Trouble

93 1 1
                                        


FLASHBACK








Aaron : Ano ba Cedric ? Nakikiliti ako (kinikilig at nakikiliting reaksyon nito)



Buern : Hayop kang lalaki ka !!! Tanggap ko pa na pineperahan mo ko pero yung ganito !!! ... (pinaghahampas nito ang dibdib ni Cedric at ng madako ang paningin nya kay Aaron ay nagtitimpi ito sa galit) At ikaw ! Hindi mo ba alam na niloloko ka lang nito , hindi mo man lang napansin !? Ang lalandi nyo




Pagkatapos na pagkatapos ng pagsasalita ni Buern ay agad nyang sinugod si Aaron at sinabunutan , pinagtatadjak , gumanti na rin agad si Aaron tapos ay sinampiga si Buern at sinabunutan din . Pilit na inaawat ni Cedric ang dalawa pero dahil sa galit ay mas malakas pa ang dalawa kay Cedric





Nang tumingin sa paligid si Cedric ay nakita nya si Matt na papalapit sa kanya ng nakabusangot ang mukha kaya napabitaw si Cedric sa pag-awat ng dalawa





Matt : Sabi ko na nga ba niloloko mo lang ako (kinig sa pagsasalita nito ang pagtitimpi at panggigigil)



Cedric : Babe , let me explain ...





Matt : Babe mo muka mo





Sinampiga nito si Cedric ng kabilaan at kitang kita sa mukha ni Cedric ang pagkagitla




Habang sinasalo ni Cedric ang mga hampas ni Matt na kanina pa nito ginagawa ay nagsasabunutan pa rin sina Aaron at Buern . Masyado ng maraming tao sa paligid nila




Bigla namang dumating ang kapatid ni Cedric na si Archie at inaawat si Matt na wag saktan si Cedric . Naawat naman nya ito kaya napaupo na lang si Matt sa pagtulak ni archie . Sinugod naman nina Aaron at Buern si Cedric kaya umawat nanaman si Archie at sa 'di inaasahan ay sinugod sya ni Matt sa pagsabunot nito kaya nawalan sya ng lakas para awatin sina Aaron at Buern kaya tuloy tuloy pa rin ang dalawa sa paghahampas at pagtatadjak kay Cedric






Buern : Siraulo kang hayop ka , hindi lang pala isa kundi dalwa pa !!! Pineperahan mo na nga lang ako tapos gaganyanin mo pa ko !!!









Aaron : Gago ka !!! Ginawa ko ang lahat para lang magkatrabaho ka tapos ito ang igaganti mo !?







Sa sobrang lakas manghampas ni Buern kesa kay Aaron ay mas pinipigilan ni Cedric si Buern kaya ng wala na syang magawa at naguiguilty na rin sya sa mga pinaggagagawa nya kay Buern ay niyakap nya ito ng mahigpit na mahigpit pero si Buern ay nagpupumiglas pa rin









Bigla namang may humila kay Cedric at agad na sinapak ito ng pagkalakas-lakas dahilan upang mapaupo si Cedric


















Jose : TANG INA MO CEDRIC !!! SA DINAMI RAMI NG GINAWA SAYO NI ATE NILOLOKO MO LANG SYA !!! HINDI MO BA ALAM NA NAG-AAWAY NA SILA NI MAMA NG DAHIL SA'YO DAHIL AYAW SAYO NI MAMA AT MAS PINILI KA PA NI ATE KESA KAY MAMA DAHIL MAHAL KA NYA !!! MAPAPATAY KITA ! (nanggigigil na sabi nito)





Sinuntok ulit ni Jose si Cedric sa mukha saka sa tyan , nawala ang pagkabakla nito at para straight na lalaki kung suntukin si Cedric . Dahil nga sa mga suntok na natamo ni Cedric ay nahimatay na ito , napatigil sa pagsuntok si Jose nang biglang may sumabunot sa kanya , si Archie . Nawalan ng lakas si Jose tapos ay napakaladkad ito sa sahig at nang mapagtanto nyang kinakawawa na sya ni Archie sa pagsabunut ay agad sya tumayo saka sinampiga si Archie ng pagkalakas-lakas , sinampiga rin sya ni Archie at nagkagulo-gulo na nga tuluyan ang lima habang si Cedric ay walang malay at nakahandusay









My Jowa Is A BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon