CHAPTER 18:D-Island

40 2 6
                                    

"Distansya"maging ako ay napalingon kay Blaise ng sabihin nya iyon,nakita ko pa ang pagsimangot ni Johan habang papabalik sya sa upuan nya.

"Napaka neto ni Blaise,Overprotective ah? Konti nalang ay iisipin ko ng may gusto ka kay Hermione"sagot pa ni Johan bago tuluyang kumain,ganon din naman ang ginawa namin.

Matapos naming kumain ay bumaba na ulit kami,magaala una palang kaya mahaba pa ang biyahe,Nakaupo ako sa may upuan sa railings at inilabas ko ang cellphone ko,buti nalang at may load ito at signal.

"Searching for something?"halos mapatalon ako sa gulat ng biglang tumabi saakin si Leon,matagal tagal ko na rin sya bago nakausap ng pormal,madalas kasi ay tanungan lamang kami.

"Ah,natingin tingin lang,baka kasi may message si Hermes"saad ko,basta scroll nalang tuloy ako dahil nahihiya ako.

"The agreement we made before,we're getting closer to it,I dont want to lie to you kaya sasabihin ko na ang purpose natin sa pagpunta sa Island at pakikipag kita natin kay Mr.Carisen" deretso nyang sambit kay nakaramdam ako ng kaba,halos nakalimutan ko na nga yung agreement namin na tutulungan nya akong makilala ang papa ko.

"S-sige"

"Mr.Carisen has a son who's currently working in KudOrg,Close kayo ni Blaise kaya alam kong nabanggit nya sayo ang nangyari kay Blacen-and yah,The one who Blackmailed Blacen is the son of Mr.Carisen"wala akong maramdaman, parang hindi pa nagsisink-in sa utak ko ang sinabi ni Leon,totoo ba?

"Alam naba ni Blaise?"tanong ko sakanya habang pinoproseso ko sa utak ko ang sinabi nya.

"Yes,ikaw nalang ang di namin nasabihan. Well,Van suggested na wag na naming ipaalam sayo dahil baka mag alala ka pa, but you have the right to know"

"Yun ba yung dahilan kung bakit ang tahimik nyo?"sandali syang napalingon saakin ngunit umiwas din kaagad, bumuntong hininga muna sya bago magsimula uling magsalita.

"Things are really complicated,Sa dami ng nalalaman ko,mas nagiging komplikado, akala ko kapag napapalapit na ako sa kaso mas mapapadali,mas mahirap pala,I chose to be silent,ayokong madamay kayo sa personal matters ko,But in the end of the day,Connected pala ang lahat.I cant say it to you right now,even Johan and Blaise doesnt know,siguro hindi pa sa ngayon" matapos nyang sabihin iyon ay tumayo na sya at bumalik sa loob.

Personal Matters na connected sa Case?But what Case?Sa sobrang gulo ng mga kaso na inaayos namin sa ngayon at dagdag pa ang mga schoolworks na ginagawa namin, hindi ko na maisip kung ano ang tinutukoy nya.

Magaalasais na ng makarating kami sa Isla,sobrang ganda ng itsura nito,tila isang lumutang na city sa gitna ng dagat, Malalakas ang nga speaker na may modernong tugtog,magaganda din ang mga pailaw na nagmumula sa poste at sa center stage,tila may magpeperform na isang banda,pansinin din ang matataas na gusali sa paligid,ito ata ang mga hotel dito.

"Parang ayoko ng umuwi"saad ni Johan, natawa nalang kami dahil kung kami ang tatanungin,napaka ganda talaga ng lugar.

"Welcome to Bimil Islid sir,maam"pagbati ng isang babae saamin,may kasama din syang tatlong lalaki sa likod at tinulungan kami sa pagbubuhat ng maleta,tinuro nya ang daan papunta sa reception at nandoon daw si Mr.Carisen,hindi ko alam ang magiging reaksyon ko,nakakakaba.

Pagpasok namin sa Hotel na "Sui" ang pangalan ay sinalubong kaagad kami ng isang lalaki na nasa 40-50 ang edad,agad na nagmano sakanya ang apat kong kasama,samantalang ako ay hindi ko alam ang gagawin kung magmamano din ba ako or magbebeso,nataranta ako kaya marahan akong yumuko ng magtama ang tingin namin.

"Oh iha,you should be Hermione?right" tanong nya saakin bago iniabot ang kamay nya,inabot ko din ang kamay ko bago nakipagshake hands,buti nalang at hindi ako pasmado.

"Such a pretty face,again..Its been 3 years," hindi ko na naintindihan ang sinabi ni Mr.Carisen,nakita ko nalang ang pag pait ng mga ngiti nila Blaise.

Hinatid kami ng babae kanina sa room na naka assigned saamin,Kat daw ang pangalan nya,hindi naman nalalayo ang edad namin sa edad nya,sumobra lang ata ang kasipagan nya kaya naisipan nyang magtrabaho.

Sa iisang room lang naman kami tutuloy, nay boundery naman daw na pedeng hilahin kung ayaw ko daw makita sila pag matutulog,5 bed kasi sa iisang room,2 naman ang shower,wala namang problema saakin iyon.

Nang makapasok kami sa room ay binigyan kami ni Kat ng dalwang susi,Ang isa ay iniabot nya saakin at ang isa naman ay ibinigay nya kay Leon,tumawag nalang daw kami kapag may kailangan kami.

Si Mr.Carisen naman ay may pupuntahan daw na meeting,tatawagan nalang daw nya kami mamaya para sa gagawin bukas.

Nang makapagayos na kami ng higaan ay nagyakag na si Blaise mag dinner,kahit naman ako ay gutom na dahil sa haba ng biyahe namin kanina.

"Andaming magagandang resto dito,san nyo gusto?"tanong ni Blaise habang inaayos ang sintas ng sapatos nya,ako naman ay kinuha ang pouch at cellphone ko sa bag,buti at binigyan ako ng budget ni mama,baka kasi mamahalin ang mga pagkain dito.

"Sa pinaka mura nalang,"suggest ko pero sabay sabay silang naptawa,maliban kay Van na ngumisi lamang,Pangit ba ang suggestion ko?

Lumapit saakin si Blaise at inakbyan ako papalabas,sumunod naman saamin sila Johan.

"Hermione,libre ang lahat saatin dito kaya kahit mamahalin pa na pagkain ang kainin natin ay walang problema,Atsaka si Mr.Carisen naman ang may ari ng isla kaya walang problema doon" pagpapaliwanag nya at sumakay na kami sa elevator,Ang yaman naman ni Mr.Carisen,hindi na ako magtataka kung sa susunod ay makabili na sya ng isang bansa.

"Blaise nakakahalata na ako,"biglang saad ni Johan at tumabi saamin ni Blaise habang naglalakad.

"Ano nanamang problema?"inis na tanong ni Blaise at deretso pa ding nakatingin sa daanan,mukhang malalim ang iniisip.

"Di mo na binitawan si Hermione ah?Sa susunod hindi talaga ko magtataka kung liligaw-"natigil sa pagsasalita si Johan ng takpan ni Blaise ang bunganga nya,Eto nanaman ang dalawang to,Tsaka wala namang problema sakin kung nakaakbay si Blaise saakin,sanay na ako,sadyang issue lang si Johan.

"5star Resto daw to,dito nalang"nauna na si Leon pumasok,maganda ang itsura ng loob pero hindi ko maintindihan kung bar ba ito or resto,ang gaganda kasi ng ilaw at ang lakas makapangmayaman.

"Tequila!shet"sa pagkakaalam ko ay alak yon,baliw talaga tong si Johan.

Umupo na kami atsaka nag-order,may sinabi si Leon sa Waiter at nanlaki ang mata nito,tinatanong pa nga kami kung may gusto kaming orderin at sabihan lang daw sya,si Johan naman ay umuungot ng Tequila dahil nasa right age nanaman daw sya,ang ending ay pinagbigyan sya nila Leon,wag lang daw magkakalat dahil nakakahiya,Hindi ko alam ang mga tawag sa pagkain dito kaya kung ano nalang ang inorder ni Blaise ay ginaya ko nalang din, Hindi naman ako maarte pagdating sa pagkain,Inaalok ako ng juice pero mas pinili ko nalang ang tubig,apat na baso nakakauhaw kasi.

May pumasok na babae galing sa entrance, halos lahat ng lalaki ay napalingon mapuwera sa mga kasama ko,sa pagkain lang sila nakatitig.

May namukhaan ako sa mga babaeng pumasok pero baka namalik mata lang ako,impossible namang-

"Johan,what brings you here?"halos mabuga ko ang pasta na kinakain ko ng makita si ate Hexia.

"Ate Hexia?!"

"Hermione?!"

"Shit"

Detective Kitten ( Under Revision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon