CHAPTER 9

41 3 0
                                    


"I'm really fine with you guys are friends. No worries, Ronnalynne."


Magkakasakama kaming tatlo ngayon. Ako, si Keith at Sandra. Niyaya nila akong kumain sa labas. Sumama na 'ko dahil sobra akong naguilty sa ginawa kong pag-iwas kay Keith kahit na wala namang masama ruon.


Pipikit na lamang ako at magpipigil ng nararamdaman. Muling magpapakamartir.


Pinag-uusapan namin kung ayos lang ba kay Sandra ang pagiging close namin ng boyfriend niya at mukhang ayos na ayos naman siya tungkol duon.


Ako lang talaga 'tong umiwas dahil sa takot akong masaktan.


"I'm not immature and possessive woman. Keith can be friends with other girls. Besides, lagi naman siyang nagsasabi sa'kin ahead of time sa tuwing aalis siya. Malaki rin ang tiwala ko kay Keith at may tiwala rin naman ako sa kapwa ko babae."


Sandra is surprisingly kind. Akala ko magseselos siya dahil iniwan siya ni Keith kagabi sa pwesto nila para lang puntahan ako pero hindi pala. Ako 'tong selosa kahit na wala naman sa lugar.


"See, Ronnalynne? Sandra is an understanding girlfriend," hinawakan ni Keith ang kamay ni Sandra sa harapan ko bago 'to pinisil ng marahan at ngumiti. He seems proud.


"I see. Bagay na bagay nga kayo, eh. You're both kind." Peke akong tumawa ng bahagya. Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama ko.


"Nanliligaw pa lang siya sa'kin ay matagal ko ng alam na mabait at friendly talaga siyang tao at tinanggap ko 'yun. Siguro isa 'yun sa mga dahilan kung bakit ko rin siya nagustuhan at sinagot." Sandra giggled which made Keith chuckled.


The perks of being third wheel. The worst case is, I'm in love with the man in the front of me.


"Ang sweet niyo naman," tangi kong nasabi bago kumain ng chocolate cake. Sa harapan ko pa silang dalawa naka-upo.


"How about you, Ronnalynne? Wala bang nanliligaw sa'yo?" Biglang tanong ni Sandra.


"Yeah, I heard you turned down Herald. Why is that?" Panunod naman ng boyfriend niya. Alam pala nila ang tungkol duon.


"Uh, wala, eh. Ayoko naman kasing pilitin ang sarili ko," sagot ko pero ang totoo n'yan ay ayoko lang maging panakip butas si Herald. Unfair para sa kaniya kung gagawin ko 'yun.


"Herald is my friend, so I know he's kind. Butit's still up to you," sabay tango ni Keith. Mas mabait ka pa rin para sa'kin.


Nang matapos kaming kumain ay biglang nagyaya si Sandra na manuod ng sine. Sumama pa rin ako dahil mapilit silang dalawa. Si Keith ang nagbayad ng tickets at ng popcorn namin. Habang nanunuod ay sobrang sweet nila sa isa't-isa. Masakit para sa'kin pero nagagawa ko namang tiisin. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Siguro dahil comedy 'yung film. Naaaliw ako kahit papaano.


Matapos ang movie ay nag-ikot-ikot kami saglit sa mall. Magkahawak kamay pa silang dalawa hanggang sa mapunta kami sa isang boutique.

Her Most Painful PaintingWhere stories live. Discover now