CHAPTER 10

38 3 0
                                    


"Good morning."


Nakangiting bungad sa'kin ni Keith paglabas ko ng apartment. 9 ng umaga ang usapan namin pero 8:40 pa lang ay narito na siya. Inagahan talaga niya, ah.


Lumapit agad siya sa'kin ng makitang may dala ako bago niya 'to kinuha mula sa'kin. "It's an easel, right?"


Alam na niya, ah. "Oo. Na-isip ko kasi na kailangan kong magdala nito para hindi ka na rin bumili." Sayang naman kasi kung bibili pa siya ng easel tapos isang beses lang niya gagamitin.


"Too late. I already bought one." He chuckled. Naglalakad na kami papuntang kotse niya.


"Hayaan mo na nga lang. Para mas maayos na rin ang pagtuturo ko sa'yo."


"Don't be so strict, ah."


"Hmm, depende." Tumawa kaming dalawa. Binuksan niya ang pintuan ng shotgun seat para ruon ako umupo.


"Salamat," saad ko bago pumasok sa loob. Sinara niya ang car door sabay umikot at pumasok.


"Seatbelt," paalala niya at tumango ako bago sinuot ang seatbelt. Hindi na 'ko maghihintay pa na siya ang magsusuot n'yon sa'kin.


Pinaandar niya ang sasakyan at nagplay siya ng music sa radyo. Maaga akong nagising kanina at naligo. Kaya ng magtext siya sa'kin na nasa baba na siya ay madali akong bumaba. Mabuti na nga lang at hindi ko siya pinaghintay ng matagal.


"Sinong kasama mo sa apartment?" Pag-oopen niya ng topic.


"Leah, my cousin. Sa Xavier din siya nag-aaral." Umalis nga ako kanina na tulog pa siya pero nag-iwan naman ako ng note. Hindi niya kasi alam na may lakad ako ngayong araw. Hindi ko kasi sinabi.


"Ikaw. Sinong kasama mo sa condo?" Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.


"Solo ko ang condo. Minsan bumibisita na lang ako sa bahay namin," itinigil niya ang kotse dahil sa red light.


"I see," sambit ko at bigla na lang nanlaki ang mga mata ko ng maproseso ng aking utak ang sinabi niya. Solo niya ang condo. Walang ibang tao ruon kung hindi kaming dalawa lang.


"Alam ba ni Sandra ang tungkol dito? Pupunta rin ba siya sa condo mo?" Tanong ko. May gusto akong kumpirmahin.


"She knows about this, but she's not coming due to her school works." Nag-drive na ulit siya.


Bumaling ang mga mata ko sa harap at tinignan na lang ang kalsada. Okay, it's confirm. Kaming dalawa nga lang ang magkasama mamaya sa condo niya.


Para naman akong kinakabahan. Wala naman akong iniisip na masama. I'm just being conscious to the fact that we're going to be alone.


Her Most Painful PaintingWhere stories live. Discover now