Danica's POV
After naming pumarty, I don't remember what exactly happened pero hindi na nila ako kinausap after nun. It's been days and hindi ko talaga matandaan lahat ng nangyari nung gabing 'yun.
Sinasabi ko na nga ba mali na nagpakalasing ako nung gabing 'yun. I haven't seen Nico after that and mag-isa na lang din akong pumapasok, hindi ko na sila nakakasabay, nakikita ko man sila sa school pero hindi nila ako kinakausap.
Hindi ko tuloy alam kung may nagawa ba akong mali or wala naman. After lunch break bumalik ako sa room and ang nakita ko lang is si Rui kaya naman nilapitan ko siya.
"Yow Rui," sabi ko naman sa kaniya "Oh?" Sabi naman niya sa akin "Asan sila?" Tanong ko naman sa kaniya "Hindi ko alam," sabi naman niya sa akin then I nod my head.
"Nakakausap niyo ba si Nico? Hindi pa kasi siya nagpaparamdam simula nung umuwi tayo after ng party natin eh," sabi ko naman sa kaniya "Hindi," simpleng sabi naman niya napakunot naman ako ng noo.
"Problema mo? Bat ang sungit mo na naman, siguro meron ka 'no?" Sabi ko habang nakangiti. "Stop acting like you don't know everything Danica," sabi naman niya sa akin napaawang naman ako ng labi ko.
"What do you mean?" Sabi ko naman sa kaniya at tumayo na siya "The show's over Danica," sabi naman niya at umalis na siya, naiwan naman akong mag-isa habang nagtataka pa rin about what happened.
Anong nangyari? Wala naman akong ginawang masama sa kanila ah. Umupo lang ako sa may table ko ng bigla namang pumasok si Harry. "Harry," nakangiti ko namang sabi sa kaniya.
"Oh, bat ikaw lang ang nandito? Nasan mga classmates natin?" Tanong naman niya sa akin "Hindi ko rin alam eh," sabi ko naman sa kaniya.
"Gusto mo ba sumama?" Tanong naman niya then I smiled "Where?" Sabi ko naman sa kaniya "Basta, tara?" Sabi naman niya then I nod my head and sinundan ko na siya.
Nakarating naman kami sa may Piano room nanlaki naman ang mga mata ko "What are we doing here?" Tanong ko naman sa kaniya "Wala gusto ko lang tumugtog kasama ka, let's go?" Sabi naman niya then he offer his hands and kinuha ko naman 'yun then pumasok na kami sa loob ng piano room.
Pagpasok namin umupo agad kami ni Harry and nagstart na siyang tumugtog napangiti naman ako. He played Sonata No. 14 'Moonlight' napangiti naman ako.
After ng piece I clapped my hands "Galing," sabi ko naman "I take it as a compliment from a cousin of a child prodigy in music,"sabi naman niya at napatawa naman ako.
"Anong meron Harry?" Tanong ko naman sa kaniya habang nakangiti "Ahm, take this as my thank you for everything," sabi naman niya napakunot naman ako ng noo ko.
"Huh?" sabi ko naman then tumayo naman siya and he smiled at me "The game is over Danica, until then," sabi naman uli niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko "What do you mean?" I asked him but he just smiled and he waved his hand and naglakad na palabas ng piano room.
Naiwan naman ako ditong mag-isa, lalabas na sana ako ng bigla namang pumasok si Secretary Matsumoto sa room. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Young Miss," sabi naman niya then he bowed "Secretary," sabi ko naman "The chairwoman wants to see you," sabi naman niya "I still have a class to attend to," sabi ko naman sa kaniya.
"Pinagpaalam ka na po ni Madam Chairwoman, you have no choice but to come with us "Seriously?" I asked then he nod his head "Utos din po pala ng Mommy niyo na kapag hindi ka pumayag na sumama, we have no choice pero kaladkarin ka raw po namin papunta ng company," sabi naman uli niya.
"Am I in a big trouble?" Tanong ko naman sa kaniya pero umiling naman siya "You're not Young Miss, matutuwa ka pa kapag nalaman mo," sabi naman niya then I nod my head and naglakad na ako palabas ng room.
BINABASA MO ANG
My Four Bodyguards
Romance(Sky Light Academy Series #4) Highest rank achieved so far #2 in Bodyguards and #59 in Teen Fiction In Sky Light Academy those who are popular and rich are accepted to enter this famous Academy, hindi lang dapat mayaman at sikat kung hindi matalino...