Chapter 28

34 6 0
                                    

Danica

"Dani gising!" Sigaw ni Elisse habang kinakalampog ang pinto ng room ko, "Mamaya na maaga pa," sabi ko naman at nagtalukbong lang ako ng comforter.

Paano ba naman anong oras na kami natulog, tumambay pa kasi kami sa seashore kaninang madaling araw at ayun pinilit ng pinilit ni Rui si Elisse na magkwento about sa past relationship niya kaya natagalan kami.

Hinatid din nila ako dito sa room ko after, pero ang agap pa, feeling ko nga napikit pa lang ako pagkatapos narito na si Elisse kinakalampog ang pinto ng room ko.

"Danica let's enjoy the last day of the excursion bukas uuwi na tayo!" Sigaw niya uli "Argh! Why did you give me a friend like her?" Inis kong sabi at bumangon na ako and I opened the door of my room.

"Ano ba?" Inis kong sabi sa kaniya "Bilisan mo na, hindi na natin maaabutan 'yung magandang sikat ng araw dali," sabi niya at tinulak niya ako papasok sa comfort room.

"Magbihis ka na, I'll wait for you here," sabi niya uli then I nod my head. Wala na akong nagawa kaya naman I took a bath na then nagbihis na ako ng aking swimsuit, it was a two piece, in a color of white with a touch of yellow.

Then pinatungan ko na lang 'yun ng see through na dress para naman hindi ako magmukhang malandi, I put a light make up so I wouldn't look pale.

"Ang tagal!" Reklamo ni Elisse na nasa labas ng comfort room "Sandali ka nga riyan!" Sigaw ko naman sa kaniya, kumuha na rin ako ng sunglasses ko kasi sobrang init sa labas.

Paglabas ko umupo agad ako sa bed ko "I'll just dry my hair," sabi ko naman sa kaniya "Lemme do it," sabi naman niya then she dry my hair using my hair dryer while she's combing it.

"I'll take a lot of pictures okay?" Sabi niya sa akin then I nod my head "Dani," she said "Hmmm?" Sabi ko naman habang kinakalikot ko 'yung phone ko.

"Wala lang, I'm just happy for you," sabi naman niya at napatingin naman ako sa kaniya "Why?" Tanong ko uli sa kaniya "Kasi you are now into socializing eh," sabi naman niya habang nakangiti.

"Pshh don't be like that, Eli," sabi ko naman then I tie my hair in bun, "Let's go?" Sabi ko naman sa kaniya at naglakad na ako palabas ng room ko.

"Wait for me!" Sigaw naman ni Eli at humawak siya sa kabilang braso ko at naglakad na kami. Pagdating namin sa may seashore andun ang mga classmates namin, 'yung iba nagbe beach volleyball syempre sa pangunguna ni Harry.

"Ang gwapo ni Harry 'no?" Sabi naman sa akin ni Elisse "Hmm," sabi ko naman then I nod my head. His perfect figure shows that he's an athletic person.

He just wore a black board shorts and he's topless, marami na ang mga bisita dito sa resort kasi open na uli siya for other visitors.

Kaya ayan ang daming tumitili kay Harry kapag nakaka puntos siya.

Nakita ko naman si Rui na umiinom ng tubig habang nakaupo sa may wooden na deck chair, he's wearing a red board shorts and a white sando.

Naka sunglasses din siya, si Nico naman ay nakaupo sa may lounge chair, he was wearing a white board shorts and a red sando, naka sunglasses din siya at nag-aapply siya ng sunscreen.

Hinanap ko kaagad si Fiel pero di ko siya makita, nasan naman kaya 'yung isang 'yun? Agad naman akong hinigit ni Elisse sa pwesto nila Nico, "Oh andito na pala kayo eh," bati naman agad sa amin ni Nico habang nakangiti.

"Sunscreen?" He asked me then I smiled "Okay na nakapaglagay na ako," sabi ko naman sa kaniya "Me too," Elisse said "I'm not asking you," mataray namang sabi ni Nico "Just saying duhh," mas mataray na sabi ni Elisse at inirapan niya si Nico.

My Four BodyguardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon