CHAPTER 6

46 3 0
                                    


"Sa wakas at natapos na rin ang pahirap sa mga buhay natin."


Huminga ng pagkalalim-lamim si Yna na akala mo ay isang linggo siyang hindi nakahinga dahil sa exams namin. Pakiramdam ko nga rin ay ubos na ubos ang laman ng utak ko, eh. Pagod na pagod nga ako.


"Uuwi na 'ko agad. Gusto ko munang matulog," sabi niya sa napapagod na boses.


"Really? Bago yata 'yan?" Halos matawa ako sa kaniya.


"Gusto ko lang din talaga matulog. Bakit ikaw ayaw mo bang matulog?" Tumaas ang kilay niya.


"Syempre gusto rin. Sino ba namang ayaw matulog?"


"Wala at wala na rin akong oras para makipagdaldalan pa sa'yo dahil uuwi na 'ko at matutulog. Good bye, everyone!" Mabilis at malakas niyang sabi bago lumabas ng room.


Gustong-gusto na nga niyang matulog. Kung sabagay ilang araw din kaming puyat kaya deserve naming matulog na parang mga koala. Lumabas na rin ako ng university at naghintay ng jeep ng biglang may tumawag sa pangalan ko.


"Ronnalynne." Lumingon ako rito at nakita sila Keith at Ethan. Anong ginagawa nila rito?


"Hi," bati ko nang makalapit sila sa'kin. It appears that Keith is glad after seeing me.


"How are you? How's your exam?" Tanong niya agad.


"It went good," ngumiti ako. Nakakatuwa lang na kinukumusta niya ang tungkol duon pero parang wala na 'yun sa'kin.


"That's really good to hear. Sigurado akong uno lahat 'yan," ngumisi siya. Paano naman siya nakakasigurado?


"Hindi naman siguro pero sana nga." Tumawa akong bahagya.


"So you have nothing to do today, Ronnalynne?" Sabat ni Ethan sa usapan kaya napatingin ako sa kaniya.


"Uh, tapos na ang exam kaya wala na. Why?" Tanong ko naman.


"Imbitahan sana kita ngayon. Today is my birthday," balita ni Ethan at medyo nagulat pa nga ako.


"Talaga ba? Happy birthday kung gano'n." Sana na-abisuhan man lang niya ng 'ko ng mas maaga para nakapaghanda ako ng regalo para sa kaniya. We're kinda friends and he's my regular customer.


"Salamat pero hindi sapat para sa'kin ang 'happy birthday' lang. Dapat pumunta ka mamaya." Pag-iimbinta niyang muli.


"You're really inviting me?" I raised a brow.


"Of course. Dahil kaya sa'yo at sa painting mo ay sinagot ako ng girlfriend ko ngayon," humalakhak siya. Ang tagal na n'yon pero naaalala pa niya.


"Hindi naman 'yun gano'n pero sige pupunta ako. Where at what time?"


Her Most Painful PaintingWhere stories live. Discover now