Wawa naman si Bakla , Hindi nadadalaw ni Jowa

99 0 0
                                    

Jorge : Mas mabuti pa nga at nakasama natin si Mama bago sya mawala . Mas masakit naman kung hindi natin namamalayan na unti-unti na pala syang nanghihina at wala man lang tayo sa tabi nya nung mga araw na nahihirapan sya

Sa di nanaman inaasahang pagkakataon ay bigla nanamang nag Ring ang cellphone ni Kristel

Dahil na kay Jorge ang cellphone ay tiningnan nito ang tumatawag

Kristel : Sino yan ?

Jorge : Ahmm si Buern , sagutin ko ?

Kristel : Akin na

Kinabahan naman si Jorge at baka may ibang masabi si Buern dahil inaakala nitong sya ang sasagot pero kahit ganun ang iniisip nya ay ibinigay nya pa rin ang cellphone kay Kristel

Pinatay nya na lang kanyang cellphone na ibig sabihin ay hindi nya sinagot ang tawag ni Buern , nakahinga naman ng maluwag si Jorge

Nang umayos-ayos ang pakiramdam ni Kristel na talagang kaya na nito ang kanyang sarili ay pumunta sila sa burol ng kanilang ina

Nakatitig sa kanyang ina si Kristel at inalala nito ang pagkwekwentuhan nilang mag-ina

*Flashback*

Kathy : Anak ?

Kristel : Bakit po mama ? May masakit po ba ? Kelangan ko po bang tumawag ng Nurse ? (Tumayo na)

Kathy : (Hinawakan ang kamay ni Kristel) Hindi anak , ok lang ako . May gusto lang akong itanong sayo

Kristel : (Napaupo) Ano po yun mama ?

Kathy : Anak , galit pa rin ba kayo sakin ?

Kristel : Kahit kelan hindi kami nagalit sayo ma . Mas namiss ka namin , pero hindi namin inaasahan na makakasama ka pa namin

Kathy : (naluha) Pasensya na kayo anak , iniwan ko kayo

Kristel : (napaluha na rin) Eh mama , bakit mo nga ba kami iniwan ?

Kathy : Anak , ayaw akong pauwiin ng mga amo ko sa Dubai . Sobrang nahirapan ako sa mga pinaggagagawa sakin ng amo ko , ni hindi na nya ko pinapakain . Hanggang sa isang araw , namatay yung amo ko at agad akong umuwi para balikan kayo pero .. pero hindi ko inaasahan na hindi ko na kayo makikita sa dati nating bahay

Kristel : Binalikan mo kami mama ?

Kathy : Oo

Kristel : Bakit hindi po kayo nagparamdam samin o tumawag man lang ?

Kathy : Sinira ng amo ko ang cellphone ko kaya hindi ako makabalita sa inyo , yung telepono naman ng amo ko ay hinding-hindi nya pinapagamit sakin at tinatago nya pa . Hinanap ko kayo , hinanap ko kayo sa matagal na panahon hanggang sa nakilala ko si tito Vincent mo , minahal nya ko ng totoo pero kahit nagkaanak na kami ay pinapahanap ko pa rin kayo . Nagkaanak nga kami pero hindi ko naman sila matutukan dahil sa trabaho at ang paghahanap sa inyo , napag-aawayan na namin ni Vincent ang paghahanap ko sa inyo kaya tinigil ko na dahil hindi ko na natututukan ang mga kapatid nyo

Kristel : Naiintindihan po namin mama ang mga naging karanasan nyo , hindi lang po namin talaga kinaya lalo na nung nawala na rin si Papa

Kathy : Anong nangyari anak ?

Kristel : Namatay po si Papa dahil sa heart attack . Si Papa lang po ang bumuhay samin , nang umalis po kayo para magtrabaho ay may nararamdaman na pong sintomas si Papa kaya agad rin po syang nawala ng lumipat po kami ng bahay sa may Pampanga .

Kathy : Sorry anak , lalo kong narealize ang mga pagkukulang ko . Sa tatay mo , alam kong nahirapan din sya habang nasa Dubai ako , pati rin kayo

Kristel : Nay , wag na po nating isipin ang nakaraan , ang mahalaga po nasagot na po yung tanong namin . Mas importante na po ngayon ay ikaw mama kaya sana po wag nyo nang isipin ang pagkukulang nyo samin

Kathy : (yumakap kay Kristel) Salamat anak

*End Flashback*

Kristel's POV

Tama nga si Jorge , mas mabuting nakasama ka pa namin ma kesa yung hindi namin alam na nahihirapan ka na . Nay , may oras talaga na nagalit ako sayo dahil hindi ko alam kung bakit mo kami iniwan at hindi ka na bumalik pero mas umaangat pa rin sakin yung pagmamahal ko sayo mama , sana nay masaya ka kung nasan ka man

Hindi ko na namalayan na habang tinititigan ko si Nanay ay tumutulo na ang luha ko

Jorge : Ate , may bisita ka

.....

Pasensya na mga sibbies , ngayon lang nakapag-update . Ito lang pati kineri ng powers ko eh . Wag kayo mag-alala , sa next chapter may surprise ako mga teh

My Jowa Is A BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon