CHAPTER 31:K-Doubt

28 0 0
                                    

Tapos na kaming mamili ng grocery at napagdesisyunan naming sa may Student Council nalang muna tumambay,well mag aanalyze ulit kami ng mga files.

Kakarating lang ni Leon at pawis na pawis sya,nagkatinginan kami ni Blaise pero agad akong umiwas,inaasar nya kasi ako bakit ko daw sinusundan si Leon,eh nag kataon lang naman.

Nanonood ng TV sila Johan ng magkaroon ng Breaking News,pati kami ay napatingin doon.

"Isang lalaking nag alyas kitten nanaman ang tumulong sa pagresulba ng kaso,hindi nasabi kung ano ang totoo nyang pangalan dahil mabilis din syang umalis,kung sino ka man kitten,maraming salamat"yan ang laman ng halos lahat ng balita ngayon.

Nagscroll kasi ako sa Facebook at yan ang nakita ko,ipinakita din ni Blaise ang Twitter nya at ganoon din.

Habang ang Detective na kinikilala nila at hinahangaan ay nandito sa sofa ng student council room at kumakain ng popcorn.

"Sikat ka nanaman KITTEN"diniin na saad ni Blaise habang nilalaro ang lollipop sa bibig.

Ewan ko ba sa lalaking to kung nang aasar lang,pedeng ako ang inaasar nya or si Leon.

"Buti nalang talaga at nakakaalis ka agad bago ka pagkaguluhan ng media,Leon" saad ko habang inaayos ang folders na pipirmahan nila mamaya.

May mga proposal kasi ang ibang members ng student Council para sa padating na Acquaintance Party.

"Mayo,wala kang dapat ipag alala dyan kay leon,eh mas matindi pa yan sa ninja sa pagtakas"pabirong sabi ni Johan at ipinagpatuloy ang pagsusulat sa whiteboard.

Anong trip nito?Tinatamad ba syang sabihin ang buo kong pangalan kaya Mayo nalang ang itinawag nya?Matagal tagal na rin kasi nung huli nya akong tawagin ng ganyan.

"Btw,may balita naba kayo sa nawawalang pondo dito sa school?like tayong mga student council member lang ang pupwedeng kumuha non"pag oopen ng topic ni Van.

Natahimik kami ng ilang segundo at nagkaiwasan ng tingin,alam na namin kung sino ang kumukuha ng pondo maliban kay Van,hindi namin magawang sabihin dahil ayaw namin syang masaktan at mapahamak.

"Your silence means meron na kayong alam,why dont you tell me?iba ba ako sainyo?"pagtatanong nya.

Halos lahat kami ay nagulat nang tanungin nya iyan,what's with him?Nakainom ba sya?Hindi naman sya ganyan.

"Van kase-"pinutol ni Giovanni ang sasabihin ni blaise at nagtaas ito ng kamay.

"Hep,if you're not going to tell me the truth Blaise,its better na manahimik ka nalang."nagkatinginan kami atsaka tumango.

Mukhang nakainom nga sya ng alak,iba kasi ang timpla nya ngayon or baka may hang over pa sya?

"Van,"tumingin sya kay Leon at nagtaas ng kilay.

"What mister president?may alam ka din ba dito?"napabuntong hininga sya at humarap saamin.

"Nakakasama kayo ng loob,kaibigan ko kayo pero pinagsisikretuhan nyo ko"sa puntong yon ay nangilid ang luha ko,hindi ko alam kung maiiyak ako sa sitwasyon namin na hindi masabi sakanya kung ano ang nangyayari o dahil mas masasaktan ako dahil ako ang naunang nakaalam pero pinili kong manahimik.

Pero para saamin naman ang ginawa ko, kahit naman mali iyon ay ito ang mas makabubuti,ngayon pa n malapit na kaming matapos sa kasong ito.

"Hermione,you know something right?"napalunok ako ng tawagin nya ako.

He's drunk,we should adjust.

Im sorry Van,im really sorry.

"Mayoneys!your nose i-is bleeding!"napahawak ako sa ilong ko at tuluyang nanginig ng makitang may dugo nga.

Detective Kitten ( Under Revision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon