"Mga alak na alak kayong lahat, ah!"
Sabi ni Hazel pero tumayo rin naman siya mula sa couch upang salubingin ang mga guys. Sumunod na rin sila Sandra para salubingin ang boyfriend niya habang ako naman ay nanatiling naka-upo lang sa may couch, pinapanuod lang silang mag-usap-usap.
"Syempre! Hindi kasi tayo pwedeng uminom bukas dahil uuwi na tayo kaya ngayon tayo magwawalwalan," sagot ni Ethan. May punto naman siya.
"Anong drinks ba ang meron dito?" Sabay punta ni Rix sa mini bar ng room namin. Dumating na pala siya. Sumunod lang si Herald sa kaniya, medyo nagtataka lang ako sa kaniya dahil sa tuwing magkasama kami ay parang ang tahimik niya. Hindi naman siya ganyan nung birthday ni Ethan, eh.
"May champagne, wine, tequila at margarita," sagot ni Hazel. Parang pamilyar sa'kin ang mga drinks na 'yun, ah.
"Meron ding mojito with lime, sweet mimosa at piñacolada," dagdag pa ni Aira. Natawa na lang ako kasi kinuha nila 'yun sa isang Korean song.
"Maglokohan na lang tayo rito at huwag ng uminom." Bwiset na sabi ni Rix pero kumuha rin naman siya ng isang bote ng beer.
"No way! Tapos na 'ko rito sa balota natin, oh, look." Pinakita sa'min ni Aira ang hawak-hawak niyang box at inalog-alog ito. Anong laman n'yon? 'Yan ba 'yong pinagkakaabalahan niya kanina?
"Anong meron d'yan?" Tanong ni Sandra, naka-akbay sa kaniya si Keith. Naglakad na silang lahat papuntang mini bar kaya naman pinatay ko na ang television bago sumunod sa kanila.
"Questions. Sawa na 'ko sa usual inuman session na ginagawa natin, so I thought about this to make our inuman to wild and steamy," excited na sagot ni Aira. Medyo interesting 'yong ideya niya, pero anong klaseng tanong? Gaano ka-wild?
"What kind of questions?" Ethan asked. Wala rin pala siyang ideya sa ginawa ng girlfriend niya.
"May normal questions pero mas marami pa rin ang wild questions sa loob nito." Aira answered, so it's a matter of luck.
"Bawal ang inosente rito, gano'n ba?" Hazel asked. Hinahanda na niya ang mga drinks katulong sina Keith at Herald.
"Definitely because we have so many secrets to reveal," Aira smirked before sitting in one of the stool chair. Umupo na rin kaming lahat. Ready na para sa inuman.
Bago 'to para sa'kin. Ngayon lang ako sasabak sa ganito. Hindi ko alam kung may isasagot ba 'ko sa mabubunot kong tanong pero ayoko naman maging killjoy at umayaw rito. Kailangan kong i-in ang sarili ko rito. Aasa na lang ako sa swerte na sana normal question ang mabunot ko.
"Everyone's in?" Aira raised a brow and we all just nodded. Wala ng atrasan 'to.
"Good. Let's our secret be out in the open. Starting with you Rix." Inabot ni Aira sa kaniya ang balota.
YOU ARE READING
Her Most Painful Painting
RomanceWith an exceptional talent in making paintings, Ronnalynne Servantes from Xavier University is taking a Marketing course. She is also an artisan to support her study, she paints and sell. As this little business of hers starts to grow, she was able...