EPILOGUE

48 3 0
                                    


"It'll be alright, babe."


Narinig kong sabi ni Sandra sa gago niyang boyfriend habang nakasandal ako sa may pader. Kanina pa 'ko rito at narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nila. Dati akala ko lang na gago si Keith, pero napatunayan kong gago pala talaga siya. Wala pala talaga siyang alam sa totoong nararamdaman ni Ronnalynne para sa kaniya. Gago nga. He deserved that punch from me.


Gago na marunong ding umiyak kahit papaano. Alam kong totoo 'yun. He feel very sorry for Ronnalynne. Dapat lang 'yun, ano. Sino ba ba namang hindi? You just broke someone's heart.


"I didn't mean to hurt her." Keith responded. Dito niyo pa talaga gusto na magdrama?


"I know that. Wala kang ginawang masama." Kahit na hindi ko sila nakikita ay alam kong yakap-yakap ni Sandra si Keith, which I find annoying.


Well, I guess it's my time to reveal myself now and be a hero.


"The damage has been done, Keith. You already broke Ronnalynne's heart." Pinakita ko ang sarili ko sa kanila at tama nga ang iniisip ko. Sandra is comforting my former friend. "Wala ka ng dapat pang sabihin."


"Herald—"


"Leave." I cut him off. "And we both know why am I asking you to leave." Matapang kong sabi bago humakbang papunta sa lugar na pinanggalinggan niya.


Lalagpasan ko na sana ng lakad si Keith ng bigla niya 'kong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak niya sa balikat ko.


"Pre." Pre? "Please do take care of her. Huwag na huwag mo siyang sasaktan." Parang siyang nagmamakaawa sa'kin.


Hindi ko siya nilingon at nanatili lang ang mga mata ko sa harapan. Umiling lang ako sabay na ngumisi. "We're different, Keith. Very different." Sagot ko at muling naglakad. Hindi mo naman kailangan pang sabihin sa'kin 'yun, gago. Alam na alam ko 'yun.


"Salamat," sabi niya ulit pero hindi ko na siya pinansin pa. Bad trip ako sa'yo, gago.


Lumakad na ako papunta sa pinagmulan ni Keith kanina kung nasan nanduon din si Ronnalynne. How is she right now? I bet she tried her best not to cry in front of him.


I took few more steps before I could finally get to see her. She was just staring at her painting. She looked droopy. I bet their confrontation was really painful, especially for her.


Nang mapansin niya yata ang presensya ko ay saka lang siya tumingin sa'kin. Her face was expressionless, however I saw through her eyes that she wanted to cry and rest.


Hindi ko siya nginitian o kahit na ano. Lumakad lang ulit ako palapit sa may sirang painting bago 'to dinampot isa-isa. Tumingin muli ako kay Ronnalynne na tahimik lang habang pinapanuod ako sa'king ginagawa. Siguro nagtataka siya sa kung anong balak kong gawin sa painting niya.


Hindi pa rin ako kumikibo at muling naglakad papunta ng basurahan. Hindi ako nagdalawang isip na itapon 'yung painting na mukha ni Keith sa may trash can. "Basura," bulong ko.


Humarap ako kay Ronnalynne na nakatayo pa rin sa pwesto niya habang pinapanuod ako. I was expressionless as well and finally walked towards her. I stopped in front of her in a very close distance. Silence is engulfing the whole area. Pakiramdam ko nga ay mabibingi na 'ko, eh.


Sa lahat ng babaeng ginusto kong ligawan ay siya lang 'yong nang-busted sa'kin. Gulong-gulo ako kung bakit pero dahil lang pala kay Keith 'yun. Kaya itinanong ko nuon sa sarili ko na ano bang meron si Keith na wala ako?


Why can't Ronnalynne like me back?


Why would she settle with someone who has a girlfriend?


Definitely because of love.


Medyo corny kung sasabihin ko 'to, pero nung una ay crush ko lang talaga siya. Hindi ko naman kasi akalain na mamahalin ko pala siya ng basta-basta na lang. Because after she rejected me, I couldn't forget her.


Siya ang mahal ko at sana ay mahalin din niya 'ko.


Pareho kaming tumitig sa mga mata ng isa't-isa at kitang-kita ko na gustong-gusto niyang umiyak. Pinipigil lang niya ang sarili niya. That's why I raised my right hand before putting it to the back of her head and without no hesitation, I rested her head on my chest. Masyado akong matangkad para sa kaniya pero hindi naman 'yun importante.


"Sige na. Pwede ka ng umiyak," marahan kong sabi.


Naramdaman ko na lang ang pagnginig ng katawan niya at matapos n'yon ay ang bigla niyang pag-iyak. Ibinaba ko ang aking kamay at hinayaan siyang umiyak ng umiyak na parang bata. Naramdaman ko na lang din na basa na ang damit ko sa may bandang dibdib.


Gago ka, Keith. Napakagago mo.


Kung ako lang siya ay hinding-hindi ko sasaktan si Ronnalynne, eh. Pero hindi, eh, magkaiba kami. Kung mas nauna lang talaga akong dumating sa buhay ni Ronnalynne at hindi siya, hindi siguro siya masasaktan ng ganito.


As much as I hated to admit it. I really think that this had to be happen, so that I can be part of her life. And I know that Ronnalynne has a lot of emotional wounds because of Keith. Healing those wounds would might take long, but I can wait for her.


She's worth it.


Tumingin ako sa pader at nakita ang nasabing painting ni Ronnalynne. She's good. Ang ganda ng painting niya, kasing ganda niya. Bumaba ang tingin ko at kasabay n'yon ang pagtaas naman ng tingin niya sa'kin. Basang-basa ang kaniyang mukha ng mga luha niya. Pinunasan ko naman agad 'yun gamit ng aking mga kamay.


"It's fine now. You did so great. I'm proud of you," maliit ko siyang nginitian.


Tumango naman siya. "S-salamat," she said before crying again like a child.


Ito ang unang beses na makakita ako ng isang tao na ganito umiyak ng dahil sa pag-ibig.


I once again wiped Ronnalynne's face. Ang ganda-ganda talaga niya. Alam ko na agad sa sarili ko. Akin 'to. Akin 'tong babaeng 'to. Magiging akin 'to pagdating ng tamang panahon.


Muli ko siyang nginitian. "No pressure, Ronnalynne. Pero, pwede bang sa susunod ako naman ang ipinta mo?" 

Her Most Painful PaintingWhere stories live. Discover now