Buking na si Bading

153 2 0
                                    

Napaka daming pinagkwentuhan ng magkakaibigan . Halos buong nanghari sa loob ng 9 years ay napagkwentuhan na nila

Sobrang namiss ng magkapatid si Jose kaya napatagal na rin ang pagkakaclub ng mga bakla at magkapatid

2:31 na ng madaling araw ..

Jose : Hoy mga bakla . Anong oras na oh , uwi na tayo . Late tayo nito bukas

Jorge : Kami rin kaya

Jose : Kaya nga umuwi na tayo eh . Para hindi tayo matanggal sa mga trabaho natin

Jorge : Ano ate ? Uwi na tayo

Kristel : Oo . Sige bye na mga bakla

Archie , Buern , Matt , Aaron , Jose : Bye !

Pumunta ang magkapatid sa kotse nila,  nagdrive na nga si Jorge at nakaalis na ang magkapatid

Matt : Oh ano , bukas na lang ulit mga bakla

Buern : Feeling hindi sya bakla

Matt : nakakalalaki ka ah (malaking boses nito na pang lalaki)

Aaron : Hindi bagay sayo Matt

Archie : Tama na yan

Jose : Babye na . Masakit na ang panga ko kakatawa kaya wag na kayong maglandian jan

Sumakay na sa kanya kanyang sasakyan ang mga bakla

Nakauwi na si Jose sa bahay nila . Binukasan nya ang pinto , pagkabukas na pagkabukas pa lang ay nakita na nya ang kuya nyang si Mark

Mark : Anong oras na ahh . Bakit ngayon ka lang ? (mahinahong tanong nito)

Jose : May pinuntahan lang kami ng mga kaibigan ko

Mark : Hanggang ganitong oras ? San ba kayo pumunta ? Sa mindanao ? (medjo tumaas ang pananalita )

Jose : Kuya wag ngayon . Pagod ako

Mark : Pagod saan ? Sa club ?

Hindi na nagsalita pa si Jose dahil ayaw nyang makipagtalo sa kuya

Mark : Wag mo kong tinatalikuran habang kausap pa kita

Tumigil naman si Jose sa paglalakad

Mark : Porket ikaw na ang nagtratrabaho at bumubuhay sa pamilyang to eh may karapatan ka ng bastusin ako !

Jose : Hindi kita binabastos kuya , ayaw ko lang ng gulo

Mark : Eh ikaw ang nagpapagulo eh . Akala mo ba hindi ko alam , hindi ko alam na bakla ka . Buong buhay ko kinainggitan kita dahil sayo lang nagiging proud ang tatay pero isa ka rin pa lang paminta . Napakamakasarili mo (napaluha na ito)

Jose : Hindi ako makasarili kuya . Tinago ko ang pagkatao ko para sa pamilyang to . Para sating magkakapatid , dahil kung hindi ko ginawa yun baka magkahiwalay na ang mga magulang natin (napaluha na rin ito)

Mark : Ang sabihin mo ayaw mo lang masaktan at magalit si tatay sayo

Jose : Hindi mo ko maintindihan . Lagi mong iniisip na ikaw ang tama . Paminsan nga naiisip ko kung kapatid ba talaga ang turing mo sakin dahil sa pakikitungo at pagsasalita mo sakin

Natahimik naman si Mark sa mga nasabi ni Jose

Jose : Ayokong nasasagot kita dahil sa tingin mo binabastos kita , pero sa totoo lang kuya , gusto ko lang ipagtanggol ang sarili ko ... Pero mas gusto ko magkasundo tayo . Kaso ikaw ang may ayaw (tuloy tuloy ang pagluha nito at umakyat na sa kwarto nya)

Naiwang nag iisa si Mark at iyak ng iyak

Nang makapasok si Jose sa kwarto nya ay napaisip sya pero agad na pumunta din ito sa banyo para ayusin ang sarili nya bago matulog . Nang matapos na sya ay agad na sumalampak sa kama nya

Vice's POV

Nagkaganun pala sakin si kuya dahil sa sobrang pagkainggit sakin . Ginawa ko lang naman to para sa pamilya . Bakit ang hirap nyang bumalik sa dati ? Yung dating kuya Mark ko na sobrang close ko . Masakit para sakin to pero kelangan ko muna atang lumayo . Kelangan ko munang makapag isip ng maayos . Pati rin kay kuya

End Vice's POV

Tuloy tuloy ang luha ni Jose , hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya

          ~ Kinabukasan ~

Habang nag aagahan silang buong pamilya ...

Jose : Nay , aalis po muna ako

Nanay Rosario : Syempre , papunta kang trabaho diba ?

Jose : Nay hindi yun ang ibig kong sabihin (humingang malalim) Bubukod muna ako , hindi muna po ako titira dito ng mga ilang buwan

Nanay Rosario : Bakit naman anak ?

Jose : Ayoko lang po kasi ng gulo

Nanay Rosario : Anong gulo ?

Jose : Nay , mahirap ipaliwanag . Basta po mawawala po

Nanay Rosario : Dahil ba sa nangyari kagabi ?

Nagitla naman sina Jose at Mark . Nakita ni Jose na napatingin din ang kuya nyang si Warren at ang ate nyang si Thea sa sinabi ng nanay nila

Jose : Anong ibig nyong sabihin nay ?

Nanay Rosario : Alam ko , nagtalo nanaman kayong magkapatid

Thea : At alam din namin ang tinatago mong sekreto ... Na bakla ka

Hindi naman nakapagsalita si Jose

Warren : Kung mawawala ka , siguro naman sasabihin mo samin kung saan ka pupunta

Nanay Rosario : Anak , wag ka na umalis . Ok lang sakin kung bakla ka pati ng kuya Warren at ate Thea mo diba ?

Tumango ang magkapatid

Nanay Rosario : Oh , eh bakit ka pa aalis kung tanggap ka naman namin ?

Jose : Nay , wag nang makulit . Babalik din naman po ako agad

Warren : San ka titira ? Sa mga kaibigan mong paminta para lalo kang maimpluwensya ?

Jose : Wag kang mag alala kuya . Sa condo ko ako titira . Pati hindi nila ko inompluwensyahan , dahil nasa loob ko na yun . At alam mo naman siguro yun kuya

Warren : Eh kelan mo naman balak bumalik ?

Jose : Ewan ko . Basta makakabalik ako dito

Nanay Rosario : Aba dapat lang !

Jose : Oh sige na nay . Malelate nanaman ako

__________________________________________________

Nakadating na si Jose sa opisina ...

Dingdong : Kelangan nating malagpasan ang Chi Ney Lash Company na yan !

Jose : Sir , mukang mas kelangan nating magtrabaho kesa mag sisigaw ka ---

Dingdong : What ?! You know , I don't need your suggestion . Get out !

Lumabas na si Jose at agad na umupo sa pwesto nya

Jose : Naku ! Sumasakit ang bangs ko kay Sir . Kung makatalak kala mo may ginagawa para sa kompanya nila

Archie : Hoy meme . Boss natin yun , mamaya marinig ka nun

Jose : Nakakapanggigil na kasi eh , dumadagdag pa sa problema ko yang si Sir

Buern : Sabi mo nga meme , iniisip nya sya lagi ang tama

Jose : Hayyy . Magtrabaho na nga lang tayo

Habang nagtratrabaho si Jose ay biglang ...

Ringgggg Ringggggg Ringgggg

Number lang ang natawag kaya hindi agad sinagot ni Jose

Ringgggg Ringggggg Ringgggg

Jose : (kinuha na ang phone at sinagot ang tawag) Sino ba to ?

Walang nagsasalita sa kabilang linya

Jose : Wala akong panahon makipagbiruan ! Sino ba to ?

Wala pa ring sumasagot

Pinatay na lang ni Jose ang phone nya

My Jowa Is A BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon