Mahal ko sya

159 4 0
                                    

Nag aya na lang si Jose para makalimutan si Karylle at pumayag naman ang magkapatid

Maya maya , may lumapit na dalwang babae kay Kristel

Kristel : Huy , kamusta na kayo ? Ahhmm .. Jose , si Jona at Leny , mga kaibigan ko

Jose : Hi

Jona & Leny : Hi . New Friend ?

Kristel : Oo . Kakalipat lang kasi nila dito

Jona : Ahh ok . Pwede bang mahiram si Kristel ?

Leny : Kaya nga . Minsan lang namin to makasama eh

Jose : Sige

Jona & Leny : Thank you Jose

Umalis na nga ang tatlong magkakaibigan at naiwan naman sina Jorge at Jose

Sa tuwing nagkwekwento si Jose ay laging tango lang ang sinusukli ni Jorge . Kaya naman nasawa na ito dahil sa pagkatahimik at paminsang pagkawala sa sarili ni Jorge

Jose : Huy Mj . Ano bang nangyayari sayo ? Bakit ang tahitahimik mo ?

Jorge : Wala to . May iniisip lang ako

Jose : Yung totoo . Apektado ka ba sa pagkawala ni K ?

Jorge : Hindi ah

Jose : Para san pa't magkaibigan tayo kung hindi mo sakin sasabihin ang totoo

Jorge : Oh sige na nga . Oo .. Sobrang apektado ako

Jose : (napaisip naman ito kung bakit ganon na lang ang mga ikinikilos ni Jorge dahil lang kay Karylle) Bakit ?

Jorge : Syempre . Kaibigan ko sya eh . At napakatagal ng pinagsamahan namin .Tapos mawawala na lang sya isang araw

Jose : (may nahalata naman sya) Kaibigan lang ba talaga yan ?

Jorge : (napaisip sya sa tanong ni Jose at tiningnan ito ng mata sa mata)

Jose : Ano ? Nganga ?

Jorge : Oo . Kaibigan lang

Nalungkot naman si Jose dahil alam nya na nagsisinungaling lang si Jorge . Hindi nya maintindihan ang nararamdaman . Alam na nya ang tinutukoy ni Jorge pero parang ayaw nya itong paniwalaan

Napansin naman ni Jorge ang malungkot at napatahimik na si Jose

Jorge : Bakit naman ang lungkot mo ?

Jose : Ako ? Malungkot ? (ngumiti) Tingnan mo nga oh , nakangiti ako

Jorge : Eh napilitan ka lang naman sa ngiti mo eh

Jose : Pero hindi naman ako malungkot

Jorge : Talaga lang ha ? Para san pa't magkaibigan tayo kung hindi naman sasabihin ang totoo (may kunyaring tampo sa boses ni Jorge)

Jose : (napangiti naman si Jose sa tinuran ni Jorge) Gaya gaya !

Jorge : Gaya gaya ? Eh totoo naman

Jose : Sige na nga . Ano bang tanong mo ?

Jorge : Bakit ka nga malungkot ?

Jose : Dahil hindi ka nagsabi ng totoo sakin kanina (biglang seryosong salita ni Jose at tiningnan nya si Jorge ng mata sa mata)

Jorge : Anong ibig mong sabihin ?

Jose : Ayan ka nanaman eh (pagtatampo ng boses nito)

Jorge : Ano nga ? Ang gulo mo naman eh

Jose : Yung kaninang tanong ko sayo na bakit sobrang apektado ka kay K

Jorge : (nakuha naman nya ang sinabi ni Jose) Totoo naman yung sinagot ko sa tanong mo eh

My Jowa Is A BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon