Jose : Teh , ano bang ibig mong sabihin na lalong lumalala ?
Thea : Si Kuya Mark kasi mas lalo pang naloko. Madalas siyang umuuwi ng umaga at lasing na lasing , paminsan nga hindi na nauwi eh
Jose : Hindi ba pinagsasabihan ni Nanay ? Hindi ba niya pinipigilan ang mga ginagawa ni Kuya ?
Thea : Araw-araw na nga yang tinatalakan ni Nanay eh kaso hindi talaga nakikinig . Napapagod na nga si Nanay kakaulit ng mga sinasabi niya kay Kuya (lumapit kay Jose) Umuwi ka na Jose , walang mangyayari sa pag-iwas mo
Jose : Pero mas lalala siya kung babalik ako
Thea : Mas titino siya kung babalik ka
Jose : (nagtaka) Huh ? Pano mo naman nasabi yun Ate ? Eh ang init init nga ng dugo sakin ni Kuya ?
Thea : Dahil mahal ka niya
Jose : (nagitla) Teh ! Saan mo napulot yan ?
Thea : Ang taas naman
Jose : Eh kasi naman hindi kapani-paniwala yang sinasabi mo . Galit yun sakin , galit . Ang mahal niya si Tatay at hindi ako
Thea : Hay naku ! Kung hindi ka niya mahal , bakit siya magagalit ng ganyan aber ?
Jose : Nagalit siya sakin dahil sa pakikitungo ni Tatay sakin na akalang totoong lalaki ako . Nagalit din siya sakin dahil sa mga ginawa kong lihim . At nagalit siya sakin dahil sa kabaklaan ko
Thea : Bakla din siya , alam niya yung feeling na yan . Mahal ka talaga ni Kuya . Tingnan mo , nung nawala ka lalong hindi nagtino , eh nung nanjan ka , mas maaga pa sayo umuwi para abangan ka kung ok ka lang
Jose : Hindi sa pag-aalala yun , inaabangan niya ko para talakan
Thea : Kahit inaantok na siya ? Mas pipiliin niyang hintayin ka kesa matulog ? Hindi ka niya pag-aaksayahan ng panahon para lang talakan ka , hinintay ka niya dahil gusto niyang siguruhin kung ok ka
Jose : (natahimik at napaisip) Hindi rin .. Basta . Matulog ka na nga Ate , may gagawin pa ko . Dun ka na sa kwarto ko matulog
Thea : Saan ka tutulog ?
Jose : Baka sa bahay natin , malamang dito . Nakakahiya naman kasi sa mga bisita ko
Thea : Sige na nga , antok na rin ako eh . Goodnight
Jose : Good night
Kinuha ni Jose ang mga dokomento na kelangan niyang asikasuhin . Sa sobrang pagod ay hindi na niya napigilan ang matulog
Kinabukasan ...
Nagising si Nanay Rosario ng pagkaaga-aga , naisipan na agad ni Nanay Rosario na magluto para sa mga anak niya . Nang pag labas niya sa kwarto ay nakita niya si Jose na nakaub-ub
Nanay Rosario : Tutoy , gising muna . Ngalay na yang batok at leeg mo
Umupo si Jose na nakapikit pa at wala pa sa ulirat
Nanay Rosario : Nak , gising muna (dinilat ni Jose ang isang mata) Yan ! Puro kasi trabaho eh , hindi muna magpahinga
Jose : (unat) Anong oras na po ba ?
Nanay Rosario : Hay naku , trabaho nanaman . 6:34
Jose : (tumayo , nag-unat unat ulit at bumalik na sa ulirat) Ah sige nay , punta po ako sa kwarto
Nanay Rosario : Oh sige , matulog ka muna ulit
Jose : Ihahanda ko na po yung susuutin ko nay
Nanay Rosario : Ba't hindi ka muna matulog ? Maaga pa nak
Jose : Kesa naman malate ako nay
Nanay Rosario : Sana hindi na lang pala kita gisnising para nakapagpahinga ka
Jose : (papasok na) Ay , thank you nga pala nay sa paggising sakin (pumasok na)
Nang mahanda na ni Jose ang susuutin niya mamaya ay lumabas na ito . Dumeretsyo sa banyo at naligo (malamangXDalangan namang matulog siya dun:D)
Natapos ng maligo si Jose at nagbihis na agad . Lumabas na at pinakain ng ina , inubos ang kinain at tuluyan ng umalis papuntang trabaho niya
Naglalakad papuntang elevator , nang makapasok sa elevator ay pinindot ang groud floor . Pag labas ay hindi niya inaasahan na may makakasagi sa kaniya , nahulog ng nasagi niya ang mga dala nito kaya naman pinulot ni Jose ang mga nahulog
Nang matapos na ang pagpupulot nila ay tumayo na sila pareho
??? : I'm so sorry , hindi ko sinasad -- Oh ! Hello , Jose right ?
Jose : (nagitla , pero hindi na pinahalata) Miss Tatlonghari , sorry po
Karylle : No , it's ok . That is my fault , again haha . Napapadalas kasi ang pagmamadali ko pagnagkakasalubong tayo
Jose : Ahm ok lang po (ngumiti)
Karylle : Sorry ulit , alis na ko , nagmamadali kasi ako eh bye
Nginitian na lang ni Jose si Karylle , nang makalabas na siya ay dumeretsyo agad to sa sasakyan niya
BINABASA MO ANG
My Jowa Is A Bakla
Fiksi PenggemarNaging magkaibigan ang bakla at isang babae na nagsimula sa pag aaway , pero nagkasundo rin agad sila dahil sa iba nilang kaibigan. Paano ulit mababalik ang dati kung ngayon ay madami ng mga nangyari? Paano mabubuo ang love story nila kung sa pagka...