"Hindi talaga ako magdadalawang isip na sipain ka palabas ng kotse ko kapag sumuka ka rito."
Bad trip na sabi ni Ethan sa may driver's seat habang tumatawa lang si Aira sa may shotgun seat habang pinapanuod ako kung paano alalayan si Keith sa likod ng kotse. Baka kasi bigla siyang sumuka, eh. Malagot pa siya sa kaibigan niya.
Ganito pala siya malasing. Nakakagulat lang.
"Isang malakas na sampal lang d'yan kay Keith biglang sober 'yan." Umiling-iling lang si Keith sa sinabi ni Aira. Baka naman mas lalo siyang mahilo sa ginagawa niya, eh.
"Hindi naman ako lasing na lasing. I can still manage," lasing niyang sabi na mas nagpatawa sa magjowa.
Inaayos ko ngayon ang posisyon ng ulo ni Keith. "Malapit na tayo sa condo mo. Kaunting tiis na lang sa byahe, okay."
Tumango siya. "Thank you, Ronnalynne. Sorry kung nakikita mo 'kong ganito. Mukha siguro akong tanga ngayon." Kung tanga ka, anong tawag mo sa'kin?
"No, not at all." Maliit ko siyang nginitian. "Matulog ka na lang din muna kaya." Baka sakaling gumaan pa ang bigat ng ulo niya.
"If you say so," sabay pikit ni Keith sa kaniyang mga mata. Masunurin naman pala siya, eh.
"Buti nakikinig sa'yo ang gagong 'yan. Dapat pala kanina pa kita tinawagan, eh. Edi sana hindi na nalasing 'yan," komento ni Ethan.
"Busy ka kasi sa'kin." Hinayaan ko na lang mag-usap 'yong dalawa sa harapan at pinagtuonan ng atensyon si Keith. Baka kasi mauntog siya kapag nakatulog na siya.
Hindi ko inalis ang tingin ko kay Keith hanggang sa makarating kami sa condo niya. Nagtulong kaming dalawa ni Ethan para alalayan siya, tulog na kasi, eh. Si Aira naman ang nangunguna sa'min habang dala ang susi ng condo.
"Dito na," anunsyo ni Aira sabay bukas ng pintuan. Sumunod naman kami sa loob at diniretso si Keith sa kama nito bago siya inihiga ng maayos. Ang bigat niya.
Buong akala namin ay matutulog na siya ng tuluyan ng bigla siyang tumayo at tumakbo papuntang banyo. Madali ko naman siyang sinundan at nakitang sumusuka sa bowl. Tumabi ako sa kaniya at inalo ang likod niya.
"Ethan, pakikuha mo naman si Keith ng pantulog niyang damit. Aira, pahinging tubig," utos ko sa dalawa habang hinahaplos ang likod ni Keith.
"Just a second." Sagot nila pero mabilis namang dumating si Aira at agad ko namang kinuha ang baso na may lamang tubig mula sa kamay niya.
"Inom ka muna nito," were the words escaped from my mouth after Keith has done with his vomiting. Tumango lang naman siya at inilapit ang kaniyang mukha sa baso bago uminom. Inaalalayan ko naman siya sa kaniyang ginagawa.
"Baby na baby mo 'yan, Ronnalynne, ah!" Narinig kong sabi ni Ethan pagpasok niya ng banyo. "Wala kasi 'yong girlfriend, eh."
YOU ARE READING
Her Most Painful Painting
RomanceWith an exceptional talent in making paintings, Ronnalynne Servantes from Xavier University is taking a Marketing course. She is also an artisan to support her study, she paints and sell. As this little business of hers starts to grow, she was able...