Pagkasara nya ng pinto at pagharap nya ay nakita nya ang kanyang mga kapatid na sina Jen , Thea at Mark
Thea : Anong oras na ah ? San ka galing ?
Mark : Malamang sa barkada nya (habang inaayos ang gamit)
Jen : Totoo ba yun Jose ?
Jose : Opo ate , pe --
Jen : Ano ba naman yan Jose !? Lagi na lang bang ganitong oras ang uwi mo ? Ok lang naman makipagbarkada kaso somosobra na eh (mataas na boses nito sa kapatid)
Hindi naman nakapagsalita si Jose dahil sa takot na baka lalong magalit ang kapatid pag nag paliwanag sya
Mark : Ano tatahimik ka na lang ? Ni hindi ka man lang magpapaliwanag
Thea : Hayaan nyo na yung bata . Binata na yang lalaking yan . Pati hindi naman kelangang taasan ng boses yung bata eh . Jose pumasok ka na sa kwarto mo
Pumasok na sa kwarto nya si Jose at nahiga . Kinig na kinig naman nya ang pag aaway ng magkakapatid
Mark : Kaya lumalaki ang ulo ng batang yan eh . Lagi mong kinukunsinte
Thea : Hindi sa pagkukunsinte . Oo , pwede nyo syang pagalitan pero hindi yung ganitong pamamaraan . Natatakot kaya yung bata
Jen : Anong gusto mo ? Mahinahong pinapagalitan yan ? Lalong mamimiyasa yan
Thea : Pwede namang pagsabihan na lang ah . Kesa yung tinatakot nyo
Mark : Eh di lalong hindi nakinig yan
Jen : Wag mo na lang kaming pakelaman Thea sa pagdidisiplina namin kay Jose . Pwede rin namang hindi mangealam diba ?
Thea : Bakit hindi ako mangengealam ? Eh kapatid ko rin yan ! (sapagkakataong to ay napalakas na ang boses nya)
Mark : Hoy Thea ! Wag mo kaming sinisigawan , mas nakakatanda kami sayo ! (napasigaw din)
Bigla namang sumara ang pinto . Ibigsabihin nito'y may pumasok na tao
Nanay Rosario : Ano ba yan ? Ba't kayo nag aaway away ? Magkakapatid kayo tapos nag aaway away kayo !
Mark : Kasi nay yung anak mong bunso anong oras nanaman dumating . Pinagsasabihan lang namin ni Jen
Thea : Pinagsasabihan ? Eh sinisigawan nyo yung bata kaya natatakot tuloy
Jen : Ilang ulit ba naming sasabihin sayo na hindi makikinig ya -- (mataas na boses nitong sabi)
Nanay Rosario : ANO BA !? HINDING HINDI BA KAYO TITIGIL !? DINADAGDAGAN NYO LANG ANG MGA PROBLEMA NATIN EH !! KAKAMATAY LANG NG TATAY NYO NAG AAWAY AWAY PA KAYO !!
Natahimik naman silang tatlo sa mga sinabi ng nanay nila
Nanay Rosario : Jen at Mark . Wag nyong sisigawan si Jose , pagsabihan nyo na lang . Pati bago umalis o sumama yan sa mga barkada nya ay tinatapos nya lahat ng gawain dito sa bahay
Lalong natahimik silang dalwa . Napaisip naman si Jen at Mark
Nanay Rosario : Oh sya . Kumain na tayo . Ay teka , magluluto muna ako
Thea : Sige nay . Kakausapin ko lang po si Jose
Pumunta na si Thea sa direksyon ng kwarto ni Jose
Thea : (kumakatok) Jose buksan mo tong pinto . Si ate Thea mo to
Bumukas naman ang pinto at nakita nya si Jose na pula ang mata . Kaya pumasok na lang sya
Thea : (niyakap ang kapatid) Taha na , pinagsabihan ka lang naman nila kaya wag ka na umiyak
Jose : (iyak ng iyak) Pero bakit ganun sila sakin ate ? Ang init init ng dugo nila sakin . Ano bang nagawa ko sa kanilang masama ?
Thea : Gusto lang nilang malaman mo na mali ang ginawa mo , pero mahal na mahal ka nila
Jose : Hindi lang naman sa pagkakataong to sila ganito sakin . Para bang hindi nila ako kapatid kung ituring , lagi nila ko pinag iinitan
Thea : Hayaan mo muna sila . Sobrang apektado lang nila sa pakawala ni tatay
Natahimik na lang sya pero sa totoo lang ay gustong gusto nya pang sabihin lahat ng nararamdaman nya sa kapatid
Thea : Pero itong tatandaan mo Jose . Mahal na mahal ka ni ate at kuya ha
Tumango na lang si Jose at umiyak ng umiyak sa kapatid nya
May bigla namang kumatok . Bumukas naman agad ang pinto at nakita nila ang nanay nila . Pinunasan agad ni Jose ang luha nya
Nanay Rosario : Tama na ang pag iyak . Bakla ka ba ? (pagbibiro nito sa anak)
Tumawa naman ang magkapatid
Thea : Ano ka ba nay ? Ito na nga lang ang lalaki sa pamilya natin eh
Nanay Rosario : Syempre biro ko lang yun . Lumabas na kayo jan at nakahanda na ang pagkain
Sumunod naman agad ang magkapatid
Nanay Rosario : Jen ! Mark ! Lumabas na kayo jan . Kakain na !
Lumabas naman ang magkapatid at pumunta na sa pwesto nila
Nanay Rosario : Jose , anong oras ka ba dumating ?
Jose : Mga 6:00 po
Nanay Rosario : Saan kayo nagpunta ng barkada mo ?
Jose : Jan lang po . Namasyal lang po kami
Nanay Rosario : Malapit na ulit ang pasukan . Tanong mo sa mga kaibigan mo kung sano ang alam nilang school
Jose : Ahhmm , nay . Pwede po bang dun na lang sa school nila ?
Nanay Rosario : Itanong mo muna anak
Jose : Sige po nay
Mark : Kaya lumalaki ang ulo eh , laging pinagbibigyan
Napatingin naman sa kanya si Jose
Nanay Rosario : Bakit ang aga nyo dumating ?
Thea : Natapos na po agad yung trabaho ko
Jen : Ahh nay . Wala po akong trabaho ngayon . Kasama ko po yung mga kaibigan ko kanina
Mark : Nay wala pong raket eh
Natahimik na ang lahat
Jen : Ahhmmm . Jose , pasensya ka nga pala kanina sa pagdidisiplina ko . Sorry kasi nasigawan kita (pagpapaumanhin nito na hindi man lang natingin kay Jose)
Jose : (nagitla naman ito dahil sa kauna unahang pagkakataon ulit ay nagsorry ang ate nya) Ok lang yun ate (nakangiti na sabi nito)
Natapos na silang lahat kumain . At himalang ang si Jen ang naghugas ng mga pinggan
Jose : Ate ako na lang ang magtutuloy nan
Jen : Ako na . Matatapos na rin naman to eh . Pumunta ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na (nakangiting sabi nito)
Natuwa naman si Jose sa pakikitungo ng ate Jen nya . Dahil bumalik na ang dating Jen
Pumasok na si Jose sa kwarto nya at natulog na
BINABASA MO ANG
My Jowa Is A Bakla
FanfictionNaging magkaibigan ang bakla at isang babae na nagsimula sa pag aaway , pero nagkasundo rin agad sila dahil sa iba nilang kaibigan. Paano ulit mababalik ang dati kung ngayon ay madami ng mga nangyari? Paano mabubuo ang love story nila kung sa pagka...