CHAPTER 1

78 4 0
                                    


"Oh, umagang-umaga nagpipinta ka r'yan!"


Napatingin ako sa pinsan kong si Leah na kakagising lang. Dalawa lang din kami rito sa apartment. Umagang-umaga rin ang lakas ng boses niya.


"Kailangan, eh." Sagot ko at nagpatuloy sa pagpipintang ginagawa ko. I will personally deliver this later to my loyal customer.


"Anong oras mo ba idedeliver 'yan?" Tanong niya at narinig ko rin ang pagbaba niya mula sa double deck bed.


"Mga 3:00 pa naman ng hapon. Inagahan ko lang dahil may pasok ako mamayang 9:00 ng umaga."


"Kaya naman pala ang aga." Hindi ko na siya sinagot at nagfocus na lang sa canvas, mahirap ng magkamali. Lalo na't patapos na rin ako.


Narinig ko na lang ang pagpasok niya sa loob ng banyo. Maliligo na siguro. May pasok rin kasi siya, eh.


Tinapos ko na rin ang pagpipinta ko bago tinanggal ang tape sa mga gilid ng canvas at pinapatuyo na lamang ito. Tumayo naman ako bago umunat. Sa wakas at natapos din.


Sa paggawa ng painting inaabot ako ng 2 hanggang 3 oras. Depende pa sa design and highlighting.


"Tapos na?" Tanong ni Leah, kakalabas lang niya ng banyo. Lumapit siya sa painting.


"Oh, lumayo-layo ka muna! Basa 'yang buhok mo baka matalsikan 'yong canvas," babala ko sabay na humarang sa kaniya. Baka pumangit pa ang gawa ko at hindi bilhin ng customer.


"Ay, oo nga pala!" Tumawa siya sabay na lumayo. "Pero ang ganda talaga at galing mong magpinta," puri niya. Pinagmasdan ko naman ang aking painting na ginawa. Tama siya. Ang ganda nga.


"Sana lahat may talent pagdating sa pagpipinta." Saad niya na parang akala mo ay ako lang ay may kaya nitong gumawa.


"Kaniya-kaniya kasing talento 'yan," sagot ko naman.


"Sabagay. Dapat mo lang talaga hanapin kung saan ka magaling," umalis na siya sa likuran ko.


Tumango lang ako at niligpit na ang aking mga gamit. Puro watercolor at acrylic na ang kanang kamay ko. Nilagay ko ang mga ito sa lalagyan sabay nilinisan ang pallette na ginamit ko. Tinabi ko na rin muna ang wooden easel kung nasaan nakalagay ang painting.


"Ronna, mauna na 'ko sa school, ah. 8:00 ng umaga ang klase ko, eh, bye." Paalam ni Leah at nakabihis na rin siya ng uniform.


"Take care," kumaway ako at lumabas na siya ng apartment. We're taking a different course. Marketing ako at siya naman ay accounting.


Nagtimpla ako ng kape at kinuha ang aking libro para magreview. May quiz kasi kami mamaya. 5 ng umaga ako nagising at inuna ko lang talaga ang pagpipinta.


Kailangan ko 'tong unahin dahil kumikita ako rito at natutulungan ko rin ang aking sarili sa mga gastusin sa school. Ulila na 'ko sa'king mga magulang at ayoko namang iasa ang lahat kay Tita na siyang nagbabayad ng tuition ko.

Her Most Painful PaintingWhere stories live. Discover now