December. 05. 2019
Thursday
8:09 AMJeimek❤
Good Morning :))Jeimek❤
Tawagan mo ko.Zach✨
Seen.Zach✨
Good Morning mahal ko! ❤❤❤Zach is calling...
"Hello?" Pagsagot ko sa tawag at bungisngis agad mula sa kanya ang narinig ko kaya bahagya akong natawa. "Oh ano, kamusta? Nakatulog ka ba ng maayos? Baka naman masyado kang naging busy at di ka na natulog." Ani ko bago nag-ayos ng higaan habang nakaipit sa tenga at balikat ang cellphone.
"Kinikilig ako sayo, hahahaha!" Sagot niya sa kabilang linya na sinabayan ko ng tawa. "Ano ba yan! Pakiramdam ko asawa kita 'tas nasa malayo ka lang."
"Talaga, Mister?" Biro ko.
"Oo, Misis. Uwi ka na ha? Miss ka na ng mga anak natin." Pagsakay niya sa biro ko pero imbes na matawa ay kinilig ako.
"Loko, pakasalan mo muna ko." Saad ko ngunit nagtaka 'nang hindi ako makarinig ng sagot sa kabilang linya.
"Hello? Zach? Huy, joke lang!" Pagbawi ko pero sa loob loob ko ay nasaktan ako sa ginawa ko.
Gusto kong makasama siya habang buhay, pero paano naman siya? Ganon din ba ang gusto niya?
"A-ahh, Jei. Inuutusan pa ko ni Mama na samahan siya. Pwede bang mamaya na lang?" Pagsagot niya sa kabilang linya at pilit naman akong ngumiti.
"Sure! Walang problema. Ingatan mo si Tita ha?"
"S'ympre naman! Mama ko siya e. Hahahaha, ikaw din. Ingatan mo si Tita Mommy para malutuan ko siya." Aniya at natawa naman ako.
"Sige ba! Mag-practice ka na para magustuhan niya! Hahaha!"
"Yes, love! I love you!"
"I love you too! Ingat ka---" yun lang ay hindi ko na naituloy ang sasabihin 'nang bigla niya ng pinatay ang tawag.
Jeimek❤
I love you! Ingat ka!Zach✨
Seen.
BINABASA MO ANG
Internet love ika' nga! (EPISTOLARY)
RomanceCOMPLETED✅ "I want to help you move on." Seryoso?! Tutulungan ako ng lalaki na to na mag-move on mula sa EX ko?! Bakit?! Sino ba siya sa buhay ko?! Anong gagawin niya sa buhay ko kung hindi namin kilala ang isa't isa dahil sa mundo naming magkaiba...