CHAPTER 2:The Package

114 5 0
                                    

Natapos ang maghapon at lutang lang ako sa bawat klase. Iniisip ang sinabi nung Van na yon, what if umorder nga kaya ako at tignan kung anong meron sa mga package nila?

Dumaan muna ako sa cafeteria bago umuwi ng Dorae, sa dorm namin ni Zeph.

Hindi na kasi ako nalabas pa ng dorm pagkauwi, hindi katulad ni Zeph na may iba pang kaibigan na sinasamahan. Hindi naman sa nag-iinarte ako na ayaw kong makipagkaibigan, ayaw ko lang ma plastik, nakakadala kasi.

Kulay krema ang pintura ng 12 storey dorm, lahat ng nandito ay puro Grade 11 students. Maraming dorm dito sa school katulad ng Shizu, Nobi at Zunei pero syempre iba iba ang nandoon dahil per year level ang basehan.

Halata naman siguro kung saan inspired ang mga dorm dito sa CH.

Pagkapasok ko sa entrance ng dorm ay nagsulat na ako ng time in ko at lumiko sa may fire exit, ayoko kasi sa elevator sumakay, feeling ko nas-sofucate ako kaya kada araw hinahagdan ko na lang yung papunta sa dorm ko, sa 3rd floor lang naman.

Pagkarating ko doon ay as usual, nakalapag na ang gamit ni Zeph, panigurado ay nasa canteen na iyon at doon na mag dinner.

Kung minsan nga ay sa bintana sya nadaan dahil nasasaraduhan na sya ng houseparent namin.

Inilapag ko muna sa lamesa ang binili kong pagkain at nagpalit ng damit, naglinis na rin muna ako ng katawan dahil nag p.e kami kanina.

Naalala ko na naman ang apat na lalaking iyon, panira ng araw mga walang magawang matino! Sa dami ba naman ng pwede nilang mabulabog ay ako pa?! At sobrang tindi lang talaga dahil hindi lang sila dalawa, aba at apat pa?!

Pagkalabas ko sa banyo ay inilabas ko ang History at Science notebook ko. Mas maganda magreview kaysa mag scroll sa Social Media. Kahit naman sabado bukas ay nakasanayan ko ng mag aral gabi gabi.

Inihanda ko na rin ang pagkain ko at inilabas iyon sa may balkonahe, maganda ang view ngayon doon eh kaya doon na lang ako.

Pagkalabas ko sa pagkain ko ay kinuha ko na ang notebook at cellphone ko, huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang kalangitan, napakaganda at payapa.

Nagsimula na akong kumain gayon din ang pagbabasa, madali lang naman ang subject namin kanina. Pre-Historic Era yun nga lang ay tinutulugan lang ng iba kong kaklase, palibhasa ay hindi na-aappreciate ang History.

Napatigil ako sa pagbabasa ng bumukas ang pintuan mula sa loob. Ibinaba ko ang tasa sa lamesa sa may balkonahe at pumasok sa loob. Pagkakita ko ay si Zeph lang pala at kasama nya si Blaise? teka sya yung isa sa apat don kanina ah? Anong ginagawa nya dito?

"Oh nandito ka na pala Hermione, uhm ito nga pala si Blaise sya yung Editor in Chief ng school, and Blaise, ito nga pala si--" pinutol ni Blaise ang sasabihin ni Zeph kaya napataas ang kilay ko.

"I know her, she's Mayoneys" nakita kong napatawa si Zeph sa sinabi ni Blaise kaya pinandilatan ko ito at agad din naman syang tumigil.

Masaya kayo nyan, masaya?

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko.

"Ah may kukuhanin syang reports isasama sa newspaper ng Crimson High" oo nga pala, nag j-journalism nga pala si Zeph kaya may mga nakukuha syang reports.

"Ahh okay" pabalik na sana ako sa balkonahe ng hawakan ako ni Zeph sa braso.

"Hmm?"

"Naiwan ko pala sa library yung mga reports, uhm pwede ba na samahan mo muna si Blaise dito?" tanong nya at ngumiti.

Jusko naman?

"Pwede mo naman syang isama diba?" tanong ko, pede nya naman talaga isama si Blaise bakit kailangan ko pang samahan?

Detective Kitten ( Under Revision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon