DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.Credits to the owner of the photo that I used for the book cover.
I'm sorry, but please bear in mind that there are typos and grammatical errors in this story.
All rights reserved. No part of this may be reproduced, distributed, transmitted or published in any forms or by any means without prior permission from the author. Please, obtain permission.
***
"Ronnalynne, nasan na 'yong painting mo?"
Tanong sa'kin ng pinsan kong si Leah. Nakabihis na rin siya katulad ko at papunta na kaming university para sa Art Gallery. May gaganaping event sa school namin at isa ako sa mga napiling estudyante para ipakita sa lahat ang talento ko.
Ang talento ko sa pagpipinta.
"Nasa school na. Nakapaskil na siguro 'yon sa dingding," sagot ko. Nung isang araw ko pa natapos ang painting pero kahapon lang kinuha ng school.
"Oh, bakit parang malungkot ka? Dapat masaya ka kasi matutulungan ka nitong lumaki ang business mo sa pagpipinta. Malay mo madiscover ka pa, 'di ba." Parang bigla siyang na-excite.
"Masaya naman ako, ah." Sabi ko agad. Pakiramdam ko nga lang ay may kulang.
Para bang may dapat akong gawin.
Para bang may dapat akong aminin.
"Alam mo, mabuti pa 'yong mga painting mo hindi sinungaling. Pero ikaw, magaling magsinungaling." Dismayado niyang sabi.
Tama ka naman ruon. Sinungaling nga ako.
I sighed. "Masaya ako, okay." Ngumiti ako sa kaniya para hindi na magtanong pa. "Tara na nga!"
"Sabi mo, eh." She shrugged. Kinuha ko na lang din ang sling bag ko pero bigla akong napatigil ng makita ang isa sa mga painting na ginawa ko.
Kumusta na kaya siya?
Kumusta na kaya siya ng wala ako?
Marahan akong lumapit sa painting habang nakatitig sa mukha ng nasa painting ng bigla akong napa-isip. Baka ngayon na ang tamang panahon para sabihin sa kaniya ang lahat. Alam kong matagal na kaming tapos pero ngayon ko gusto niyang malaman. Ngayon ako may lakas ng loob. Para matapos na talaga ang lahat ng 'to.
Kinuha ko ang painting at inilagay ito sa malinis na tote bag.
Ibibigay ko 'to sa kaniya, hindi parang isang alaala, kung hindi isang ebidensya para sa nararamdaman ko. At para sa lahat ng mga pinagsamahan at pinagdaanan naming dalawa.
Panahon ng malaman niya ang totoong nararamdaman ko. Ang katotohanang matagal kong itinago sa likod ng mga ipininta ko.
YOU ARE READING
Her Most Painful Painting
RomanceWith an exceptional talent in making paintings, Ronnalynne Servantes from Xavier University is taking a Marketing course. She is also an artisan to support her study, she paints and sell. As this little business of hers starts to grow, she was able...