve a jerk like me. You deserve someone else that would truly love you. You deserve someone else. At hindi ako yun." I sobbed.



"I love her, and I'm sorry." He whispered. Enough for me to hear. Para namang nadurog ang puso ko sa sinabi niya.

He held my hand and squeezed it tightly. He looked at me and all I can see in his eyes is pain and sorrow. Mapait siyang ngumiti sa akin bago tignan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"I'm sorry if I'm not the Prince Charming you'll ended up in your own fairytale. I am now formally apologizing in-front of you and wave my goodbye. . . for the last time." I saw his bloodshot eyes and his tears that continued falling.


"I pray that someone out there would come into your life and love you the way you deserve. A Prince charming who will truly love you...A Knight that would protect and won't hurt you. And a King that would treat you like you are the most precious Queen." That's when the time he let go of my hand.



"Z-zach," Nanghihinang tawag ko at umiyak. Ganun na lang ba? Iiwanan ulit ako? Niloko ulit ako ng taong mahal ko? Bakit? Ganito ba talaga ang kapalaran ng isang Keinah Shane sa mundo? Ang gamitin at iwanan? Ang paasahin?


He cupped my face before pulling me for a tight hug. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin. Nakokonsensya siya sa ginawa niya at gusto na niyang tapusin ang sa aming dalawa.


"I love you, Shane." He whispered and wipe my tears away. "But I should stop now." He smiled bitterly. "G-goodbye Shane."


Nanlalabo man ang mga mata ay dahan-dahan akong tumango. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang agawin. Gusto ko siyang habulin. Pero tama na. A-ayoko na. Wala naman akong magagawa hindi ba? Wala akong magagawa kung gusto na nyang lumaya. Wala akong magagawa kung iba ang mahal niya. Hindi ko siya pagmamay-ari. Sa huli, alam kong kailangan ko na siyang ipaubaya at palayain.



Alam kong kailangan ko siyang hayaan. Hayaan na gawin ang bagay na magpapasaya sa kanya kahit na ang bagay na 'yun ay ikasasakit ko.




"G-go on, Zach." I froze. Parang may isang matalim na bagay ang tumusok sa dibdib ko matapos ko siyang palayain. "T-thank you for loving me even in a short period of time. M-mahalin mo siya, ha?" Mapait akong ngumiti habang ang mga mata ko ay nanlalabo na sa luha. "G-goodbye Zach." I stepped backward.



He was about to hug me for the last time, but I shake my head and smile at him. When he realize what I want, he just nodded while bitterly smiling before turning his back at me. I watched him walk away from me until he was gone.


Nanghihinang napaupo ako sa kalsada. Madilim na ang gabi at tahimik na ang kalsada. Tanging hikbi ko na lamang at hinagpis ang mababakas at madidinig.



So this is what an Internet love is? A mess.

Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon