CHAPTER 3:Solve the puzzle

82 6 4
                                    

Ano raw? Napakamot na lang ako sa ulo ng mabasa iyon. Baka naman mali lang ng send sa akin ng package.

Pero hindi eh, name at addrress ko naman ang nakalagay. Kung pant-trip ito sino naman kaya ang baliw ang gagawa nito?

Kakaiba ang trip ng gumawa nito ha, bad trip.

Binalikan kong muli ang nakasulat.

Thanks for your trust PDBRQHBV+3
hope this will help.

Pinagmasdan kong muli ang mga letra, oh may pa clue clue pa sila ha? Eh obvious naman na Caesar Cipher ito.

Kumuha ako ng papel at doon in-encrypt yung mga letters, napakunot na lang ang noo ko nang makitang Mayoneys ang nakasulat.

Siraulo ba ito? Sino lang ba ang baliw na tumatawag sa akin noon?

Napalingon ako sa may kama ko ng mag ring ang cellphone ko, kinuha ko iyon at sinagot ang tawag. Si zeph.

"Oh?"

"Sadie, pupunta dyan si Blaise"

"Huh? Bakit?"

"Gumawa kasi ako ng report kagabi hindi ko nabigay sakanya, paki abot na lang. Yung envelope na nasa sidetable ko, thanks!"

"Sige"

Pagkababa nya ng tawag ay ibinaba ko na rin ang cellphone ko. Pumunta ako sa may sidetable nya at kinuha ang envelope na nandoon.

Ewan ko kung bakit parang gusto kong makita kung anong nasa loob nito, alam ko namang mali ang mangialam ng hindi sayo pero nac-curious talaga ako kaya naman binuksan ko ito at kinuha ang mga papel na nasa loob.

Mr.Auditor Lourence Lozada and
his Excellency in terms of Basketball.

Hmm, ngayon ko lang nakita ito ah? Ganoon na ba talaga ako kawalang pakialam sa school na ito at hindi ko na kilala ang mga officer?

Grabe, sobrang boring ko na sigurong tao.

Sabagay, wala din naman akong interes pagdating sa ganito.

Napagawi ang tingin ko sa pinto ng marinig ang pagkatok dito, baka si Blaise na to.

Agad kong binitbit ang folder at nagpunta sa may pinto. Pagkabukas ko nito ay si Blaise nga. Naka kulay asul syang polo at mukhang kakaligo lang.

Bigla ko tuloy naalala, wala pakong hilamos or toothbrush baka nga may muta pa ako eh.

"Oh, ayan pinapabigay ni Zeph" inabot ko agad sa kanya ang folder at napataas naman ang kilay nya.

"Ang aga aga ang sungit sungit mo?" hindi naman ako masungit eh! Hindi pa lang ako nakaka tootbrush nakakahiya.

"May gagawin pa ako" sagot ko at nag iwas ng tingin.

"Ako rin, same vibes" same vibes daw?Aba e baliw pala talaga ito.

Isasarado ko na sana ang pinto pero nag salita ulit sya.

"Hindi mo ba ko papapasukin?" agad ko syang hinarap at tinaasan ng kilay.

"Wala naman dito si Zeph at hindi naman tayo magkaibigan"

Detective Kitten ( Under Revision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon