Fiel
"Hoy Fiel, tara na ambagal," sabi naman ni Harry sa akin habang higit-higit ako "San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko naman sa kaniya.
"It's V-day," sabi naman niya habang nakangiti "Huh?" Nagtatakang tanong ko naman sa kaniya "Since you still haven't pick a club, why don't you try volleyball?" He asked.
"Dude no way, di na nga ako makapasa sa Science balak mo pa akong pasalihin ng volleyball," sabi ko naman sa kaniya "Sayang naman yang laki ng katawan mo, bagay na bagay ka sa volleyball," sabi naman uli niya.
Umiling naman ako "Sorry dude pero ayaw ko talaga sumali eh, sorry," sabi ko naman sa kaniya "Ah ganun ba? Sige okay lang," sabi naman niya.
"Oh Rui, may practice ka rin?" Tanong naman ni Harry at nagnod lang ng head si Rui "Oh ayan Fiel baka badminton gusto mo magtry out sabi ka lang kay Rui magaling 'yan," sabi naman ni Harry.
"Sige una na ako, magsabi ka na lang kung gusto mo," sabi naman ni Rui at umalis na siya "Ako rin bro una na ako may practice pa kami eh sige, si Danica bantayan mong mabuti huh," sabi naman ni Harry at umalis na rin siya.
Pagbalik ko ng room naggagayak na paalis si Danica "Wala ka bang lakad ngayon?" Tanong ko naman sa kaniya "Mind your own business," kalmado niyang sabi.
"Kasi kung meron po sasamahan kita kasi bodyguard mo po ako, saka tuturuan mo pa ako ngayon sa science," sabi ko naman sa kaniya.
"Wala akong lakad, pumunta ka na lang sa room ko mamaya bring your own textbooks," sabi naman niya then I nod my head.
"Really?" Tanong ko naman sa kaniya then she nod her head at naglakad na siya palabas ng classroom namin.
"Una na akong uuwi, nagpasundo na ako kay Manong Erning, magpasundo na lang rin kayo kung gusto niyo," kalmado lang uli niyang sabi at umalis na siya.
Ano naman kaya ang problema ng isang 'yun? Ang bait nun ah, tama nga ang sinabi ni Harry kahapon magiging mabait yung isang 'yun siguro nakokonsensya na 'yun sa ginawa niya kay Nico.
Sobra niya kasing nasaktan eh, kahit naman siguro ako sobra akong masasaktan kapag sinabihan ako ng masasakit na salita lalo na kung tungkol pa sa pamilya at secret ko.
Kinuha ko na rin yung gamit ko at maglalakad sana palabas ng classroom ng biglang may nagsalita "Fiel," sabi naman ni Elise "Oh?" Tanong ko sa kaniya.
"Is there something wrong with Danica lately? Napapansin ko kasi na lagi na lang siyang nakatutok sa phone niya at laging may tinatawagan," sabi naman niya.
"What do you mean?" Tanong ko naman sa kaniya "Nothing it's just something is odd," sabi naman uli niya "Baka tungkol pa rin sa nangyari sa party," sabi ko naman.
"Hindi eh, it is something connected to a guy named Marlon, not sure huh, yun lang yung narinig kong pangalan nung lagi niyang kinakausap," sabi naman uli niya.
"Sino naman kaya yung Marlon na 'yun?" Tanong ko naman sa kaniya "Di ko alam, ayaw ko namang tanungin baka magalit sa akin eh, saka narinig ko pa Fiel na para bang lagi siyang pinipilit," sabi naman uli ni Elise.
"Sige Fiel una na ako may training pa ako eh, bye," sabi naman niya at umalis na siya. Who is this Marlon? And bakit lagi siyang katawagan ni Danica.
I smell something fishy, may nasesense ako na parang may mali, hayaan ko na nga lang muna ang mahalaga ngayon eh may tutor na ako.
Naglalakad lang ako ngayon papunta sa parking area ng makita ko si Felix "Felix?" Sabi ko naman at bigla siyang lumingon "Fiel," sabi naman ni Felix.
BINABASA MO ANG
My Four Bodyguards
Romance(Sky Light Academy Series #4) Highest rank achieved so far #2 in Bodyguards and #59 in Teen Fiction In Sky Light Academy those who are popular and rich are accepted to enter this famous Academy, hindi lang dapat mayaman at sikat kung hindi matalino...