Finally She's Back

122 0 0
                                    


Nagitla naman ako dahil wala akong inaasahan na bisita pero inisip ko na lang na sina Jose yun ...... Pero ng tumingin ako sa bisita ay hindi pala ang inaasahan ko dahil ang nakita ko ay Karylle , oo sya

Karylle : Kristel , nakikiramay ako

Kristel : Salamat Karylle

Karylle : Birthday nga pala ni Vhong kanina

Wala sa sarili si Kristel kaya nakatulala lang ito sa kabaong ng kanyang ina habang nagsasalita si Karylle

Napansin naman iyon ni Karylle kaya tumabi ito kay Kristel

Karylle : Masakit talaga yan Kristel , normal lang yan (niyakap si Kristel)

Hindi naman nagsalita si Kristel pero isinandal nito ang ulo nya sa balikat ni Karylle

.

.

.

.

.








Sa kabilang dako naman ay tumawag si Jorge kay Buern para kamustahin si Jose at ipagpaalam na dadalaw sya

Jorge : Nakakaawa naman si Kuya . Ano ba kasi ang nangyari at umuwi agad si Kuya habang lasing pa ?

Buern : Nahuli nya kasi si Kristel at Siralo na naghahalikan paglabas namin sa CR

Jorge : (nagitla naman si Jorge sa narinig pero alam nyang hindi kaya gawin yun ni Kristel kay Jose) Lasing naman si Kuya nun ah , pati hindi magagawa ni ate na makipaghalikan sa iba

Buern : Nakita ko rin Jorge , kasama ako ni meme sa CR at pagkalabas namin ay nakita ko rin na nakikipaghalikan si Kristel

Jorge : Pero biglaan daw ang nangyari , hinalikan ni Siralo si ate at hindi nya yun ginusto

Buern : Hindi sa sinasabi kong ginusto ni Kristel , ang tanong bakit sya sasama kay Siralo ng basta basta . Ayoko sana maniwala pero parang yun ang dahilan kaya sya hindi pumayag magpakasal kay Meme


Napaisip naman si Jorge sa sinabi ni Buern . Nang papunta na sya sa burol ng kanyang ina ay naguguluhan sya kung ano ang totoo dahil bakit nga ba basta basta na lang sasama ang ate nya kay Siralo

Nang nakarating na sya ay nakita nya si Kristel na may katabing babae , parang pamilyar kay Jorge kung sino ang babae kaya lumapit na lang ito


Karylle : (napalingon) Jorge (niyakap si Jorge)

Nagitla naman ang binata sa ginawa ni Karylle . Yumakap din ito pero bumitaw na rin sa pagkakayakap si Karylle

Jorge : Kelan ka pa dumating ?

Karylle : Nung last week pa . Nakikiramay ako

Jorge : Salamat . Saan mo nabalitaan na wala na si Mama ?

Karylle : Kay Buern , kanina lang . Tinanong ko kasi kung kamusta na sila pero sabi nya --- (hindi na natuloy ni Karylle ang sasabihin dahil tinakpan ni Jorge ang bibig ng dalaga)

Pumunta silang dalawa kung saan malayo kay Kristel

Karylle : (tinanggal ang kamay ni Jorge sa kanyang bibig) Ano bang problema ? (nagtaka naman ito at nakatitig si Jorge kay Kristel) Hindi pa ba nya alam ?

Jorge : (nakahinga naman ito ng maluwag dahil hindi naman narinig nang kanyang ate ang sinabi ni Karylle) Hindi pa kelangang malaman ni Ate . Ang hirap na nga ng pinagdadaanan nya , dadagdagan ko pa

My Jowa Is A BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon