Balik na si Bakla

115 3 3
                                    

Jose : WILL YOU MARRY ME ?

Nagitla na agad si Kristel pagluhod pa lang ni Jose , lalo pa syang nagitla ng may nakita syang singsing

Pinagpapawisan sya sa mga nangyayari , nang narinig nya ang sinabi ni Jose ay tumingin sya sa mata ni Jose , tumingin siya sa mga taong nasa paligid nya at abot tenga ang mga ngiti

Binitawan ni Kristel ang mga bulaklak na hawak nya

Kristel : I'm so sorry (napapaluha at tumakbo palayo kay Jose)

Napatulala si Jose

Hinabol naman ni Jorge si Kristel

Jorge : Ate , ano bang nangyayari sayo ?

Kristel : Hindi ko rin alam

Jorge : Huh ? Ate , hindi pwedeng sagot yan sa mga tanong ni Kuya Jose

Kristel : Masyado pang maaga . Hindi pa ko sure sa mga nangyayari , hindi pa ko sure sa sarili ko , hindi pa ko sure sa kanya .. lalo na sa pagiging bakla nya

Nang lumingon si Kristel kung saan nakatingin si Jorge ay nakita nya si Jose

Jose : (agad na lumapit kay Kristel) Kahit bakla ako , mahal kita (napaluha)

Kristel : I'm so sorry bhe , hindi pa ko sigurado . Ayoko namang magpakasal ng ganito pa ko

Jose : (ngumiti) I understand (unti-uting lumalayo paalis kay na Jorge at Kristel)

Jose's POV

Bakit ? Bakit hindi sya sigurado ? Dahil ba bakla ako ? Dahil ba hindi imposibleng mapanindigan ko sya ?

Pero kahit ano pang mangyari satin , maghihintay ako sayo hanggang maging handa ka na

Mahal na mahal kita Kristel , sana paniwalaan mo naman ang mga sinabi ko sayo

Habang umiiyak ako ay biglang may kumatok sa kwarto ko

Jose : Pasok

Nanay Rosario : Anak , ok ka lang ba ?

Jose : Nay , hindi eh . Kahit sabihin kong oo masakit kasi

Nanay Rosario : Mas ok ng tumanggi sya dahil hindi pa sya sigurado hindi yung umoo nga sya pero hindi naman totoo

Jose : Tama ka nay , pero bakit ganun ? Kahit anong intindi ko sa mga nangyayari , tinatanong ko pa rin kung bakit . Parang hindi pa rin sapat yung mga sagot na natatanggap ko

Nanay Rosario : Tutoy , wag mo na muna kasing isipin ang pagpapakasal . Mahal ka naman nya diba ? Kaso nga hindi pa handa

Jose : Oo naman nay

Nanay Rosario : Oh yun naman pala eh . Alam mo anak para makalimutan mo yang iniisip mo , ienjoy na lang natin itong resort

Jose : Nay , mamaya na la --

Nanay Rosario : Anong mamaya mamaya ? Sayang naman yung gagastusin natin kung hindi natin dadamahin

Pumayag na lang ako dahil alam kong walang balak tumigil si Nanay , para makaihip rin ako ng sariwang hangin

Pumunta kami nina Nanay , Kuya Warren , Kuya Mark , Ate Jen at Ate Thea sa kubo kung saan masarap ang simoy ng hangin

Ang ganda ng panahon , ang saya sa paligid pero bakit ako , hindi ko magawang maging masaya ?

Kuya Warren : Anyare teh ? Ang ganda-ganda ng panahon tapos ikaw parang binagyo

Jose : Alangan namang mag-paparty ako sa nangyari

My Jowa Is A BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon