CHAPTER 33:DK-Finale

40 1 0
                                    

Maayos na ang plano,kung maisasagawa namin ito ng tama ay ito na ang katapusan ang kasong ito at maililigtas namin ang ibang mga tao,at matitigil na ang kabaliwan ng KudOrg.

Kanina ay tinanong pa ulit ako ni Johan kung sigurado na daw ba ako sa desisyon ko,hindi ko naman sila mapipigilan mag alala dahil baka may trauma na talaga sila,ang kaya ko lang siguraduhin sa ngayon ay gawin ng tama ang dapat kong gawin.

Right now,i was heading to their Hideout. Nakasunod ako kay Yuri habang dala nya ang mga pekeng pera,pagkatanggap daw kasi ng pera ni Kier ay dadalhin nya ito kay Lincoln at magkakaron kami ng time para mailigtas sila Ryder at iba pang na hostage or kidnapp.

"Pag napalabas mo na sila Hermione pede ka ng umalis,nasa may private clinic na ang team nila Tito Jordan kung saan naka preserve ang katawan nila Lady K at Lady Alliley"sabi ni Johan,gusto kong iyon ang gawin pero may nagsasabi sa loob ko na kailangan kong makita si Lincoln.

Gusto kong malaman kung sino si Heimax,ilang beses ko ng nababasa ang mga file tungkol sakanya.Palaging kulang ang apelyido nya,paano kung sya pala ang ama ko?Hindi naman impossible iyon hangga't hindi ko sya natatanong.Sa sitwasyong ito ay ako ang desperado.

Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad,pasensya na kung hindi ako susunod sa napagkasunduan.

Hinintay ko munang makapasok si Yuri sa loob, maraming gwardya din ang nagbabantay na tila may prescon ang presidente sa loob,mabuti nalang at may nakapark na sasakyan sa harapan ng manhole kaya hindi ako mahihirapan.

"Na i-stop na namin ang pagpasok ng mga pera sa account nila"rinig kong sabi ni Blaise,its good.Unti unti na naming naisasagawa ang plano.

"Ate?"napalunok ako ng marinig ang boses ni Hermes.

"Ate ingat..."hindi ko alam pero ramdam ko ang lungkot at kaba sa boses nya,sasagot na sana ako pero nagsalita ulit sya.

"Medyo tanga ka panaman"ewan ko ba sa lalaking to,ma t-touch na sana ako sa sinabi nya pero wag nalang pala.

"He's going out"pabulong na sabi ni Yuri,medyo nagpuputol putol nadin ang linya sa earpiece ko siguro ay dahil masyadong malalim na itong manhole,pumasok na kasi ako at mabuti nalang may flashlight ako.

Nasusuka ako sa amoy,hindi sya amoy basura kundi amoy ng dugo ng tao.Hindi ako tumitingin sa baba dahil baka mahimatay ako,mabuti at nakabisado ko ang blueprint at alam ko na agad kung saan ako aakyat.Si Nurse Frances ang nagbigay ng blueprint saakin,ito na daw siguro ang huling tulong na maibibigay nya.

"Umalis na sya Hermione,wala ng nagbabantay sa loob dahil inaya ko silang kumain"pagkasabi noon ni Yuri ay agad akong umakyat papataas,nandito ata ako sa parang kusina nila,dahan dahan kong sinilip ang labas bago binuksan ang pinto,namumutla na sila Ryder sa loob ng kulungan!Para silang aso na kinulong!Nagmamadali kong kinuha ang alambre sa bulsa ko at binuksan ang padlock,hindi ako mag aabala na hanapin ang susi dito dahil kaya ko naman buksan ito ng wala iyon.

"Hermione.."sinenyasan ko si Ryder at ang iba pang mga estudyante sa loob na huwag maingay,bakas sa mga itsura nila ang panghihina.

Nang mapakawalan ko na silang lahat ay sinenyasan ko silang dumaan sa may kisame,tinulungan ko sila isa isa pataas.Base kasi sa blueprint ay may daan dito,pag sa manhole kasi kami dumaan ay mahahalata masyado at may nagiintay na helicopter naman sa itaas,si Van ang nag o-operate.

Detective Kitten ( Under Revision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon