Birthdeyan

118 1 0
                                    

Ringggggg Ringggggg

Jose : Oh ?

Jorge : Naistorbo ba kita ?

Jose : Hindi naman

Jorge : Ah okay , nasan ka ?

Jose : Nasa trabaho

Jorge : Kala ko ba hindi kita naistorbo ?

Jose : Wala pa naman yung boss namin eh , pero mabilis lang dapat . Ano bang sasabihin mo ?

Jorge : Pwede ba kayo pumunta dito sa bahay ? May party kasi

Jose : Bakit ? Anong meron ?

Jorge : Birthday ni Ate

Jose : Wait lang , tanungin ko lang yung mga bakla (nilayo yung phone sa tenga) Mga bakla , gora tayo sa bahay nina Jorge at Kristel ? Birthday kasi ni Kristel eh

Mga Beks : Go !

Jose : (nilapit ang phone sa tenga) Gogora kami jan , anong oras ba ?

Jorge : Mga 8:00

Jose : Ok . Pero baka malate kami ha , baka kasi topakin nanaman yung boss namin , ipapa-over time nanaman kami nun

Jorge : Ok lang , ang importante makapunta kayo

Jose : Bye (call ended)

Pagkatapos na pagkatapos ng trabaho nila ay agad silang pumunta kayna Jorge at Kristel

Pagkadating nila ay nakita na nila ang dami ng tao at parang nalate na nga sila

Kristel : Akala ko hindi na kayo dadating

Jose : Pwede ba yun ? Sa 9 years na hindi ako nakapunta sa birthday mo eh papalagpasin ko pa kaya to

Kristel : (ngumiti) Oh sige , kumuha na kayo ng pagkain , tatawagan ko lang si Anne

Pumunta sa labas si Kristel at agad na dinukot ang cellphone sa bulsa

Kristel : Hello Anne ? Pupunta ka pa ba ?

Anne : Oo naman , paalis na nga kami eh

Kristel : Kayo ? May kasama ka ?

Anne : Oo , yung pinsan ko . Pwede ba ?

Kristel : Oo naman

Anne : Nabobored kasi sa bahay nila kaya pinakiusapan ako ni Tito na isama , ngayon lang kasi ulit to nakarating dito sa Pilipinas

Kristel : Oh sige , bilisan niyo na lang . Bye (call ended)

Jose's POV

Kasam ko ang Team Vice sa paghahanap kay Kristel . Nasan na ba yung babaeng yun ? Kanina pa namin hinahanap eh , birthday na birthday ng babaeng yun wala pa dito

Ayun ! Sa wakas nakita ko rin ang gaga

Jose : Saan ka ba nagpunta girl ? Kanina ka pa namin hinahanap

Kristel : Sa labas lang . Tinawagan ko si Anne , ang tagal kasi dumating eh

Jose : Tatawagan mo lang kelangan pa sa labas ?

Kristel : Eh maingay kaya dito sa loob , hay naku hahaba pa to (tumingin-tingin kung saan-saan) Nasan na kaya si Anne ?

Jose : Dadating rin yun (napatingin ako sa pintuan ng makita ko si Anne) Ayan na nga oh

Anne : Hello guy's (bumeso kay Kristel) Ay ! Si Karylle nga pala , pinsan ko . Karylle , Si Kristel , Jorge , Jhong , Ryan , Kilala mo naman siguro si George haha

Oh my goshhhh ! Anong ginagawa dito ni Karylle ? Bakit siya kasama ni Anne ? Nakakaloka . Mukang mababad trip ng slit si Kristel ah , birthday pa naman niya

Karylle : Oo naman (tumingin sakin) Oh , Jose bakit kayo nandito ?

Jose : (natural nagitla ako) Uhmm ahhh Miss Tatlonghari , birthday po kasi ni Kristel eh (nagbago naman ang itsura ni Jorge at Kristel , kanina sila ay nakangiti pero ng marinig nila ang 'Tatlonghari' ay nagtaka ang mukha nila . Bakit ko pa kasi tinawag na Miss Tatlonghari si Karylle)

Karylle : Kaano-ano mo si Kristel ?

Jose : Friend ko po

Nahalata ko naman na natahimik si Karylle pero nakangiti siya sakin . Bigla na lang nawala yung ngiti niya ng tumingin siya kay na Jorge at Kristel . Ayan na nga , nag-iisip na siya , for sure nagtataka na siya

Umalis naman sina Jhong , Ryan , Georgina at ang mga bakla , pumunta muna sila sa mga nagpaparty-party . Natira lang kami nina Anne , Jorge , Kristel at Ako . Kinakabahan ako at baka nag-tataka na sina Jorge at Kristel

Kristel : Guy's cr lang ako (tumayo si Kristel)

Jorge : Uhm , may kukunin lang ako sa taas

Kaming tatlong nalang ang natira . Biglang nagsalita si Karylle

Karylle : Uhmmm , Anne ?

Anne : Hmm (nakatingin sa phone)

Karylle : Ang apelyedo ba nina Kristel at Jorge ay Sebastian ?

Anak ng tipaklong ! Nakahalata na nga ang gaga , anong gagawin ko ?

Anne : (nagitla at napatingin kay Karylle) Bakit mo alam ?

Karylle : (bigla namang napangiti si Karylle) Oh my gosh !

Anne : (nagitla) Bakit ?

Karylle : Kristel and Jorge is my Friend when I was 13 years old

Dumating namang sabay si Kristel at Jorge at narinig nila ang sinabi ni Karylle , sakto naman napatingin si Karylle kay Kristel at Jorge

Karylle : (tumayo) Guy's , naaalala niyo ba ko ?

Wala sa kanila ang sumagot pero alam ko naman na kilala na nila si Karylle , si Karylle na nang-iwan samin kaya nagpapanggap silang walang alam

Karylle : Si Ana Karylle Tatlonghari to , yung kaibigan niyo nung bata pa

Jorge : Oo , Karylle long time no see (nakangiti nitong sabi)

Niyakap naman ni Karylle si Kristel

Karylle : Happy Birthday Kristel (bumitaw sa pagkakayakap) Isa na lang ang kulang , si (napatingin sakin at lumapit) Jose !

Yumakap sakin si Karylle , natural nagitla ako . Maya-maya ay niyakap ko riin siya pero hindi ganun kahigpit

Umupo na kaming lahat

My Jowa Is A BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon