CHAPTER 1:The Venoms

180 7 2
                                    

Nagkukumpulan nanaman ang mga estudyante dito sa likod ng library,eh pano dumating na kasi ang package na galing sa Venoms.

Napailing nalang ako ng maalalang hindi ito tinututulan ng Crimson SC,dahil kung ako ang tatanungin,tinuturuan lang nito ng katamaran ang mga estudyante.

"Ang sama nanaman ng tingin mo dyan" siniko ako ni zeph kaya naalis ang tingin ko sa gilid at natuon sakanya.

"Eh kase naman,bat hinahayaan lang ng school natin yang Venoms nayan.Unfair sa mga estudyanteng nag-aaral maigi-"pinutol nya ang sinasabi ko at napatawa.

"Oo,unfair para sayo.Eh pano naman kaming hindi talaga pinagpala sa utak?Venoms lang yung naaasahan namin para pumasa kami Sadie"pagpapaliwanag nya, pero mali padin yon.Kung nakikinig sila sa mga teachers at hindi nags-skip ng klase edi sana napasa sila kahit walang venoms nayan.

"Wag moko tawaging sadie zeph,sabe ko sayo Hermione nalang eh"tawagin ka banaman sa first name mo?pft.Mapapa mura ka talaga.

"Okay-okay hermione,btw mauna nako ha? dipa kase kame tapos sa experiment sa chem lab byee!"naghiwalay na kami ng daan ni zeph pagkatapos nyang magpaalam.

Naglakad na muna ako papuntang Theatre dahil wala pa naman akong klase,sa ngayon doon lamang ang tahimik na lugar na pupwede kong puntahan dahil masyadong maingay ang library dahil sa package ng venoms.

Pagpasok ko sa theatre ay agad kong ibinaba sa upuan ang bag ko at huminga ng malalim,hayyy ang sarap ng tahimik na buhay.

Lumapit ako sa bag ko at kinuha ang inuminan ko,mahilig kase talaga ako tubig- i mean hindi natatapos ang isang araw ng hindi ko nakukumpleto ang 8 glasses of water,kung minsan nga ay sumusobra pa.

"What are you doing here?"halos mapabuga ako ng tubig ng sumulpot sa harapan ko ang isang lalaki na may hikaw sa kanang tenga,matangos ang ilong at singkitin ang mga mata nya'ang labi nya naman ay maituturing ng perpekto dahil manipis ito at mapupula.

"Hindi mo ba ako naririnig?"nanindig ang balahibo ko dahil sa lakas ng boses nya dahilan para mapaatras ako at mabitawan ang tubigan na hawak ko.

Pft wala nakong pera nabasag pa to?tae naman.

Agad akong yumuko at pinulot ang nabasag kong bote.

"Gago Van ano ginawa mo dyan?"hindi ko na nilingon ang lalaking nagsalita,ngunit kitang kita ko ang kulay itim nyang sapatos.

Nanginginig ang kamay kong pinupulot ang mga basag na piraso ng bote at tila gusto kong maiyak,hindi ko alam kung bakit pero dahil sa aura ng lalaking yon ay nanginginig ako.

"Let me help you"napatingin naman ako sa lalaking yumuko,akala ko ay sya yung nagsalita kanina ngunit iba,makapal ang kilay nya at mapupungay ang mga mata.
Perpekto.

Nginitian nya ako ngunit napaiwas ang tingin ko sakanya,pinagpatuloy ko ang pagdadampot ng piraso ng bote ng maramdaman kong may bumaon nito sa may palad ko.

"Hala gago!"napatingin ako sa kakarating palang na lalaki.Nang makita nya ang pagtulo ng dugo na nagmumula sa palad ko ay agad syang tumalikod at nagtakip ng mata.

Lumapit saakin yung lalaking tumulong saakin at tila namukaan ko sya,sya nga ba yung president ng school?si Leon!

"Wait here,kukunin ko lang yung first aid" agad syang naglakad papunta sa lagayan ng first aid kit,samantalang ako ay naiwang tulala at pinapanood ang palad kong inaagusan ng dugo.

"Ano bang ginawa mo sakanya van?"rinig kong tanong ng lalaking katabi nya.

"Nothing,i didnt do anything"nilapitan ako nung lalaking katabi nya,yung itim sapatos.

Detective Kitten ( Under Revision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon