CHAPTER 25:D-Two Heads

32 0 0
                                    

Nakasakay na kami sa van,Tinatanong ni Leon kung sa school daw ba ako dederrtso or sa bahay namin, sabi ko ay sa bahay nalang namin dahil walang kasama si Hermes,inalok ko sila na pumasok pero may pupuntahan pa daw sila kaya umalis din sila agad.

Binuksan ko ang gate at sobrang tahimik,mas kinakabahan ako kapag tahimik eh,Pagpasok ko sa bahay ay bumungad saakin si hermes na tahimik na nag e-experiment.

"Go beside the couch ate,"utos nya,magtatanong pa sana ako pero agad na nya akong nahila papunta doon,kasabay noon ang paglawa mg elephant toothpaste sa bahay namin.

"Argh!Kelan ko ba mapeperfect to?"saad nya at napailing.

"Nagkalat ka nanaman"binaba ko ang bag ko at ibinigay sakanya ang binili kong mga souvenir, napanganga pa nga sya na tila hindi nya inaasahan iyon.

"Omg?Is this for real?"napairap nalang ako,mukha bang joke?

"Ayaw mo ba?sige wag na"babawiin ko na sana pero mabilis syang tumakbo papuntang kwarto nya.

"This is mine."pagkapasok nya sa kwarto nya ay naalala ko ang nangyari noon,ito naba ang tamang oras para matanong ko iyon?

We was on our way to Supermarket,nagpadala pala si mama ng pera para may panghanda daw sa new year,kung tutuisin ay pede naman kaming mag order nalang pero dahil nga gusto ni mama na kami mismo ang magluto ay mamimili nalang kami ng mga gagamitin,si Hermes ang nagd-drive,wala naman syang takot kung sakaling may checkpoint dahil mukhang binata na naman daw sya kahit 15 pa lang sya.Sasakyan ni mama ang gamit namin,puro alikabok na nga kaya nagpacarwash muna kami bago pumunta ng market.

Pagkapunta namin sa market ay kumuha kami ng tag isang cart,sya daw ang mamimili ng gulay at ako naman daw sa baboy at manok.

Kumuha lang ako ng dalawang kilong manok na naka pack,dalawa lang naman kami ni Hermes at sayang lang kung hindi mauubos.

"Its been a while watergirl"napalingon ako sa gilid.

"Ryder?"napatawa sya bago tumango,hindi maikakailang kahawig nya din si Van,ang ganda ng lahi nila.

"Yah,Sinong kasama mo?"pagtatanong nya at tila sinisipat ang paligid para makita kung may kasama ba ako.

"Kapatid ko,nabili lang dyan sa kabila ng gulay"napatango sya bago hawakan ang cart ko.

"Ako na,"nakangit nyang sabi.

"Hindi ayos lang konti lang naman yan"

"No,its okay tsaka may bibilhin din ako tinatamad lang akong kumuha ng cart"mabuti nalang at di ako nag assume.

Kumuha nako ng isang kilong baboy na nakaslice pang porkchop,iihawin nalang namin mamaya, Kumuha din si Ryder pero dalawang kilo ang sakanya,marami pa syang kinuha pero tanda ko naman ang saakin kaya hindi kami magkakalituhan.

"Mag isa ka lang?"tanong ko sakanya.

Inilagay nya sa cart namin ang hawak ng sayote at kamatis bago marahang tinulak ang cart.

"Yah,kakatapos lang makipagbreak ng ex girlfriend ko"napatingin nalang ako sakanya,ang saklap naman non,new year na new year ay iniwan sya.

"Dont look at me like that,"tatawa tawa syang sabi kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Well,its just 3 months i didn't really get attached to her,since she really had a bad attitude"pagpapaliwanag nya.

"Pangit na pala ugali bat gi-nirlfriend mo pa?"

"I just wanna try if she will change if i came to her life,that was a mistake.Next time i wouldn't expect something from someone"tama naman ang sinabi nya,totoo din naman iyon.

Detective Kitten ( Under Revision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon