"Isang lalaking nag alyas kitten na naman ang tumulong sa pagresulba ng kaso, hindi nasabi kung ano ang totoo nyang pangalan dahil mabilis din syang umalis, kung sino ka man kitten, maraming salamat" yan ang laman ng halos lahat ng balita ngayon.
Habang ang Detective na kinikilala nila at hinahangaan ay nandito sa sofa ng student council room at kumakain ng popcorn.
"Sikat ka na naman KITTEN"diniin na saad ni Blaise habang nilalaro ang lollipop sa bibig.
"Buti na lang talaga at nakakaalis ka agad bago ka pagkaguluhan ng media, Leon" saad ko habang inaayos ang folders na pipirmahan nila mamaya.
"Mayo, wala kang dapat ipag alala dyan kay leon, eh mas matindi pa yan sa ninja sa pagtakas" pabirong sabi ni Johan at ipinagpatuloy ang pagsusulat sa whiteboard.
"Btw, may balita naba kayo sa nawawalang pondo dito sa school? like tayong mga student council member lang ang pupwedeng kumuha non" pag oopen ng topic ni Giovanni.
Natahimik kami ng ilang segundo at nagkaiwasan ng tingin, alam na namin kung sino ang kumukuha ng pondo maliban kay Giovanni, hindi namin magawang sabihin dahil ayaw namin syang masaktan at mapahamak.
"Your silence means meron na kayong alam, why dont you tell me? iba ba ako sainyo?" pagtatanong nya.
"Van kase-"pinutol ni Van ang sasabihin ni Blaise at nagtaas ito ng kamay.
"Hep, if you're not going to tell me the truth Blaise, its better na manahimik ka na lang" nagkatinginan kami atsaka tumango.
"Van" tumingin sya kay Leon at nagtaas ng kilay.
"What mister president? may alam ka din ba dito?" napabuntong hininga sya at humarap saamin.
"Nakakasama kayo ng loob, kaibigan ko kayo pero pinagsisikretuhan nyo ko" sa puntong yon ay nangilid ang luha ko, hindi ko alam kung maiiyak ako sa sitwasyon namin na hindi masabi sakanya kung ano ang nangyayari o dahil mas masasaktan ako dahil ako ang naunang nakaalam pero pinili kong manahimik.
"Hermione, you know something right?" napalunok ako ng tawagin nya ako.
Im sorry Van, im really sorry.
"Mayoneys, your nose i-is bleeding!" napahawak ako sa ilong ko at tuluyang nanginig ng makitang may dugo nga.
Unti unti akong nanginig at bumilis ang tibok ng puso ng makita ko ang dugo,im hematophobia.
"Hey! hey! keep calm-"
Nagising na lamang ako ng makita ang puting ilaw na nasa kisame, inikot ko ang paningin ko at natagpuan ang apat na lalaking nakasandal sa sofa, nasa clinic na ako.
"Mayo! Thank God at gising ka na!" mabilis na tumakbo si Blaise papunta saakin.
"Hermione-"
"Van, dont call me in my full name" inis kong sabi kaya napatawa sya.
"Why? you have a wonderful name. What do you want me to call you? Mayo? ano ka palaman?" napairap nalang ako ng sabihin nya iyon.
Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard ng kama, mukhang walang nurse?
"Kakalabas lang ng nurse, may urgent meeting ang mga stuff ng Crimson High" saad ni Leon at umupo sa may gilid ng kama.
"Tell me, Mayo, may sakit ka ba?" agad kaming nagkatinginan ni Blaise ng tanungin iyon ni Leon, pinandilatan ko sya ng mata ngunit may balak talaga syang magsumbong.
"Nako! Mister President! alam mo ba-" tatakpan ko sana ang bibig nya ngunit mas mabilis syang nakaiwas at tumakbo sa side ni Leon.
"Tignan mo si Mayo oh, pinipigilan akong magsumbong!" saad nya at kumapit pa sa balikat ni Leon.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Johan at kinunutan ako ng noo.
Napapikit nalang ako ng marinig ko ng nagsasalita si Blaise, kahit kailan talaga napaka traydor nito.
"Kase sinundan ka kanina ni Mayo nung ano nung may tinulungan ka, eh diba pagka init init non? eh ayan nagtatatakbo nung nakitang pabalik ka na. Muntikan pa nga yang mahimatay kung hindi lang ako dumating" pagmamayabang nyang kwento.
"Bat naman sinundan mo si Leon?" napalingon ako kay Van ng magtanong sya.
"H-hindi ko naman sinasadyang sundan sya, nakita ko lang sya na ano-"
"Na ano?" panunukso ni Johan at ngumiti ng nakakaloko.
"Kase hinahanap sya ni Lara kanina!" sigaw ko sa kanila kaya napatahimik sya, sorry Lara huhu wala na akong maisip na dahilan eh.
"Why?" kalmadong tanong ni leon.
"Ewan ko, ako ba si Lara?" pagtataray ko at bumaling ng tingin kay Blaise. Humanda ka talaga sa aking lalaki ka.
Napalingon kaming lahat ng bumukas ang pinto at iniluwal nito ang naghihikahos na nurse.
"L-lumabas na kayo! may bomba daw dito sa school!" pagkasabi nya noon ay mabilis din syang lumabas at tumakbo.
"Another Bomb threat huh?"natatawang sabi ni Johan.
"Pang walong bomb threat na to ngayong taon,tapos wala pang sumasabog?" napatingin naman ako kay Blaise at agad syang nagsalita.
"No!-i mean bakit lagi silang nagbobomb threat dito sa school!" pagpapaliwanag nya.
Napatingin naman ako kay leon at van na seryosong nagiisip.
"Maybe-"
"Oh no! baka kaya tayo laging nawawalan ng pondo ay dahil sa bomb threat! Eto yung way nila para mapasok ang SC office!" pag papaliwanag ko.
"Pero tayo lang ang may access na makapasok don, ang mga SC members" sagot ni leon.
"So it means isa nga sa mga officer ang nagpaplano nito at sila din ang nangunguha ng pondo" nagkatinginan kami nila leon at napaiwas ng tingin.
Yeah, isa sa mga officer at kilalang kilala mo yon Van.
Napahawak ako sa braso ni Blaise ng marinig ang napakalakas na pagsabog.
"Gago ka Blaise! hinihiling mo pa kase na may sumabog eh! ikaw pasabugin ko dyan!" sigaw ni Johan at lumapit sa tabi ko.
"Lets go to SC office" wala na kaming nagawa kundi ang sumunod kay van.
Maraming estudyante ang nagtatakbuhan palabas ng school samantalang kami ay papunta sa SC office.
Pagkarating namin doon ay bukas ang pintuan, kitang kita ko kung pano bumagsak sa sahig ang isang lalaki habang nakakuyom ang kamao ni Van.
Nalaman na nya.
BINABASA MO ANG
Detective Kitten ( Under Revision )
Mystery / ThrillerSadie Hermione Javier is a simple girl who's studying in Crimson High. Sadyang tahimik talaga ang kanyang pag aaral ngunit aksidente nyang nakabanggan ang kilalang squad sa kanilang Campus. Hindi dahil badboy ang mga ito o gangster ngunit may nalama...