Ang Pagbabalik ...

112 2 1
                                    

Oh yeah ! High/Low mga sibs , ngayon na lang ulit ako nakapag Update after 5 months ... Biruin nyo yun ? Natuloy ko pa 'tong istoryang ito kahit ganun na katagal kong hindi 'to napapansin , sobrang busy kasi ako nung mga oras na yun 'te kaya pagpasensyahan nyo na


Pero ngayong bakasyon , sinisiguro ko na lagi na kong mag-aUpdate ditey , waley na masyadong gagawin eh pati kelangan kong panindigan itong istoryang 'to XD

Madami pang mangyayari kaya sa mga mambabasa ko na nagchachaga THANK YOU SO MUCH ... Magsisimula na ang istorya kaya sana , maging masaya ka at hindi mabored sa story ko

(Sorry talaga sa napakatagal kong UD , Sorry Sorry ! Pero ito lang masasabe ko para sa  pambawe ... ITO ANG PINAKAMAHABANG CHAPTER NA NAGAWA KO)


____________________________________











Mahigit Dalawang Linggo ang  nakalipas ...



Madaming nagbago at nangyari sa loob ng ... (parang mali)
Wala palang nagbago dahil wala pa ring nangyayare at maalala si Jose sa kanyang buhay , hindi pa rin nya kilala ang taong nasa paligid nya at kung ano nya ito pero maliwanag na sa kanya na ina nya si Nanay Rosario at may apat syang kapatid  na sina Jen , Thea , Warren at Mark na talagang kwinekwento ang mga nakaraan at mga nangyari kay Jose kahit ang pagtatalo nilang magkakapatid ay kwinento na rin nila , kahit sabihing makakasama kay Jose ay kailangan nya pa rin yun malaman dahil baka pag dumating yung time na bumalik na lahat ang alala  pati rin ang namayapa nilang ama . Maliwanag na rin sa kanya na kaibigan nya sina Buern , Archie , Matt at Aaron na araw-araw ay nasa ospital upang mabantayan din si Jose . Kahit sila ay may kani-kanilang trabaho ay may oras pa rin silang pumunta sa ospital upang dalawin ang kanilang Kaibigan

Si Karylle ay lagi din nyang nasa tabi , gusto kasi ng dalaga na makabawi talaga sa kaibigan dahil nga sa ginawa nitong pag-iwan noong mga bata pa sila

Naikwento na nito lahat lahat kung bakit at paano sila naging magkaibigan , yun ay dahil kay Jorge at Kristel kaya medyo okay na silang dalawa pero inakala talaga ni Jose na girlfriend nya ang dalaga kahit sinabi ng kanyang mga kaibigan at kapatid na hindi si Karylle ang girlfriend nya pero inisip nya na hindi yun totoo at inililihim lang sa kanya ang katotohanan pero napagtanto nyang hindi nga talaga si Karylle ang tinutukoy na girlfriend nito dahil sa mga naikwekwento ng ng dalaga

Ikwenento din nito yung mga oras na nahahalata na talaga ni Karylle simula palang nung magkakilala sila na napapansin nitong bakla ito at parang may nararamdaman kay Jorge tapos biniro nito si Jose na hindi nga sya nagkamali dahil katotohanan pala lahat ng hinala nya

Dahil sa kakulitan at pagkwekwento ni Karylle ay, gumaan ang loob ni Jose dito na hindi tulad ng dati na hindi nya maintindihan kung bakit laging nanduon si Karylle ? Bakit ang kulit ni Karylle ? Bakit parang hindi ko feel 'tong Karylle ? ... Pero ngayon ay parang mag Bestfriend na sila dahil nga sa personalidad at ang pagkakakilala nito sa dalaga ay mabait nga ito at mapagkakatiwalaan






Buern : Ang tagal naman ni Karylle ? Saang lupalop ba yun nanggaling ?


Archie : Baka magising na 'to si Meme isusurprise pa natin eh


Buern : Nasan na ba yung cake ? Sindihan nyo na para pag nagising 'to si Meme , handa na

My Jowa Is A BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon