CHAPTER 17:D-Day

46 2 5
                                    

Kasalukuyan kaming nagaayos ng gamit dahil ano mang oras ngayon ay darating na ang sasakyan ni Mr.Carisen,Isang maleta at backpack lamang ang dala ko dahil ang sabi ni Leon ay baka tatlong araw lamang kami doon.Samantalang si Blaise at Johan ay halos magpadamihan ng bitbit na gamit,
tag-dalawang maleta ang dala nila at shoulder bag at backpack,baka daw kasi i extend ni Mr.Carisen ang pag stay namin doon kaya mabuti na daw ang ready sila.

Binusinahan kami ng kulay itim na van at mukhang iyon na nga ang sasakyan namin
nagmadali agad maglagay ng gamit sila Blaise at kinuha pa ang saakin,Nasa likod ang mga maleta namin at bagpack lamang ang dinala ko sa loob,nandito kasi ang ilang gamit ko,pati libro.Suot ko din ang relo at kwintas na ibinigay nila Leon at Van,dala ko din ang librong ibinigay ni Johan at ang parrot ay iniwan ko muna kay Hermes,wala naman daw syang balak magliwaliw,baka daw di na sya umalis sa dorm nya dahil sa dami ng inaasikaso nya, bayaran ko nga daw ang renta ng parrot ko sa dorm nya,parang hindi kapatid.

Pumwesto ako sa may gilid ng bintana at tumabi naman si Blaise at sa gilid nya ay si Johan,ang dalawa naman ay nasa harapan namin,parehas nakasuot ng Headphones.
Mabilis lang naman ang biyahe,kaya nga lang ay hindi ko alam kung saan kami papunta,Bimil Island lamang ang nabanggit saamin ni Leon,hindi ko alam kung sasakay ba kami ng barko o eroplano or baka train?

Nakatingin lamang ako sa labas ng alukin ako ni Blaise ng Gatorade,mukha namang hindi pa naiinuman dahil naka sealed pa, inabutin din ako ni Johan ng Seafood Curls, palagi kong napapansin na kumakain sya nito,maanghang kasi at baka paborito niya.

Nilabas ko ang libro na ibinigay saakin ni Johan at sinimulang magbasa,sa tingin ko naman ay matagal pa ang biyahe at baka mainip lang ako.

***

Napamulat na lamang ako ng yugyugin ni Johan ang balikat ko,nakarating na pala kami.Agad akong bumaba at kinuha ang maleta ko,sasakay pa daw kami sa Yate para makapunta doon sa isla,nagmamaktol pa nga si Johan dahil baka daw may tumalon na mga pirana at makain kami.

"Kapag ako nakain ng pirana hindi ko kayo patutulugin sa gabi!"inis nyang saad bago humakbang papuntang yate.

"Ano banaman yan Johan,sa dinami dami ng pede mong isipin pirana pa?Ewan ko nalang kung bakit ka nakapasa"pagsunod naman ni Blaise.

Sumunod namang humakbang si Van at Leon,kanina pa sila tahimik.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko,sanay naman ako na ganyan sila pero iba ang pagkatahimik nila ngayon.

Inalalayan pa ako ni Blaise na umakyat at ipinasok sa loob ang mga maleta ko,11 na at aabutin daw ng 4-5 hours ang biyahe papuntang isla,kagabi pa daw nandoon si Mr.Carisen at kami na lamang daw ang iniintay,sa tingin ko ay baka hapunin na kami ng dating doon.

Lumapit ako sa may railings at tinignan ang alon sa dagat,sobrang bilis nito. Napansin ko na may tumunog sa may likod kaya naman sumilip ako doon,laking gulat ko ng makitang nakahawak si Blaise sa lubid na nakatali sa railings ng yate habang nakasakay sa surfboard,kumaway pa sya saakin,ako ang kinakabahan para sakanya.

"Picturan moko Hermione!"sigaw nya kaya dali dali kong inilabas ang cp ko para picturan sya,baka kasi bigla syang mahulog at sayang naman.

Naka ilang take ako ng pictures bago marinig na magmura si Johan,nakatakip pa ang kamay nya sa bibig na tila gulat na gulat kay Blaise.

"Ano Johan?!Wala ka pala eh!"sigaw ni blaise at tumawa tawa pa,si Johan naman ay may itinuturo sa likod ni Blaise,maging ang atensyon ni Leon at Van ay nakuha nya.

Detective Kitten ( Under Revision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon