Chika Minute

140 3 0
                                    

Pagkadating naman ni Jose sa basketball cort ay nakita nya si Jorge

Jose : Ayan na naman si crush(kinikilig na sabi sa sarili)Mj kamusta na ang ate mo?

Jorge : Ayun.Mugto ang mata kakaiyak

Jose : Ano??Hindi pa rin sya tumigail sa pag iyak??

Jorge : Oo eh.Teka,magkikita ba kayo ni K dito?

Jose : Oo.Ay sandali.Isama ko kaya si Kris.Sigurado hindi ako tatanggihan nun

Jorge : Oo nga no.Para magkabati na rin yung dalawa

Pumunta muna si Jose sa bahay nina Jorge at kinausap nga nya si Kristel

Jose : Kris,sama ka sakin.Pupunta ako kayna K

Kristel : (nahihiya)Jm galit ka ba sakin??

Jose : Bakit naman ako magagalit??(naalala yung mga nangyari)Yun ba??Ok lang yun

Kristel : Ok.Kala ko galit ka eh...Sige,sasama ako

Pamunta na sila sa bahay ni Karylle at hindi na hinintay pa ni Jose si Karylle sa basketball cort dahil makikita lang nito si Kristel

Jose : Tao po!(nakatok sa gate)

Lumabas naman si Karylle

Karylle : (binubuksan ang gate)Akala ko magkikita tayo sa--(nakita si Kristel)

Kristel : K sorry na.Sorry Sorry(nakatungo na nahihiya)

Karylle : Jm,diba ikaw lang ang inaya ko??

Jose : Oo

Karylle : Eh bakit ka nagsama ng traydor dito

Jose : K naman oh.Patawarin mo na si Kris

Kristel : Wag mo na pilitin Jm.Ok lang.Sige aalis na ko

Nakaalis na nga si Kristel

Jose : Hay nako.Nagsosorry na nga yung tao hindi pa pinatawad

Karylle : Yan lang ba ang pag uusapan natin??Kung yan lang.Umalis ka na(sasarhan na ang gate)

Jose : (pigil sa pagsara ng gate)Hindi naman eh.Sinabi ko lang naman

Karylle : Pasok na(mataray nito utos at sinarhan na ang gate)

Nang makapasok si Jose sa bahay nina Karylle ay nagandahan sya sa mga gamit nila.Medjo may kaya kasi tong sina Karylle dahil sa trabaho ng Mama nya

Jose : Hindi mo naman nasabi sakin Karylle na mayaman pala kayo

Karylle : Hindi ah.May kaya lang

Jose : (tinitingnan ang mga litrato na nakadisplay)Matanong ko lang.Nasan ang tatay mo??

Karylle : Naghiwalay na kasi sina Mama at Papa.Si Papa ay may ibang pamilya na.Kaya si Mama na lang ang nagtataguyod samin

Jose : Sorry.Nabanggit ko pa

Karylle : Ok lang.Tanggap ko na naman eh.Pero napakaclose ko dun sa Papa ko.Hindi ko na sya nakikita dahil ayaw ni Mama na makita ko ang ibang pamilya ni Papa.Mga 4 na taon ko na ngang hindi sya nakikita

Jose : Nasan ba yung Papa mo??

Karylle : Nasa ibang bansa.Dun na sila tumira ng isa nyang pamilya.Eh ikaw ba??Nasan ang Papa mo

Jose : Patay na.Isang taon na nga eh.Kaya lumipat na kami dito dahil sa trabaho.Para mataguyod nila ang pamilya namin.Gusto ko ngang magtrabaho na rin.Kaso ayaw nila.Pagbutihin ka na lang daw yung pag aaral ko

Karylle : Sorry

Jose : Ok lang.Unti unti ko nang natatanggap pero syempre namimiss ko sya

Karylle : Kawawa ka naman.Wala ka ng Papa.Ako wala na kong Papa pero pwede ko pa syang makita

Jose : Parehas pala tayong walang Papa

Nagkwentuhan pa ng kung ano ano na tungkol sa kanila.Dumating ang Nanay ni Karylle

Zsa Zsa : Anak,hindi mo naman sinabi sakin na may bisita ka

Karylle : Ma,si Jose nga pala.Ka--

Zsa Zsa : Boyfriend mo??(pagbibiro nito)

Karylle : Mama naman eh.Kaibigan lang

Zsa Zsa : Biro lang..Kumain muna kayo ng miryenda.Maghahanda lang ako

Karylle : Ma,pakidala na lang po sa kwarto ko

Pumunta naman ang magkaibigan sa kwarto ni Karylle

My Jowa Is A BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon