CHAPTER 19:D-Drop

37 1 1
                                    

Kanina pa kami nagtititigan ni Ate Hexia, Hindi ko nilulubayan ang tingin nya at ganoon din sya saakin.

Dumating ang isa nyang kaibigan at mukhang nagpaalam na ito na aalis sya, kasama nito ang dalwang kaibigan nilang lalaki.

"I'll text you later Hex,"saad ng babae at bumeso pa kay ate Hexia.

"Yah,take care Denise"

Nakakapanibago dahil ngayon ko lamang sya nakitang ganito,Hindi naman sa ayaw ko ang estilo ng pananamit nya pero nakakapanibago lang,at ang mga babaeng kasama nya ay parang tambutso,kanina pa buga ng buga ng usok,galing sa vape.

Nasa Center Stage na ang mga kaibigan nya at sya naman ay nasa lamesa namin, Katabi nya si Johan,nasa harapan namin sila,si Blaise naman ang katabi ko,sa gilid ni Blaise ay si Van at ang sa gilid ko naman ay si Leon.

"Magpapatayan ba kayo sa tingin?"bulong saakin ni Blaise,Hindi ko nga din alam kung bakit nakiupo pa itong si Ate Hexia saamin.

"Sinaktan mo ba si Johan?Or baka ginayuma mo yan ha"tanong ko sakanya kaya narinig ko ang mahina nyang pagtawa.

"Bakit ko naman gagawin yon?"tanong nya at tinaasan pa ako ng kilay,napaka maldita.

"Gusto mo bang bilangin ko kung ilan ang mga manliligaw mo na napa hospi-" babatuhin na sana nya ako ng tinidor at sasakto na sana iyon sa mukha ko pero nasalo ko ito,anong akala nya saakin?

"Hindi na ako bata ate,"tumayo ako sa upuan at tumingin sakanya,bahagya akong ngumiti bago magsalita.

"Papahangin muna ko,Stay Strong ha?" saad ko bago umalis sa lamesa,kapag kasi nagtagal pa ako doon ay hindi nya ako titigilan sa pagtatanong at pang aasar.

Pagkalabas ko ay tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito,Si Hermes huh? Naubos na ba nya ang allowance nya kaya tunawag sya?

Pinindot ko ang Answer button at sinagot ang tawag nya.

"Ano nanamang problema?"tanong ko sakanya at inabangan ang sasabihin nya.

"Im having difficulties with my elephant experiment,Can you tell kuya Blaise na if pedeng mahiram ang sister nya,Is that Blacen?or Beyzen?Yah whatever,I need an assistant rightnow"rinig ko sa kabilang linya ang ibat ibang tunog,hindi ko mawari kung pagsabog ba yon galing sa ginawa nya or sa pinapanood nya,atsaka bakit si Blacen pa?Nako at wag nya sanang pagpraktisan si Blacen.

"Bakit si Blacen pa?"tanong ko sakanya.

"Wait what?Grabe ka naman ate,Wala akong gusto dyan,I just need an assistant-" natigil sya sa pagsasalita ng narinig nya ang pagtawa ko,napaka-defensive naman kasi,Ang sabi ko lang naman ay kung bakit si Blacen pa at kung ano ano na ang sinabi nya.

"Why are you laughing?"tanong nya.

"Dapat ba ay umiyak ako?Ang tinatanong ko lang naman ay kung bakit si Blacen pa, Kung ano ano kaagad ang sinabi mo, Napaghahalataan ka,"sagot ko sakanya.

"Im in hurry,dont make fun with me,Just tell Kuya Blaise that i need her sister ok?" aba at mukhang ako pa ang tinatarayan ng lalaking to,sya na nga lang ang naguutos sya pa ang galit.

"Eh bakit ba kasi hindi nalang ikaw ang tumawag?"pede namang sya nalang ang magtanong,Hindi ko alam kung bakit kailangang si Blaise pa ang pagsabihin.

"Handsome boys are not meant for asking girls to help them,Girls should volunteer!"

"Alam mo kung bakit hindi sila nagvo-volunteer na tulungan ka?"tanong ko sakanya.

"Why?"

"Hindi ka naman kasi gwapo-"

Detective Kitten ( Under Revision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon